"Date?" Mahinang tanong ko. Ngumisi siya at tumango.

"Oh, hijo.. nandiyan ka pala." Biglang sabi ni Papa. Nabaling ang atensyon ni Kenrick kay Papa at nagmano rito. Pinaupo ni Papa si Kenrick sa kaharap niyang sofa kaya umupo rin ako doon.

"Anong meron, hijo? Ayos na ayos ka ngayong araw ah?" Usyuso ni Papa.

Napangiti si Kenrick at sumulyap sakin, "Ipapaalam ko po sana si Katrine, Tito."

"Hm?" Tumaas ang kilay ni Papa.

"Magsisimba lang po kami," Sabi ni Kenrick. Umupo si Mama sa tabi ni Papa at malapad na ngumiti kay Kenrick.

"Aba, sige! Magsisimba lang pala, e." Sabi ni Mama.

"O sige, hijo. Basta ibalik mo dito ang anak namin ng maayos." Sabi ni Papa habang umiinom ng kape.

"Opo, tito." Pormal na sabi ni Kenrick at tumingin sakin.

Tumaas ang kilay ko, "Ha? Ah... magbibihis na pala muna ako. Antayin mo 'ko dito or kumain ka muna kasama sila Mama."

Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto. Agad kong binalingan ang cabinet ko at naghanap ng masusuot. Ano bang magandang suotin? Tae naman!

Halos magulo ko na ang aking mga damit sa cabinet dahil sa kakahanap ko ng magandang susuotin. Hanggang sa nakapagdesisyon na ako kung ano ang aking susuotin ngayon. Mabilis kong kinuha ang twalya at dumiretso sa banyo. Naligo na ako at nagbihis. Kulay yellow na oversize tshirt at may print na 'I evol you' ang sinuot ko pangitaas at highwaist faded jeans naman ang sinuot ko pang-ibaba. Sinuot ko narin ang sneakers ko at tinali ang aking buhok. Naglagay lang ako ng pulbo at liptint bago naisip na lumabas ng kwarto.

"Kenrick, tara na..." Sabi ko ng makarating sa sala. Napaangat ang tingin niya sakin at biglang napaawang ang labi niya ng makita ako. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Biglang nag-init ang pisngi ko.

Lumunok siya at tumayo na, "T-Tapos ka na pala."

"Kaya pala natagalan kasi nagpaganda pa!" Sabi ni Mama habang nakaupo sa sofa at katabi si Papa na manood ng TV.

"H-Hindi ah!" Sabi ko.

"O siya, sige na lumakad na kayo. Basta kenrick hijo, iuwi mo ng maayos ang anak namin." Sabi ni Papa at tinignan ng diretso si Kenrick.

Napalunok si Kenrick at tumango, "Yes tito. Makakabalik po rito ng maayos si Katrine."

Tanging tango lang ang tinugon ni Papa at binalik na ulit ang tingin sa TV.

"Ingat kayo!" Sabi ni Mama.

"Opo." Sabay naming sagot ni Kenrick bago nakalabas ng bahay. Habang naglalakad kaming dalawa, may napapatingin sakin at binabati ako ng congrats. Karamihan mga lalaki. Siguro dahil nanalo ako ng Ms. Pretty Teens kagabi. Feeling ko tuloy famous na ko. Hahahaha, charot. Feeler.

"Naiinis ako." Bigla akong napatingin kay Kenrick ng bigla niyang sabihin 'yon. Napakunot ang noo ko sakaniya.

"Bakit?"

"Dapat pala di ka nalang sumali ng pageant na 'yon. Marami na tuloy nakakakilala sayo at mukhang nagugustuhan ka. Nakakainis." Sabi niya at napairap.

Ilang sandali akong napatitig sakaniya bago tumawa. "Ang cute mo kapag ganyan. Ganyan ka nalang lagi."

Ngumuso siya, "Seryoso ako."

"Weh? Panong seryoso? Tingen?" Asar ko pa. Bigla siyang nabadtrip. Humagalpak lang ako ng tawa.

"Bakit ka natatawa?" Naiinis na tanong niya. Mas lalo akong natawa.

"Ang cute mo kasi kapag naiinis ka." Sabi ko at pinaggigilan ang pisngi niya. Nakita kong namula ang mukha niya at umiwas ng tingin. Cute!

Tumikhim siya, "Basta naiinis ako dun sa mga lalaking nag-congrats sayo kanina!"

Ngumisi ako. "Naiinis ka kasi nagagandahan na sila sakin ngayon?"

"Oo!" Mabilis niyang sagot. "Dapat pala hindi ka na sumali. Nagsisi tuloy ako kasi sinuportahan pa kita."

"Tss. Kahit naman magandahan pa sila sakin o pormahan nila ako, hinding hindi nila ako makukuha, e."

Kumunot ang noo niya, "B-Bakit?"

"Tinatanong pa ba 'yon? Syempre sayo na 'ko. Hindi na nila ako pwedeng makuha." Sabi ko at ngumisi.

Namula ang buong mukha niya. Kinilig si gago. Hahahaha!

"Yieee, kinilig!" Asar ko.

"Damn," Rinig kong bulong niya. "Gusto kitang halikan ngayon."

"What?" Nanlaki ang mata ko.

Siya naman ngayon ang ngumisi, "Wala."

Umirap nalang ako. Nang makalayo kami sa aming baranggay, hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang aming mga daliri. Nag-init ang pisngi ko.

"S-Saan ba tayo magsisimba, Kenrick?" Biglang tanong ko.

"Sa church nila Lolo." Sabi ni Kenrick. Tumango nalang ako. Oo nga pala, nasabi sakin ni Kenrick dati na may lolo siyang pari. Dati niya pa nakukwento 'yon pero di ko pa nami-meet sa personal.

"Dun tayo, andun 'yung kotse namin." Sabi ni Kenrick at may tinurong daan. Naglakad kami papunta doon at nakita namin ang nakapark nilang kotse sa gilid. Pinaupo ako ni Kenrick sa backseat tsaka tumabi sakin.

"Kuya Roy, sa church po nila lolo." Sabi ni Kenrick sa driver niya. Tumango lang ito at napasulyap sakin bago nagmaneho.

"Kaninong kotse 'to?" Biglang tanong ko.

"Sakin." Sagot niya.

Nanlaki ang mata ko, "Weh? Di nga?"

Mahina siyang napatawa, "Oo nga. Niregalo 'to sakin nila Mom and Dad pero hindi pa ako pwedeng magmaneho kaya kumuha muna sila ng driver ko."

"Kailan pa 'to niregalo sayo?"

"Last month." Sagot niya.

"Bakit hindi ko alam? Atsaka mukhang di mo 'to ginagamit papuntang school."

"Hindi ko nasabi sayo, e. Tsaka ayokong gamitin 'to papuntang school, mas trip ko mag-tricycle." Sabi niya at tumawa.

Binatukan ko siya, "Nagsasayang ka lang ng pamasahe!"

Napanguso siya at hinimas himas ang batok. "Gagamitin ko na nga 'to simula sa lunes, e. Lagi na kitang hatid sundo."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa driver na tahimik lang at mukhang walang pake samin.

"K-Kaya ko namang maglakad."

"Tss! Ayokong napapagod ang girlfriend ko kaya sa ayaw at sa gusto mo, ihahatid kita at susunduin palagi." Diretsong sabi niya. Napahugot ako ng malalim na hininga at napatingin ulit sa driver. Wala naman itong pake kaya nakahinga ako ng maluwag.

"O sige. Bahala ka." Iyon nalang ang nasabi ko at di na nagsalita.

Magkasiklop parin ang daliri namin habang bumabyahe. Hanggang sa ipasandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

"Ilang minuto pa ang byahe, umidlip ka muna." Sabi niya.

Napangiti nalang ako at pinikit ang mata. Kahit hindi ako makatulog, pinikit ko parin ang mata ko at dinamdam ang pagsandal sa balikat ni Kenrick.

Love Maze (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon