Kabanata 7 - Untouchables

3.4K 118 14
                                    

Caution: SPG (lenggwahe) :)
==========

Kabanata 7
Untouchables

Natapos ang kanilang band practice na inabot ng dalawang oras. Pagtingin ko sa relo ko ay ala-siyete pa lang naman, maaga pa. Hindi nag-atubili si Filan na tabihan ako pagkatapos.

"Any nice or violent comments?" malambing niyang tanong.

Hinding-hindi ko sasabihin na napabilib nanaman niya ako. Never.

"Ang galing nilang apat, walang dudang sila ang bumubuhay sa banda niyo." Pambungad kong ikinangiti nung apat at ikinasimangot naman ni Filan. Pinipigilan kong ngumiti.

"Eh ako?" Agaw-pansin ang pagkunot ng noo niya.

"Huh? Ay sorry, hindi kita masyadong pinanood eh. Sila lang." I smiled evilly. I'm starting to like bullying him the hard way.

"Bugtungan tayo dali," ani Paolo na umupo sa sahig. Nagsang-ayunan sila.

"Number one, 'pag binlow, titigas. Ano ito?" Napabuntong-hininga agad ako. Magkakaibigan nga talaga sila ni Filan.

Binatukan ni Filan nang malakas si Paolo. "Siraulo! Bugtong ba 'yon?" Kunwari pa itong ungas na 'to. If I know, nagdiriwang na ang mga brain cells niya sa sinimulang topic ni Paolo.

"Modernong bugtong ang peg!" pagtatawa ni Rian.

"Ako alam ko 'yan!" dagdag ni Ja.

"Sige nga ano boss Ja."

"Edi balloon." Nagsimula nanaman ang panibagong batch ng kalokohan nila. What a very happy group.

"Ako naman!" pagsingit ni Filan. "Mahina ang signal 'pag hindi nakatayo. Ano ito?" Kitams? Heto na, aarangkada na ang presidente ng kamanyakan.

"Ano?"

"Antenna ng radio." Nagmake-face kami. Hindi ako natawa. Boo, Filan!

"Sus, bulok! Eto, mapapaliyad ka sa sakit. Ano ito?" sabi ni Ja. Nag-iisip ako ng matinong sagot pero mukhang kabastusan talaga lahat ng bugtong nila. Mga semplang ang utak ng magkakaibigang ito.

"Sex," mabilis na sagot ni Filan na para bang kasama sa daily vocabulary niya ang salitang 'yon. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? Minura nila nang malutong si Filan.

"Kung krimen lang maging malibs, sa malamang..."

"Ano Ja, sige ituloy mo."

"Malamang, kulong na tayong lima." Nagkamutan sila sa ulong lahat.

Napagdesisyunan ko nang makisali, "Pero si Filan lang ang reclusión perpetua."

"Garantisado. Without a doubt. Natumbok mo!" sabayang pagbigkas nila at nagtawanan kami. Nagulat na lang ako nang kurutin ako sa ilong nitong katabi ko.

"Ano ba kasing tamang sagot?" aniya. Talaga palang may tamang sagot sa mga kalokohang ito?

"Edi back pain." Si Ja naman ngayon ang binully nila. And I think I'm starting to enjoy their company. Nakakalungkot lang isipin na ngayon lang ito dahil bukas, balik nanaman sa normal ang buhay ko. Buhay kong boring.

"Will, magpapatalo ka ba?" panghahamon ni Filan sa kanya.

Tumikhim siya. Seryoso ang mukha at pumangalumbaba. "'Pag pinisil-pisil, nakakatanggal ng stress. Ano ito?" Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Will.

"Talaga pre? Nakapisil ka na pala?" tanong ni Paolo sa kanya.

Binatukan niya si Paolo at sinabihang bastos daw ito. Nagtawa kami. Para namang hindi nakakabastos 'yung tanong niya. Ano pa bang ibang sagot dun kundi ang dalawang bundok ni Maria Makiling?!

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon