Kabanata 49 - Found and Lost

1.2K 77 144
                                    

Kabanata 49
Found and Lost

The morning I wake up, my head feels like floating in between heaven and hell. Last thing I knew I was in the verge of self-destruction last night.

Iniyak ko nang iniyak ang lahat hanggang sa maubos ang luha ko. I remembered torturing myself until I felt numb. I stared at the lonely night and contemplated if my love for him is as deep as the ocean or as fathomless as the sky.

Hindi ko alam kung paano ako napunta dito sa aking kwarto sa hotel dahil ang tanging alam ko lang, iniwan niya ako kagabi. Ni hindi ko rin matandaan kung naubos ko ba ang isang case ng alak sa beach. Ngunit heto ako, nagtataka kung bakit buhay pa rin ako at humihinga.

Mag-isa. Manhid. Malungkot. Masalimuot.

I feel like I'm a living dead. Ayaw ko na sa buhay pero tila kagustuhan ng mundo na magpatuloy ako. How can I even move forward if the reason why I only force myself to look ahead in the future already faded away?

Bumangon ako at nagtangkang gawing normal ang lahat. I took a shower in the hopes that the cold water can wipe away every ounce of my emotion but it still can't. Tulala akong nagbihis at lumabas ng unit. Para akong isang robot na nasa katawan ng isang walang kwentang tao. Dire-diretso ako palabas ng hotel para daluhan ang aking team na ngayo'y nag-aalmusal na sa group table sa beach na tanaw ang kay gandang dagat at ang pagsikat ng parehong araw na sumisimbolo sa bagong pag-asa.

Fuck that sun rise. Fuck that hope. And fuck this fucking life!

Ngumiti at kumaway ang lahat sa akin pero itinakwil kong muli ang mundo ngayon. I ignored everyone and went straight ahead to my breakfast.

Tila pa nananadya ang pagkakataon dahil ang naiwang bakante sa table ay sa harapan ko kaya doon umupo si Filan. Hindi ko magawang tumingin sa kanyang mga mata. It is too early in the morning for another breakdown.

"Ma'am Av, okay ka lang ba? May sakit po ba kayo?" Matalim kong binalingan ng tingin si Hailey sa aking tabi. Gusto ko siyang sigawan.

Tangina hindi ba halata na ang sakit-sakit na nga?

Hindi ko siya pinansin at nagkibit-balikat na lang. Masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan na lalo kong ikinayamot.

Naiinis ako! Paano nila nagagawang maging masaya? Bakit ba tila napakadali no'n para sa iba?

"Pwede bang huwag kayong masyadong maingay?" Padabog kong binagsak ang aking baso na ubos ko na ang lamang tubig.

Nagitla silang lahat at napatingin sa akin. Si Filan lamang ang tanging nagpapatuloy pagkain habang nakatulala sa kung anong hinihiwa niya sa kanyang plato na hindi ko na dapat pinapakialamanan. Dammit!

"Ashlene, after this make sure you go straight back to the hotel with Mr. Fontaniel," utos ko sa kanya sabay baling ng sulyap kay Filan na nakatingin na sa akin ngayon. Agaran ko ring ibinagsak ang tingin sa aking plato. "I already scheduled the food tasting today so coordinate with them. Corbyn, you better do the reservations and close the negotiation. I believe you know the couple's choice of venues. And Hailey? Do everything you can to assure that it will not rain on that day."

"Po? Paano ko naman 'yun gagawin, Ma'am?" Bakas sa hitsura ni Hailey ang pagkagulat sa utos ko sa kanya. That's what you get for questioning me if I'm okay when I'm clearly and obviously not!

Tinaasan ko siya ng kilay. "Pigilan mo. Basta ang gusto ko, hindi uulan sa araw na 'yon. Gets mo?"

I hate the rain. I hate everything about it. I hate how it just pours down without even caring if it will leave a calamity to someone. The rain doesn't care if it becomes a storm and carelessly destroys anything.

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon