Dahan-dahan pa ang pagpasok niya sa condo niya. Walang kilatis. Ngiting-ngiti pa siya dahil siguradong magugulat si Ethan sa pagdating niya ng maaga. Hinubad niya ang sapatos para walang tunog ang mga paa niya sa paglakad papunta sa kuwarto nila. She could hear him moaning. Napapailing si Fiona at napapatawa. Naisip niya siguro nagma-masturbate na naman ang lalaking iyon. Walang kasawa-sawa. Pigil na pigil ang ngiti niya ng dahan-dahang buksan ang pinto. Patay ang ilaw sa kuwarto pero sigurado siyang nasa kama si Ethan. Nakikita niya ang paggalaw nito sa anino. At ng buksan niya ang ilaw, mas siya ang na-surprise sa nakita niyang nasa kama niya.

Naroon nga si Ethan.

Pero hindi ito nag-iisa.

Nakapatong ito sa isang babae at ng bumukas ang ilaw ay mabilis na umalis sa ibabaw ng babaeng kasama at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya habang pilit na nakikipaghatakan ng kumot sa babaeng ngayon ay katabi na ito.

Para yatang hihimatayin si Fiona ng makilala niya ang babaeng iyon. Nabitawan niya ang hawak na cake. Nagsabog ang tinapay at ang icing noon sa carpeted floor ng silid niya maging sa mga paa niya. Literal na nanginginig ang buo niyang katawan. Parang hindi siya makahinga.

Pumikit siya ng mariin dahil iniisip niya ay isang masamang panaginip lang ito. Pero pagmulat niya ng mga mata, naroon pa rin si Ethan at ang babaeng iyon. Ngayon ay natataranta na ang mga mukha nila.

"F-Fi-" nanginginig ang boses ni Ethan pero hindi ito makaalis mula sa pagkakabalot ng kumot.

Napapailing lang siya at tuluyang napaiyak. Dahan-dahan siyang humakbang paatras. Tinatawag na rin siya ng babaeng kasama ni Ethan pero hindi niya kayang pakinggan kahit ang boses ng babaeng iyon.

Dinampot lang niya ang bag na nasa sofa at dali-daling umalis sa lugar na iyon. Kahit naka-paa ay wala siyang pakialam. Sumakay siya sa sasakyan at paharurot na umalis.

"You are shaking, Fiona. Calm down." Marahang hinahaplos-haplos ni Carol ang likod niya.

"How could you expect me to calm down when I saw my boyfriend having sex with my own mother in our own bed?" Napasubsob siya sa mga palad niya at walang tigil na umiyak. Literal na parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang sakit na nadarama.

Hindi sumagot si Carol. Pinabayaan lang siyang umiyak ng umiyak.

"I cannot go back to that place. Kahit makita ko pa lang ang building ko, naiisip ko na agad ang nakita kong ginagawa nila. It was embedded in my head forever. My own mother fucking my boyfriend," ilang beses pang bumuga-buga ng hangin si Fiona para makahinga ng mabuti.

"Breathe. Calm down. Alam kong masakit ang nangyari but you need to face this. Kung ayaw mong bumalik sa place mo, then find some place where you can stay." Naiiling pa rin si Carol habang nakatingin sa kanya. And she hates it when people pity her. Kaya nga ayaw niyang iiyak sa harap ng ibang tao.

"And where would I find a new place at this hour? Malamang sa hotel. Doon ako matutulog."

Pareho silang napatingin sa telepono niya dahil tumutunog na naman iyon. Si Carol ang kumuha noon sa bag niya at ipinakita sa kanya kung sino ang tumatawag. Ang mommy niya.

"Ang kapal ng mukha. Pagkatapos niyang tikman ang boyfriend ko may lakas pa siya ng loob tumawag sa akin. Okay lang kung ibang babae, Carol. Mapapatawad ko pa iyon. Pero si mommy?" Naisubsob niya ang mukha sa mga kamay. "I know my mom never loved me, but I never imagined that she would hurt me like this."

"I have this place that's being leased by the owner. Nasa akin naman ang susi. It's nice, fully furnished. If you want, you can stay there. We can make the papers this week, but you can stay there for tonight. Feel the vibe of the place," suhestiyon ni Carol.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora