Chapter 16

702 26 3
                                    

Nagising si Aly sa mumunting halik ng binata "Good morning sweetheart" nakangiting bati ng binata mabuti nalang ay bakasyon na nila

"Morning" ngiting bati niya pabalik at dahan dahang umupo at nagtakip ng kumot

"Breakfast in bed" napangiti naman ang dalaga ng makita ang inihanda niya

"Bat wala kang pasok" tanong niya sa binata ng makitang hindi pa pala ito naligo, nakaboxer lang ito

"Im on leave love" sagot niya ng maalalang tinatawag siya nito kagabi kaya napatawa ang dalaga

"Thankyou for the breakfast" sabi nito saka niya kinuha yung kutsara ng agawin ito ng binata

"Let me feed you love" agaw nito kaya hinayaan niya nalang

"Stop calling me love" inis nitong sagot dahil naalala niya ang kalandian niya kagabi at nahihiya siya doon

Ngumisi naman ang binata "Love is cute anyway"

"Hmp"

Pagkatapos niyang kumain ay agad na siyang nagbihis at inayos ang kama habang naliligo din si Ales ng mag ring ang phone nito at makitang Hera ang pangalang naka register, akmang sasagutin niya ay sakto namang tumigil. Baka pinsan niya lang yun pagkumbinsi niya sa sarili at agad nang lumabas

Kasalukuyan siyang nanonood ng nakabihis na bumaba si Ales

"San punta mo akala ko ba naka leave ka?" tanong niya at nanatili ang tingin sa pinapanood

"May emergency meeting daw sa kumpanya" may pagmamadaling sagot nito saka lumapit sa dalaga at binigyan ng halik

"I have to go sweetheart" paalam nito saka na umalis

Napaayos naman ng upo si Aly ng maramdaman na naman ang paninikip ng dibdib kaya agad kumuha ng tubig at muling napaupo. Ngayon na naman umataki ang sakit nito ilang buwan na din ang nakalipas

Samantala pagpasok ni Ales sa opisina ay ang seryosong mukha ng magulang ang agad niyang nadatnan

"Why are you here" salubong niya agad sa mga magulang pagka upo sa kanyang upuan

"Stop playing around now Ales" seryosong sambit ng ama kaya napakunot ang noo nito

"Anak she always wait you" dugtong ng ina kaya napahilot siya sa noo at alam na niya ang gustong iparating ng mga magulang

"Mom, Dad stop mending my life. Im already old enough to handle such things"

"Pero sa nakikita ko hindi tama ang ginagawa mo, ni hindi mo siya binibisita man lang myghadd Ales whats wrong with you" may bahid ng galit na sabi ng ina

Napahinga nalang ito ng malalim at tama nga ang sinasabi ng ina, siguro panahon na para itama niyang muli ang pagkakamali niya. Agad siyang tumayo at nagtangka ng lumabas

"Where are you going Ales?"

"I will make it up to her mom"sagot nito

"Ok anak hindi pa huli ang lahat" pagsang ayon naman ng ina pero iniisip din niya ang mararamdaman ni Aly kaya napag isipan niyang kausapin muna ito

Pagdating niya sa unit nila ay wala siyang nadatnan na Aly kaya nagmadali itong tawagan at agad din namang sinagot

"Where are you?"  tanong niya baka kase kung saan saan na naman ito pumupunta gaya nung minsan na lumabas ito para bumili ng napkin kaya nagalit siya at bumili ng maraming stock na napkin

"Andito sa bahay namiss ko kase si nanay" sagot ng dalaga kaya napahinga siya ng maluwag

"Ok susunduin kita"

"Sige mag ingat ka" paalam ng dalaga kaya agad na siyang lumabas para puntahan ang dalaga

Nadatnan niya ang dalagang nakikipag usap sa isang lalaki kaya kunot noo siyang lumapit sa mga ito

"Lets go Aly" tawag nito kaya napabaling sakanya ang dalawa

"Oh andito ka na pala, siya pala si Andong" pakilala nito sa kausap

"Ando pare" pakilala ng binata kaya tinanggap na din ito para hindi na naman magalit ang dalaga kahit labag sa kanyang kalooban

"Ales, Allison's boyfriend" diretong sabi saka na hinila sa Aly paalis

"Alis na ako Andong" paalam parin ni Aly habang naglalakad sila paalis

"Paalam muna ako kay nanay Ales bago tayo umuwi" baling niya sa binata at tumango naman ito

"Andito ka pala hijo" bungad ng ina

"Good afternoon tita" magalang na bati nito

"Nako pasok kayo mainit na sa labas anak"

"Nay hindi na po sinusundo lang ako ni Ales" singit niya habang nag lalagay ng sapatos dahil tinanggal niya ito kanina

"Ganon ba sige mag ingat kayo, sa susunod agahan niyong pumunta dito Ales hijo para maipagluto ko kayo" masayang sambit ng ina

"Yes sasabihin ko po kay Aly para maipaalam sainyo agad" nakangiting sabi naman nito saka na sila nag paalam para umalis

"Nga pala Ales" basag nito sa katahimikan dahil hindi siya mapakali at parang ang lalim ng iniisip ng binata

"Hm?"

"Pwedeng sa bahay muna ako matulog sa susunod na linggo" pagpapaalam nito

"Why?" baling nito sa dalaga

"E kase gusto ko ulit siyang makasama ng matagal din" may pag aalinlangan niyang sagot

"Ok how many days?"

"Uhm mga 2 weeks sana, dahil birthday din ni nanay sa susunod na linggo" paliwanag niya

"I see, I will just visit you then" sang ayon nito kaya napangiti ang dalaga

Samantala hindi alam ni Ales kung paano niya sasabihin ang mga pinag usapan nila ng mga magulang gayong nakikita niya ang masaya nitong mukha nawawalan siya ng lakas para magpaliwanag at ayaw niyang malungkot ito. Siguro pagkatapos nalang ng bagong taon sabi nito sa isipan at sulitin muna ang araw na magkasama sila ng dalaga dahil hindi niya alam baka hindi yun maintindihan ni Aly ay iwanan siya na siyang kanyang kinatatakutan.


To be Continued
Your comment are very much appreciated :)

Chased by AgeWhere stories live. Discover now