Kabanata 26 - Risky One

2.4K 108 22
                                    

Kabanata 26
Risky One

"Gusto ko na ng maayos na buhay. And I want it to start with my family." Naghugas na ako ng kamay at pinunasan na ang mga niligpit ko.

"If I know, napilit ka lang ni Filan. Nagpabebe ka lang talaga. Hindi naman yata talaga bukal sa loob mo, e." Nangungutya pa siya.

"Don't step into the line again, Febry. Ayos na, huwag mo nang guluhin ulit." Pakiusap ko.

She leans on the table, kumuha ng grapes. "Do you really think I want you in our family? Kung sabagay, hinding hindi mo naman na maaagaw si Daddy sa amin dahil ikakasal na sila ni Mommy. Kung dati wala ka lang chance, ngayon... Walang wala ka ng pag-asa."

Umigting ang panga ko. My thin string of patience is about disappear. Bruhilda pa rin pala!

Just as I thought that everything's fine, may mga bagay pala talagang hinding-hindi na yata magbabago.

"Rephrase your line. Baka nakakalimutan mong kayo ang nang-agaw kay Papa." I struggled to calm my voice dahil baka marinig nila.

"Oh, right. Oo nga pala, sabi mo doon ako magaling 'di ba? Ang manira ng relasyon at mang-agaw. Bakit hindi natin ulit subukan ngayon?"

Napalunok ako sa sinabi niya. Her hideous, evil grin says it all. Hindi ko magugustuhan ang binabalak niya.

Inayos niya ang kanyang manipis na sando at talagang ibinaba pa ang neckline para makita ang cleavage. Itinali niyang sunod ang laylayan ng damit para lumabas ang pusod niya. Inangat niya rin ang kanyang cycling shorts na halos kita na yata ang kalahati ng pwet. Naglakad-lakad pa siya sa sala at umupo sa sofa na nagde-kwatro. Kulang na lang maghubad siya.

Ano ka, pokpok? Kumukulo na ang dugo ko ngayon. I know what she's thinking!

"Do you think Filan could be a good subject?" Tumawa siya. What the hell?

Definitely not Filan. Baka totohanin ko na ang matagal kong balak na isubsob siya sa putik kung saan siya nababagay.

I'm at the verge of wrestling her when Filan went out of his room, topless for Pete's sake!

He's just quenching Febry's thirst for him! Bwisit na 'yan! Gustong gusto ko siyang itulak pabalik sa kwarto niya pero huli na dahil nalapitan na niya ako sa kitchen.

"You done?" Tanong niya habang tinutuyo ang buhok gamit ang towel.

Napalunok ako nang bumagsak ang tingin ko sa kanyang pecs, mga pandesal at pelvic muscle. What's that again? The happy trail?

At ganyan ba talaga siya kababa magsuot ng boxers? Nakakainis!

Water's dripping down to all the right places. Ang mga waterdrops mula sa kanyang buhok ay pumapatak sa kanyang dibdib pababa sa kanyang sinfully perfect abs. I can also vividly see how his muscles flex because of what he's doing. Lintek na 'yan!

Kaya siguro ganoon na lang katindi kung mahumaling ang mga babae sa kanya. Ano pa bang hahanapin mo sa pisikal na kaanyuan ni Filan Fontaniel?

"Wow, your body built is too perfect. Are you even real?" Dahan-dahan at makasalanan ang boses na ginamit ni Febry. Doon lang napansin ni Filan na nasa sala pala si Febry.

Sinundan ko talaga ng tingin ang mga mata ni Filan. Sinipat niya ito mula ulo hanggang paa at bakas na bakas sa adam's apple niya na napalunok siya. Napapikit ako nang mariin. Febry's hot and sexy okay? At pipitsugin lang ang katawan ko kung ikukumpara sa kanya. Kumbaga siya ay malusog sa lahat habang ako naman ay pinagkaitan. So Filan hitting on her is definitely possible.

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon