9: Falling Star

32 9 4
                                    

Sa tagpong ito ay alam na alam na ni Sunshine kung saan siya dapat pumunta. Ganitong-ganito 'yong mga senaryo kapag gusto n'yang magpakuha sa Aliens. Kaya naman sa bundok Antares na siya dumiretso para ipagpatuloy ang naudlot na chant noon.

"Mga Alien, kunin nyo na 'ko! Ayokoooo na sa Earth! Dalhin nyo na 'ko sa Mars! Please. Parang awa n'yo na. Ayoko na sa mundo! W-wala nang silbi ang buhay ko rito. Dalhin n'yo na 'ko sa pamilya kkoooo, please. Nagmamaka-awa ako sa inyo! Magpakita na kayo sa 'kin!"

Kasunod no'n ay ang pagkulog nang malakas. Sunod-sunod na kulog at kidlat ang sumagot sa kan'yang kahilingan pero kahit gano'n ay hindi siya nagpatinag sa kinatatayuan.

Inulit uli niya ang chant at paulit-ulit na binigkas ang pagnanais na makapunta sa Mars. "Paketumi tumi pa— "

"MAGPAPAKAMATAY KA BA?!" sigaw naman ng isang lalake na humigit sa kan'ya.

"S-Sirius?" gulat na gulat siya sa bumungad pero mas nagulat siya nang bigla ito tamaan ng kidlat. "SIRIUS!"

Masyado naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari at basta na lamang ito bumulagta sa sahig.

"Sirius, gumising ka! Tulong! Tulungan n'yo kami!!!" sumigaw siya nang malakas at paulit-ulit na humingi ng tulong sa gitna ng kabundukan.

"S-Sunshine, you made it," garalgal na boses ni Sirius. "T-this is a gift from the u-universe," pagkasabi'y nangangatog pa nitong inabot sa kan'ya ang bracelet. "Y-you made a perfect chant."

"P-paano? Y-you still have this?" mas lalo napaiyak si Sunshine pagkakita sa bracelet na matagal na niyang hinahanap.

"I'll go ahead."

"No, Sirius! No! 'Wag ka muna magpakuha sa Aliens. Marami pa 'ko gusto itanong sa 'yo. Please, dito ka muna."

"I love you."


***


Matapos tamaan ng kidlat sa bundok Antares si Sirius ay kaagad na dinumog ng fans at reporters ang hospital na kinaroroonan nito at ito ang naging laman ng mga balita. Marami ang nagdasal para sa mabilis nitong paggaling at marami rin naman ang sumisisi kay Sunshine. Kung ano-anong kuwento kasi ang nakarating sa media kaya tuloy muli na naman nadawit ang pangalan niya sa iskandalo. Muling naglabasan ang bashers niya at nahalungkat ang iba pang issues tungkol sa kan'ya.

"Sirius, gumising ka na! Hanggang kailan mo ba plano i-involve ang pangalan ko sa 'yo? Sirang-sira na 'ko dahil sa 'yo. Please naman gumising ka na. Marami ka pa dapat ipaliwanang sa 'kin," mangiyak-ngiyak na giit ni Sunshine habang hawak ang kamay nang walang malay na si Sirius.

"Sunny, magpahinga ka muna. Kahapon ka pa nagbabantay kay Kuya, eh," pag-aalala naman ni Jericho.

"Jericho puwede ba tumigil ka na sa pagpi-feeling concern sa 'kin!" sarkastiko niyang sagot dahil hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagko-confess nito sa kaibigan niyang si Venus. "Would you please stop acting as if you like me 'coz in the first place you're not! It's over. So please, drop that game!"

"Excuse me?" bigla naman ito naguluhan sa sinabi niya.

"You heard me right? Or baka hindi ka aware na gawain nang pa-fall 'yong mga pinakita mo sa 'kin, lately? Ayos ka rin, 'noh!"

"S-Sunny, I'm sorry— but, there's a misunderstanding. Hear me out first."

"No! Jericho! You don't have to explain! Obvious naman na ginamit mo lang ako para mapalapit ka sa kaibigan ko. Ang galing din ng diskarte mo, eh!"

Ito na siguro ang chance ni Sunshine para sabihin ang lahat ng hinanakit dito. Nadala na siya sa emosyon niya kaya hindi na s'ya magdadalawang-isip na ituloy ang iba pang sasabihin.

"Bakit Jericho, h-hindi ko ba deserve ang haranahin katulad nang ginawa mo kay Venus on stage? Tingin mo pa rin ba sa 'kin, napakadumi ko kasi nakipag-one night stand ako sa kuya mo noon? Jericho, hindi ko ba deserve ang mahalin?"

"I'm sorry Sunshine pero hindi talaga tayo puwede. Hindi kita puwedeng mahalin kasi— mahal ka ng kuya ko."

"A-ano'ng sinasabi mo? Huwag ka nga magpatawa, Jericho!"

"Ang totoo ay naki-usap sa 'kin si Kuya para bantayan at alagaan ka habang malayo siya. Hindi mo lang alam pero araw at gabi ka niyang kinukumusta sa 'kin. Sabi niya tulungan kita makabalik sa showbiz. Pero mukhang ayaw mo na sa mundo ng showbiz kaya sinamahan na lang kita sa ibang mundo. Dinala kita sa mundo ng outer space dahil alam ko mas magiging masaya ka roon. At sa pagdaan ng mga araw, hindi ko naman ine-expect na mahuhulog ka pala sa 'kin. Sorry pero hindi ko intensyong saktan ka. Mahal na mahal ka ng Kuya ko at iyon ang dapat mong paniwalaan sa ngayon."

Napatiim ng bagang na lamang si Sunshine habang ina-analyze ang mga narinig.

Nasaan ang Alien? (Published by Psicom App)Where stories live. Discover now