Chapter 5

1K 26 0
                                    

Kinabukasan nagising si Aly na wala na ang binata sa kanyang tabi kaya agad itong nagbihis kahit hirap siyang maglakad dahil sa sakit ng kanyang pagkababae sinikap niyang ihakbang ang kanyang mga paa at saka lumabas at nakita ang iniwang papel ni Ales sa lamesa

"Morning, I already made your breakfast. Eat and I will fetch you later at 10"

—- Ales

Masayang kinain ng dalaga ang hinada ni Ales pagkatapos ay naglinis siya sa kanilang silid, nagpalit ng bedsheet dahil may mga dugo ito na nagpaalalang wala na ang kanyang pinagkakaingatan ngunit wala siyang pinagsisisihan sa mga ginawa nila kagabi dahil ginusto din niya ito kahit hindi niya alam kung ano na ang mayroon sila ng binata.

Bago pa mag alas dies ay naka bihis na si Aly ng isang simpleng pants at tshirt na pinatungan ng maong na jacket dahil malamig din lang sa labas

"Lets go" tawag sakanya ni Ales sa pintuan kaya agad na siyang tumayo

Namasyal sila sa burnham park, namangka at nagpapicture habang naka suot sila ng bahag na sa una ay ayaw ng binata na sa kalaunan napilit din ito ni Aly

Pagkatapos nila maglibot kumain muna ang mga ito sa inasal na ayaw ni Ales

"Lets eat in other restaurant kid not here" mariin nitong sabi

"Ah bahala ka masarap ang pagkain dito, dito na ako kakain bahala ka sa buhay mo"

He sighed "Fine tsk!"

Abot ngiting nag order si Aly  habang nakakunot noo si Ales na naghihintay sa kanyang tabi. Panay din ang tingin ng mga tao kay Ales na nagpainis kay Aly

"Why are you frowning? Akala ko ba gusto mo dito" tanong nito

Umikot lang ang mga mata nito "E kase kanina ka pa pinagtitinginan ng mga tao tss"

Napangisi naman ang binata "You're jealous?"

"Hindi a bat sana tanda tsk"

Napatawa nalang si Ales at pinag patuloy ang pagkain ng naka kamay na hirap na hirap niyang gawin

Pagkatapos nilang kumain ay nagpatuloy sila sa pamamasyal sa botanical garden

"Ang ganda ng mga bulaklak" manghang sabi ni Aly habang nakasunod lang binata sakanya

"Ales?" sabi ng dalagang sexy kaya agad na napalingon si Aly

"What are you doing here?" malamig na sabi ni Ales kaya nanatiling tahimik si Aly

"Uhm I followed you" napakahinhin at disente nitong magsalita

"What for?" matigas na sabi nito

"For her Ales, can you visit her and please understand her situation" naluluhang pakiusap ng dalaga, naawa siya dito pero natatakot siyang makisawsaw sa usapan ng dalawa dahil kahit papano wala pang isang buwan mula ng magkakilala sila kaya hindi pa nila gaanong kilala ang isat isa kaya pinili nalang nitong manahimik.

Hindi nakaligtas sa mga mata ni Aly ang pagtagis ng bagang ni Ales

"Im sorry Heather I still need some time to think!" Sagot nito at agad na hinila si Aly, kita naman niya kung paano bumagsak ang mga balikat nung dalaga bago sila tuluyang umalis

"Sandali! Namamasyal pa tayo" sigaw nito ng patuloy lang ang paghila sakanya ng binata

"Lets go home!" Matigas nitong sabi kaya hinayaan nalang niya

Pagdating sa kanilang hotel agad nilabas ni Ales ang kanilang laguage

"Fix your things now where going home!" malamig parin na sabi nito kaya kahit gustong gusto niyang magtanong ay nanatili itong tahimik na inaayos ang kanyang gamit

Chased by AgeWhere stories live. Discover now