Chapter 18

557 19 0
                                    

Linggo ngayon kaya andito kami sa simbahan upang magpasalamat sa lahat ng biyayang aming natanggap. Kasama din namin si Mark dahil saktong nagkasalubong kami sa labas ng simbahan pero nasa kabilang banda siya umupo.

Saktong space na available nalang ay sa gitna kaya dun na ako umupo at si nanay ay nasa pang ikalawang upuan dahil wala ng space dito kaya nakinig na ako sa homily

"So you're pregnant?" naestatwa ako ng mapagtanto kung sino ang katabi ko

"A-les" gulat kong baling sakanya samantalang diretyo lang ang tingin sa harap at walang emosyon ang mga mata bahagya ding naka kunot ang noo

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" buong tapang niyang tanong at nakatingin din sa harapan dahil nakakahiya sa mga katabi nila

"I already realized that you're still young for me and I guess you're happy now with your husband and that kiddo" wala lang na tugon niya kahit na kating kating ang dila niyang sabihin ang totoo ay pinigilan niya ang sarili at kahit gulat siya kung saan man nagmumula ang sinasabi ni Ales ay hinayaan niya nalang ito, bahala siya kung anong gusto niyang isipin

"Pwede ba tayong mag usap pagkatapos nito" pinilit niya parin ang sarili upang kausapin si Ales tungkol sa lahat

"I dont have any time to those unimportant matters beside we're talking already" saka saglit na sumulyap kay Aly bago muling tumingin sa harap

Hindi na muling umimik si Aly at hinahaplos ang umbok ng tiyan pansin din niya ang pagtingin ni Ales sa kanyang tiyan at pagtitig din nito ng matagal

Pagkatapos ng misa ay nauna na siyang tumayo

"Una na ako, anyway sana maging masaya kayo ng babaeng nasa hospital at pinag dasal ko din na magiging maayos siya sa kung ano man ang kanyang kalagayan"

Walang halong plastic na sabi nito dahil kahit masakit ay tanggap niya kung ano man ang kinahantungan ng relasyon nila ni Ales basta ang mahalaga ay mayroon silang anak bilang alaala

Bahagya ding nagulat si Ales sa sinabi ni Aly, tinignan nalang niya ang likod ng dalagang papalayo kasama ng ina. Napahinga ito ng malalim at napasabunod sa buhok dahil sa tagpo nilang yun ng dalaga

"Nakita ko kayo ni Ales anak nagka usap na ba kayo" tanong ng ina habang naghihintay sila ng jeep, nagprisinta pa si Mark na ihatid sila pero tumanggi siya dahil alam niyang nakita ni Ales na magkasama sila

"Opo nay pero hindi ko na sinabi sakanya ang lahat mas mabuti ng wala siyang alam baka ito ang maging dahilan ng away nila ng babaeng mahal niya"

"Sigurado ka bang ayos ka lang anak"

"Nay ayos na ako kahit masakit wala naman akong magagawa dahil hindi ko kayang pilitin ang taong mahalin ako kaya tanggapin ko nalang ang kinahantungan namin nay" lingid sa kaalam niya ay narinig ni Ales ang huli niyang sinabi 

"What have I done" bulong ng binata

Pagkasakay niya ng kotse ay nagpasya siyang sundan si Aly sa kanilang bahay at nakita niya ang dalagang nagdidilig sa mga halaman, bumaba siya at patagong puwesto malapit sa kinaroroonan ng dalaga na ngayon ay naka upo na sa isang silya

"Anak wag mong pahirapan si mommy ha mahal na mahal kita at kahit wala si daddy andito naman kami ng lola mo mamahalin ka namin ng buo"

Hindi ba siya pinanagutan ng nakabuntis sakanya! Puno ng galit niyang sambit at nanatiling nakikinig sa dalagang kinakausap ang anak sa loob ng tiyan

"Anak kung darating araw na maghanap ka man ng ama hindi ko ipagdadamot iyon sayo basta sa ngayon hayaan muna natin ang daddy mo dahil hindi na siya masaya sa piling ni mommy pero masaya naman siya sa taong mahal niya kaya masaya na din ang mommy" lumuluha niyang sabi at hindi na kayang pakinggan pa ni Ales ang lahat at agad ng umalis

------

"San ka galing Ales" bungad ng ina pagkarating sa ospital

"Nagsimba lang ako mom" walang ganang sagot saka uminom ng tubig

"Buti hindi ka nasunog anak sa lahat ng kasalanang nagawa mo" muntik pa niyang maibuga ang iniinom dahil sa sinabi ng ina

"What are you talking about mom?" kunot noo niyang tanong samantala nagkibit balikat lang ang ina at pinag patuloy ang pag babalat ng mansanas

"I hope you will not regret everything  someday Ales" biglang sabi ng ina at agad na lumabas at siya ay nanatiling gulat sa lahat ng pinagsasabi ng ina

Pansin din niyang simula noong isang linggo ay iba ang pakikitungo sakanya ng ina at hindi malaman ang dahilan.

Nilapitan niya ang babaeng payapang natutulog ngayon "I hope we can find your donor Hera, I cant afford to lose you"

*blaaaggg*

"I-m s-orry maling room ang napasok ko" puno ng takot na sabi ni Aly bago tuluyang tumakbo palabas

Kaya agad niya itong hinabol pero hindi na niya nakita kung saan lumiko ang dalaga kaya nanghihina siyang bumalik sa silid ng dalaga

"Where is Aly now?" bungad ng ina

"Did you tell her to came here mom!?" galit niyang tugon sa ina

"Dont raise your voice on me Ales! And yes because I miss her"

Masama namang tumingin ang binata sa ina "Yes mom she came here and shes crying because of what she saw!"

"Thats not my problem anymore and oh why are you worried anak diba hindi siya ang pinili mo remember hindi mo siya binisita ng ilang buwan? Akala ko aayusin mo ang sainyo ni Aly hindi ko akalaing iiwan mo siya ng walang paalam" natauhan naman siyang muli sa sinabi ng ina

"I know about what you did, So please anak stop hurting my little Aly she deserve to be happy. Just let her go, you already have Hera" seryosong sabi ng ina saka siya iniwang naguguluhan at hindi na alam ang gagawin

To be Continued
Your comment are very much appreciated :)

Chased by AgeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant