Chapter 13

610 19 0
                                    

Kumakain sila malapit lang sa hotel na tinutuluyan nila ng may lumapit sa kanilang lamesa

"Ales?" tawag ng babae kaya napatigil din siya sa pagkain

"Catya what are you doing here?" gulat din na tanong ni Ales

"I visit my grandmother" masayang sagot ng babae saka umupo sa tabi ni Ales

"I see, anyway this is Aly" pakilala niya sa dalaga

"Hi" bati niya pero nginitian lang siya nung Catya

"So she is your secretary?" nagulat naman siya sa tanong ng babae at nararamdamang niyang ayaw siya nito dahil kaninang pagdating niya ay tinignan siya pataas saka tinaasan ng kilay

"No" mabilis naman na sa sagot ni Ales

"Then a friend?"

"Shes my girlfriend Cat" sagot nito na nagpatigil sa babae at unti unting nawala ang kanyang ngiti

"What? Are you? fuck Ales!!" galit nitong sabi habang nakatayo

"Stop it Cat" mariing sabi ng binata

"No this cant be! How about her? Did you just forget?!"

"No I will never forget about her" mariing niyang sagot

"Then why are you with her and you said that shes your girlfriend where in fact you have yo—

Hindi na niya hinintay na matapos ang sasabihin ni Catya at agad ng umalis palabas ng retaurant gusto niya nang umuwi, sunod sunod ang pag agos ng kanyang mga luha dahil hindi naman siya pinanganak kahapon para hindi maintindihan yung pinag uusapan nila, nagbingi bingihan din siya sa mga sinabi nung Heather noong nasa baguio sila pero yun na naman ang babaeng tinutukoy nila hanggang sa may mabangga siya dahil natakpan ng mga luha ang kanyang mga mata

"I-m sorry" paumanhin nito saka inayos ang sarili

"Aly? Is that you?" tinignan niya ito ng maayos at napangiti siya ng makita kung sino ito

"Mark anong ginagawa mo dito?"

"Taga dito ang mga magulang ko, ikaw bakit ka andito at umiiyak ka!?"

Nawala tuloy ang mga ngiti niya ng maalala ang nangyari kanina

"Long story pero pwede bang sumama ako sayo sasabay nalang ako sayo pauwi"

"Oo naman para maipasyal kita" sagot nito kaya sumama na siya sa binata hinayaan niya nalang si Ales

Dalawang araw silang namasyal ni Mark sa Cebu kasama din ang pamilya niya at ngayon ay pauwi na sila, sa loob ng dalawang araw panay ang tawag ni Ales pero hindi niya sinasagot. Naikwento na din niya ang lahat kay Mark kaya naiintindihan niya ito

"Aly saan kita ihahatid?" tanong niya habang nasa loob na sila ng sasakyan

"Sa bahay nalang namin" sagot dahil ayaw pa niyang makita si Ales

Pagdating sa bahay nila ay agad na siyang bumaba

"Thankyou Mark babayaran kita bukas" sabi nito dahil siya ang nagbayad sa lahat at hindi na kase niya binalikan yung gamit niya sa hotel nila ni Ales

"Sus wag na kapalit na yun ng hindi mo pagbubunyag sa alam mo na" sabi nito kaya tumawa nalang siya

"Osige ingat ka"

Chased by AgeWhere stories live. Discover now