Kabanata 28 - Broken Glass

2.7K 112 47
                                    

Kabanata 28
Broken Glass

I woke up with a headache as usual. Hindi na ganoon katindi pero parang ang sarap pa rin matulog buong araw. Hindi na ako nakapasok ngayon sa aking OJT. I immediately searched for my phone sa side table ni Filan at tinext ang supervisor ko na masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakapasok.

Teka... Nasa kama ako ni Filan?! Oh my god! I embraced myself to feel something strange pero wala naman. Ito pa rin ang suot ko mula kagabi at mukhang wala namang nangyaring kababalaghan. Looks like Filan is serious about being a complete gentleman to me, or he's really true when he says his friends are untouchables.

Yeah, friend. I'm just his friend. He just treats me as a friend.

My phone also showed missed calls and one text from Shawn. Hinilot ko ang aking sentido. Right! I almost forgot about him! Lagi niya akong tinatawagan kada umaga para siguruhing nakapasok na ako.

I called him and told him I'm fine at work. Naguilty nanaman ako. I just lied to him! Sinabi kong pumasok ako ngayon sa opisina at may pinagawa agad kaya hindi ko nasagot ang mga nauna niyang tawag. Kinagat ko ang aking labi. An addition to my white lies again. Ayoko na ng ganito! Last na talaga ito na magsisinungaling ako sa kanya.

Pati na rin kay Filan. Sasabihin ko na sa kanya ang tungkol sa amin ni Shawn. He should know right? He deserves to know about me and Shawn... Because Filan's a very close friend. He's a dear friend so it's only just and rightful to tell this news to him.

Tama Honey, sabihin mo na sa kanya sa lalong madaling panahon para hindi ka na nahihirapan.

Sabihin sa kanyang may boyfriend na ako. Na boyfriend ko na ang pinsan niya.

Bumangon na ako bago pa ako lalong mapraning.

Until I saw a sticky note on the door that says: Good morning! Don't go out of this room yet, the sala is a big mess. Hintayin mo akong pumasok, Honey.

Napapikit ako sa huling pangungusap. Bakit ang dumi ng naisip ko? Goodness gracious!

What is he up to?

Napaatras ako sa naalala. Could this be the surprise he's talking about? Nanlamig ako. Ang daming tumatakbo ngayon sa isip ko.

Medyo matagal akong nakaupo lang sa inidoro, nagmumuni-muni. Afterwards, inimpis ko ang kama ni Filan at inayos na rin ang minimal na mga kalat sa kanyang kwarto.

It's already 11:30 AM. I sat on his bed for about 15 minutes ago. Hindi na ako mapakali pero nanatili akong nakaupo at nakikipagtagisan ng titig sa mga dingding. Until the door opened.

"Best morning, Honey." He flashed his playful grin. Pinigilan kong matunaw.

Filan is topless wearing an apron, handling a tray of breakfast. May mini flower vase pang kasama kung saan nakatuhog doon ang isang pulang rose na agaw-pansin ang pamumukadkad. Scent of French toast and coffee instantly invaded the room.

Isang malagkit niyang titig ay napadagundong na yata ang puso ko. His effect never fails to get me overwhelmed. I scanned him from head to foot.

For a moment, I thought he's my boyfriend. Si Shawn nga pala.

Napaatras ako nang tumabi siya sa'kin. Nagpokus na lang ako sa pagkaing nilapag niya sa kama. As much as possible, I'd avoid eye contact with him. Pero nakatingin naman siya sa'kin na tila hindi man lang naiilang!

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon