Kabanata 3 - Not A Business

4.4K 136 20
                                    

Kabanata 3
Not A Business

I went straight to the same bar para makipagkita sa pinsan ko. Of all people, Zarrius Valmonte is the only person I know I can rely on. Pinsan ko siya sa mother's side. He's five years older than me kaya naman parang siya na rin ang itinuturing kong nakakatandang kapatid.

Simula na ngayon ng semestral break at kailangan kong kalimutan ang masalimuot na dumaang sem kung saan ako pinaka-nahirapan.



"Zar!" Nagyakap kami pagkakita. May naorder na siyang drinks and I think palapit na rin sa peak ang party. "What's this?"

"Tequila and rhum, should I order beer?"

I rolled my eyes at him, "I hate rhum. Teq would do. By the way, how's work?"

Pumangalumbaba siya at nagbuntong hininga. "Hindi ko naimpress 'yung boss ko kanina. Sa susunod na buwan na 'yung proyekto at maraming revisions ang pinapagawa niya sa proposal."

Tumawa ako imbis na damayan siyang malungkot, "Now that's your problem. Kaya pala nagyaya ka. Figures!"

Nakipagcheers siya sa'kin, "Very comforting!" Sabay naming nilagok ang shot. "Nabalitaan ko nga pala, ikakasal na ang erpat mo. Kumusta?"

Nagdilim ang paningin ko dahilan para siya naman ang tumawa sa'kin. I almost punched him straight-face!

Yumanig ang table at napagtanto kong nagva-vibrate ang phone ni Zarrius. "Call waiting, Zar." Siniko ko siya tsaka niya lang napansin. Paano ba naman, parang ang lalim ng iniisip at tulala.

In-end call niya kaya sinermonan ko. Mukha pa namang girlfriend niya 'yung tumatawag. "Kawawang girlfriend."

Umiling siya, "I have no time for relationships. Love sucks." Nagtawa kami pareho at nagpatuloy uminom.



Maybe this is the reason too why we get along. Pareho kaming hindi tinatalaban ng mahikang taglay ng love na 'yan. We aren't both fascinated nor captivated with the thought of it. For umpteenth times, many would say that love is riveting, but me... I don't really care at all. Real talk.

Sige nga, kung may magic ang pag-ibig, nasaan na 'yung halimaw na magiging prinsipe? Nasaan na 'yung magsusuot sa akin ng babasaging sapatos na ikasusugat pa ng paa ko? Nasaan na 'yung manyakis na knight in shining armor na magnanakaw pa ng halik sa'kin para mabuhay ako?

Kalokohan.

And aside from that, we're both keeping ourselves always busy. Siya bilang workaholic at ako naman bilang lulong sa pag-aaral.

Sa totoo lang, hindi naman ako dating ganito. I don't drink before. All I do is to drown myself in studying and self-developing. Hinintay ko lang na makatuntong akong legal age noon bago ko sinubukang lagyan ng kaunting apoy ang boring kong buhay.

My cousins on mother's side, the Valmontes, welcomed me in this place I immediately called my second home. Kapag malungkot kasi ang buhay mo, maghahanap ka ng diversion. And in my case, nakakalimutan ko ang problema ko kapag iniiinom ko ito. Hindi naman ako lasenggera, I just drink occasionally too. Tuwing bakasyon at kapag may okasyon. Hindi naman ako pakawala. I still uphold my decency. Judgemental lang talaga ang mga taong nagsasabi na kapag umiinom ka, ang pangit pangit nang tignan. Magaling rin naman akong mag-ingat. Tanda ko pa ngang may nasuntok na ako sa dalawang bar dati dahil nagbalak na mambastos. Kaya ko ang sarili ko kaya malakas rin ang loob ko sa ganito. I can handle myself.

Besides, alangang 'yung apat na sulok ang kausapin ko sa bahay? I'm alone and I need to unwind in places like this. At least, nadadagdagan pa ang mga observations ko. I used to write as a journalist sa isang magazine company before and I'm fond of making articles just about anything. Be it food category, people, and even love... but of course, the negative side of it. Hindi ko kakayaning magsulat ng brighter side ng pag-ibig, baka ikasira ng ulo ko.

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon