Kabanata 48 - Maglaho

3.2K 102 285
                                    

Warning: Long chapter ahead. Calm your mind & ease your heart. Try to listen to the song to feel this one more. Ibuhos na ang mga emosyon, este ang votes & comments. Hehe! Love u guys!

***

Kabanata 48
Maglaho

"Magbihis ka, Maria! 'Yung maiksi ah at labas kaluluwa. Ibubugaw kita sa bar nang hindi ka ganyang Biyernesanto lagi ang mukha." Pambungad sa akin ni Febry pagkarating ko sa bahay galing trabaho.

It's been two days since Tagaytay and yet I'm still stuck in the memory of it.

"Ayoko sa iba, Feb." Humalakhak siya sa sinabi ko pagkasubsob sa unan.

"Obvious ba? Kaya nga wala ka pa ring jowa ulit! Tara na, ayusan kita."

Para akong robot na manika na nagpaubaya sa gusto ng kapatid ko. She let me wore a tube dress na hapit na hapit sa katawan. "Flex your curves, sis!"

"I don't like exposing more skin. I am exclusive..."

"Exclusive for someone who's not yours anymore?" Touché.

"Shut your mouth, Feb. I need a jacket. Baka lamigin ako."

She laughed. "Oh don't be such a manang! Kung nilalamig ka, here, try a leather jacket instead. Mamaya kapag nandoon na saka mo alisin." Inayusan niya rin ako at nilagyan ng kolorete sa mukha. Ihahanap daw niya ako ng lalaki sa bar. I just sighed. Wala namang matinong lalaking makikilala sa bar.

Pero bigla kong naalala, sa bar ko nga pala nakilala si Filan Felix Fontaniel!

The night is young as the people here at the bar flocked their way to the dancefloor. Himala na si Febry ay nagstay dito sa aming couch kasama ko at ang kanyang barkada. Hindi ko alam kung anong anghel ang sumapi dito at bakit behave siya ngayon.

Samantalang ako naman ay walang pakialam sa pakikipagsayaw. Ang mga mata ko ay naroon sa katabing couch namin kung nasaan sina Filan.

I sighed. Yes, he is here again. Of course, this is his bar! Hindi ko nga lang ba alam kung bakit nasaktuhan ko pa siya ngayon. Wala si Kelsey dito pero kasama niya ang mga dating kabanda na mga dati ko ring kaibigan. Ang Jailan Pariawill.

Namataan ako ni Paolo na nung una'y saglit na napatigil pero nagliwanag rin ang ekspresyon. Ngumiti siya sa akin at kumaway. Maya-maya'y itinuro niya ako kina Rian. Napalingon silang lahat sa akin, including Filan. Pilit na ngumiti si Rian sa akin, marahil ay hindi pa rin natatanggal ang kanyang galit noong sinaktan ko ang kaibigan. Si Jastrine naman ay sinserong ngumiti. She has always been the gentle and kind type so I won't be surprised. Tinaas ni Will ang kanyang baso na tila nakikipagcheers sa akin kahit nasa malayo. I miss them. I miss my friends.

Isa akong hamak na babaeng walang mga kaibigan noon. Tanging si Filan lang ang nagmulat sa akin para tunghayan ang kagandahan ng mundo. That I am not alone. That I have a group of individuals I can call family and friends. That I am loved.

But I just shut that world down when I left him. And it is only one of my thousand regrets.

Nahihiya akong kumaway sa kanila. My attention is completely snatched by Filan who is looking directly at me. I cannot hold his stares. Masyadong delikado. Tila ba masyado itong mapang-atake sa akin. Hindi ko makayang gantihan ng parehong intensidad ang kanyang titig. Lalo na't sariwang sariwa sa ala-ala ko ang gabing iyon na nagkahawak kami ng kamay. I want to know what is he thinking about me, about us, that time. Bakit siya pumayag? Bakit niya ako hinayaang gawin ang gusto ko? Bakit hindi siya nagpakita sa akin ng pag-aalala na baka makita kami ni Kelsey sa ganong estado?

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon