3: The Famous and the Infamous

31 12 17
                                    

 Apat na taon nang namamayagpag ang singing career ni Sirius sa Hollywood. Bagaman baguhan sa music industry ay kung saan-saang bansa na siya nakapunta para mag-concert at mag-endorse. Tanggap ng fans ang pagiging playboy niya. Ang totoo'y umaasa pa nga ang mga ito na mapabilang sa collections niya. Ayos lang sa kanila maging laruan at pampalipas oras. They're dying just to see his smiles and to take pictures with him. Halos himatayin pa ang karamihan sa tuwing nakaka-shake hands siya. Ibang-ibang talaga ang karisma ng isang Sirius Estelle.

Kaya naman nang umuwi siya sa Pilipinas para mag-concert ay naging agaw pansin ang pagsalubong na ginawa sa kan'ya sa airport, ng isa niyang tagahanga.

"Sirius!"

"Y-yes, Miss?" tugon niya pagkaharap sa tagahanga.

"Naaalala mo pa ba 'ko? It's me, Sunshine. I'm Sunshine Andromeda. We met four years ago in Makati Triangle. We talked about Aliens. Remember?"

"Aliens? What do you mean? I'm sorry but I don't know what you are talking about," magmamadali na sana siya lumakad pero mabilis ito humarang sa dadaanan niya.

"WE HAD SEX! A one night stand, rather," sigaw pa nito. "You're not yet famous at that time. You had nothing. But for me? I almost gave up everything to you. My innocence, my career, my future... You took those all away from me. Halos araw-araw kita hinintay sa unit mo, pagkatapos malalaman ko lang kasabay nang paglubog ng career ko ay ang pagsikat ng sa 'yo? Nice playtime, right? Now tell me, plinano mo ba 'yon? Interested ka ba talaga sa Aliens? Or that was all part of your plan?"

"I'm sorry, Miss. I guess you're referring to the wrong person. Please excuse me."

"Just admit it! And I'm more than willing to forget everything and to forgive you. Let's start all over again, Sirius."

"You're crazy."

Natapos ang usapan nila sa pagdumog ng mga reporter at fans.

***

Sa pangalawang pagkakataon ay muling na-involve sa iskandalo si Sunshine. Nakakatawang isipin na minahal niya ang lalakeng isang gabi lamang niya nakasama. Nakakainis na nagawa niyang maghintay ng apat na taon para lamang ipagtapat iyon. Kung alam lamang niya na idi-deny siya nito, eh 'di sana ay noon pa s'ya nag-move on.

Nasaan ang Alien? (Published by Psicom App)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang