8: Venus

20 10 8
                                    

"Wish that I could say this word tonight," kasabay nang pag-awit ni Jericho sa mga unang linya ng kanta ni Alden Richards ay ang paghiyaw ng mga estudyante. Mukhang nakontyaba na rin nito ang buong campus. "Maybe now I'm ready to be found. That I'll be part of who you are. A promise of forever never breaks your heart."

Ihahakbang na sana ni Sunshine ang paa palapit kay Jericho subalit bigla naman dumating ang mga kaklase nito habang hinahatak si Venus.

At kasabay ng chorus ay ang paglapit ni Jericho kay Venus. "Wish I may wish I might find a way to your heart. Wish that I be the Sun to warm you all through your life. Wish you may feel my love that is written in the Stars"

Assuming lang pala si Sunshine. Akala kasi niya, siya ang tinutukoy nito. Ang tanga-tanga niya. Akala n'ya lang mayro'n, pero wala naman. Masyado s'yang nagpadala sa maling akala. Ang mas masaklap pa do'n, kaibigan pala niya ang gusto nito. Sa tuwing magkakasama silang tatlo ay hindi manlang niya napansin na may namamagitan na pala sa dalawa. Buong akala niya, sila 'yong nagde-date— pero, siya pala 'yong third wheel.

Dulot nang pagka-shock ay humakbang na lamang si Sunshine paatras. Naglakad siya nang sobrang tulin at hindi alintana ang pag-agos ng mga luha. Iyak siya nang iyak. Umiiyak s'ya dahil sa sariling katangahan. Sinisisi niya ang sariling puso sa pagiging marupok. Dapat pala hindi na lang s'ya nag-expect.

Okey na naman s'ya dati. Sanay na siya na walang nagpapakilig sa kan'ya. Sanay na siya maging manhid pagdating sa diskarte ng mga lalake. Kung tutuusin ay isang matibay na pader na nga ang itinayo niya laban sa mga pa-fall pero bakit hinayaan n'ya lamang na matibag iyon ng isang Jericho Del Mundo? Kung sabagay, hindi na nakapagtataka 'yon dahil kapatid nga pala ito ni Sirius. Parehong-pareho lamang silang paasa.

Nasaan ang Alien? (Published by Psicom App)Where stories live. Discover now