Kabanata 13 - Wrong Choice

3.3K 106 10
                                    

Kabanata 13
Wrong Choice

"Honey, here pandesal. Bigyan mo rin sila." Binigay sa akin ni Ms. Monica iyong bag of pandesal.

Inalok ko rin ang mga ibang committee members. It's registration day of the agents today for the Annual Planning Conference at kahit unang araw namin dito sa Belmont Hotel ay sobrang busy na.

Maagang maaga ang call time namin. Hindi na ako nagpahatid kay Filan kanina. Kagabi pa lang ay sinabi ko na sa kanyang kay Ms. Loren na lang ako sasabay papuntang Newport City tutal at malapit ang bahay nila sa amin. Ayaw pa ngang maniwala ni Filan pero napilit ko rin naman.

Kaya hindi rin ako nagpahatid ay gusto ko muna talagang umiwas sa kanya. Bukod sa mga pinagsasabi niya sa akin kahapon na bumabagabag sa isip ko, pakiramdam ko rin ay natututunan ko nang dumepende kay Filan na hindi dapat. Bawal masanay. Hindi pwede. At lalong ayoko.

Kailangan kong itaga sa kukote kong normal na kay Filan na magsabi ng mga ganung bagay sa mga babae. He's a playboy! He sure knows how to please a girl well. There's no meaning behind what he said to me, right?

Right, Honey? Sagot!

K, fine, yes!

Naging abala ako sa pag-aayos ng table labels at planning shirts. Gumawa rin ako ng door signages. Puno ng mga country managers, marketing managers and associates, at VPs ang registration. Salitan kami nina Ms. Monica at Ms. Stephany sa pagbabantay sa selling of tickets.

Minsan naman ay sama-sama kaming tatlo. They are my two mentors in my internship but most of the time naman ay ipinaparamdam nila sa aking hindi lang ako intern. They share stories to me, tell jokes in the office with our other colleagues, and treats me warm enough and nice... just like a friend. Hindi rin naman naglalayo ang mga edad namin.

Unti-unti ko na nga yatang naaabsorb iyong sinasabi ni Filan madalas na learn to mingle and be friends with other people. That there's no harm in trying. A part of me wants to prove him right. But a part of me wants to stand in my belief.

Tinawag ako ni Ms. Mia, our boss, and gave me instructions for revisions again in the script. "Include the time of revision. Believe me, you'll be needing that mula ngayon hanggang bukas."

True enough dahil sa mga sumunod pang oras ay puro nga pagrevise ng script ang ginawa ko. May mga naidadagdag pa rin kasi at nababago.

Lumabas muna ako ng function room para ideliver naman iyong inutos sa aking bag of files sa isang unit. Nang maideliver ay dumiretso ulit ako sa elevator. Haaay kapagod! Pero keri lang. I need my super girl powers today until Wednesday.

May nakasabay akong isang lalaki. Ngumiti ito sa akin pero hindi na ako nakangiti pabalik dahil tinutok ko na ulit ang atensyon ko sa elevator numbers na umiilaw sa itaas. Eh ano kung may itsura ang lalaking ito at medyo kahawig niya lang naman ang young version na Johnny Depp.

So napansin ko talaga agad 'yon. Tss!

"Parang kilala kita," biglang sabi nung lalaki sa tabi ko. Nilingon ko agad siya at tinaasan ng kilay.

"Excuse me? Ako ba ang kausap mo?"

"It's only us here, I believe so." Nakangiti itong matamis. Ayoko pa naman sa lahat iyong ganon. Hindi ko naman siya kilala tapos ngingitian ako.

"Oh c'mon, I've heard that a lot of times to different jerks trying to win a girl." Umiral agad ang katarayan ko. Totoo naman, e. Naririnig ko nga rin 'yan kay Filan noong minsan na may pinopormahan siya sa bar!

Nagtawa ang lalaki. Inexamine ko pa siya at base sa suot niya'y mukhang dito siya nagtratrabaho sa hotel. "Tama nga ako, ikaw 'yan. Still the same old feisty girl, Maria Honey Avalon Valmonte Arquia."

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon