CHAPTER 75 - Time Flies So Fast

Start from the beginning
                                    

“Fine. Pero ‘eto ha, kapag ang lalaking yon talaga nagloko, malalagot siya sa akin. Hindi ako kasing lakas ng tunay na lalake pero, girl, kayang-kaya kong ubusin ang buhok niya. Hmp!”

Natawa nalang ako at pabirong hinampas siya sa braso. Sasamahan pa kita at pati yung Melody na yon, uubusin rin natin ang buhok niya kung mangyari man ang basta. yun na ‘yon.” pagtatapos ko sa salitang hindi ko na kayang dugtungan. Ang bigat kasi ng salitang karugtong kaya hindi ko na bibigkasin.

“Isa pa pala, nakita ko kaninang umaga si Freya sa main gate ng campus.” paanas na aniya.

Tsismosa talaga ang baklang 'to. Ano na namang chika mo kay Freya? Nako, Antonette.”

Sinimangutan niya ako. “Hmp! Ang Kj mo talaga pagdating sa mga medyo pa-mysterious na usapan.” He flicked my forehead wittingly. “Kasama niya kasi si Alamid. Remember that guy?” He asked and I nodded with a quizzed look. “Ayun nga. Nakita ko silang magkausap at hindi lang ‘yon, nagtatawanan pa sila, girl! Hindi ba’t nakakapagtaka 'yon?”

TH ka na naman, bakla. Huwag puro Tamang Hinala, ha? Malay lang natin baka nagkasalubong sila pero,” I stared at him wide-eyed. 'di ba bawal ng pumunta rito si Alamid dahil sa ginawa niya sa ‘kin?” nagtataka na ring tanong ko.

“Oh no! Girl, baka naman ako ang dahilan kaya nandito siya? I mean, baka ako naman ngayon ang balak niyang gahasain? Oh my —”

“Tsee! Letsugas ka. Huwag ka ngang assumera riyan. Wala namang donut sa pagitan ng mga hita mo, e.”

Tumayo siyang bigla at sinamaan ako ng tingin. “Hindi ka rin masakit magsalita ‘no?”

“Ssshh! quiet!” saway ng librarian sa amin.

Nginisihan ko si Antonette bago pinulot ang mga libro sa harap ko at ibinalik sa bookshelf. Halika na.” yaya ko sa kaniya saka dinampot ang bag ko at nauna ng lumakad palabas ng library.

Sinundan naman kaagad ako ni Antonette na parang malignong bubulung-bulong. Pikunin kasi. Haha!

“Hoy, teka!” Hinatak niya ang braso ko para pahintuin ako sa paglalakad.

“Kung makahatak ka naman akala mo wala akong pakiramdam!” pasinghal kong reklamo.

“Sorry. Akala ko kasi manhid ka na talaga.” pang-aasar niya sa ‘kin pero nakatitig lang ako sa kaniya at inip na inip na kakahintay sa susunod niyang chika. Kasi naman naisip ko na kung hindi ako, baka si Freya? Baka ang babaeng yun ang target niyang gahasain para gantihan ka? Kasi 'di ba, friend mo si Freya?”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now