Chapter 10 edit

721 24 1
                                    

Nagising si Aly sa liwanag na tumatama sa kanyang mukha at agad tinignan ang katabi pero wala na ito kaya agad siyang bumangon ng mapagtantong may pasok pa siya kahit masakit pa ang pagitan ng kanyang mga hita maging ang balakang nito ay nagmadaling bumangon habang takip ng kumot ng pumasok si Ales

"Bat di mo ako ginising malelate na ako" sabi niya sa binatang naka bihis na

Naglakad naman ito palapit sa dalaga "You'll excuse sweetheart just continue to sleep" sabi nito saka niyakap

"Pano ako naging excuse?" kunot noong tanong

"I have a share on that school so I ask Thunder to excuse you because we madelove many t—-

"Stop tsk" inis niyang sabi pero ngumisi lang ang binata

"Anyway I already prepared your breakfast, I have a meeting in 30 minutes"

"Ok alis ka na baka malate ka" sabi niya saka muling humiga dahil wala pa talaga siyang lakas para tumayo

"I own the company sweetheart, let them wait" ngiting sagot saka niya hinalikan ng mabilis si Aly

"Im going, dont forget to eat" paalam na nito saka tumayo

"Yes boss" sagot niya pero tinaasan lang siya ng kilay ni Ales bago tuluyang lumabas

Ilang oras pa siyang natulog ulit bago nagbihis at kinain ang hinanda ni Ales, pagkatapos ay nanood lang siya maghapon at mag aalas kwatro na nang maisipan niya lumabas at puntahan ang ina

Pagdating sa bahay nila ay nagsasaing na ang kanyang ina kaya tinawag niya ang pansin nito

"Anak namiss kita" naiiyak niyang sabi habang nakayakap ng mahigpit sa ina

"Miss ko na din po kayo nay"

"Bat wala ka bang pasok?" Tanong ng ina habang ginagaya siya paupo

Namula naman siya sa tanong ng ina "W-ala po"

"Ganun ba, kumain ka na dito niluto ko ang paborito mo" masayang sabi ng ina kaya agad siyang nagtungo sa kanilang kusina

"Wow laing, nay kain na tayo" masaya niyang sabi saka na kumuha ng pinggan nilang dalawa

"Hinay hinay lang anak madami pa diyan" sabi ng ina ng makitang sunod sunod ang pagsubo nito

"Ang sarap walang kupas parin talaga ang laing mo nay"

Tumawa naman ang ina, pagkatapos nilang kumain ay tinulungan niya ang ina sa pagliligpit ng pinagkainan at nanood saglit

"Dito ka ba matutulog anak?"

Agad naman niyang naalala si Ales, hindi pala siya nakapag paalam kaya napatayo agad ito

"Bakit nak?" may pag aalalang tanong ina

"Hala nay hindi pala ako nakapag paalam sakanya, anong oras na po?"

Napatingin naman ang ina sa kanyang relo "Aba mag aalas nuebe na"

"Hala nay alis na ako sa susunod ako matutulog dito hindi kase ako nakapag paalam sakanya baka hinahanap na niya ako" paliwanag niya at naintindihan naman ito ng ina

Chased by AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon