CHAPTER 77 - Triumph

Magsimula sa umpisa
                                    

I smiled. Those kids inspired me, and encouraged me to study hard and pursue my dreams. Feeling ko, ang pagiging Valedictorian ko ngayon ay dahil sa kanila kasi simula nang dumating sila sa buhay ko, naging ama talaga ako sa kanila and as their father, gusto ko ring mapabuti ang buhay ko para in the future, mabigyan ko rin sila ng magandang buhay— kinabukasan. Imagine that? Kung noon wala akong pangarap, ngayon ang dami na at hindi nalang para sa sarili ko kundi para sa mga batang ‘yon.

“Congratulations, Tito, Tita.” Napatingin ako sa pinanggalingan ng pagbating ‘yon. Si Saiyan pala. Hindi ko man lang napansin ang paglapit niya sa amin. “Finally po tumino rin ‘tong anak ninyo.” biro ni Saiyan sa mga magulang ko.

Mabuti nalang at nagtino kayong pito kaya sabay-sabay din kayong nagsipagtapos.” nakangiting wika ni Mommy. Kaya congratulations din sa iyo, hijo.”

Salamat, Tita.”

“Oh, siya. Maiwan na namin kayo.” paalam ni Daddy na tinapik pa sa balikat si Saiyan. Sumunod ka kaagad, Kenshi.”

“Yes, Dad.”

Ingat po.” pahabol ni Saiyan sa kanila. “Congratulations, bro.” Inilahad niya sa harapan ko ang kamay niya, and for the first time, napansin kong walang Melody na nakabuntot sa kaniya.

Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya pero hinila ko siya for a bro hug. “Salamat, at congrats din sa ‘yo, bro.” Bati ko ‘tsaka siya pinakawalan. Si Saiyan kasi ang third honorable mention and I’m also happy for him. Pero utang na loob, huwag mo namang ipaalala sa mga magulang ko kung ilang taon ko silang binigo.” Birong-totoo ko.

“Tss,” tinapik niya ako sa balikat. “Iba talaga kapag inspired ‘no? Tingnan mo nga ikaw, sino bang mag-aakalang magiging valedictorian ka sa kabila ng reputasyon mo sa mga taon na inilagi mo rito sa HIS?” Nakangisi niyang tanong.

Natawa ako, “No one knows until miracle happened.”

“Gago.”

“Mga ‘tol!” Boses palang alam kong si Waldo na. Hrmp, mga animal! Sinolo na ninyo ang mga parangal at nganga nalang ang mga mababait na kagaya ko.” Nakabusangot na reklamo ng gunggong bago nakipag-bro hug sa ‘ming dalawa ni Saiyan.

“Thank you sa pagbati, ungas.” nakangising sabi ko. “Huwag ka ng magdamdam. Ang importante, makakaalis na rin tayo sa school na ‘to.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon