Chapter 14

60 1 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN


Napasabunot nalang ako sa aking buhok dahil hindi ako makatulog. Iniisip ko parin hanggang ngayon 'yung sinabi sakin ni Kenrick kanina. Tulungan ko daw siya kung paano mapapasagot si Eula. Like what the fuck, bakit sakin pa? Hindi ko alam kung pa'no at wala akong alam na paraan. Pero anong magagawa ko ngayon, eh pumayag na 'ko kay Kenrick? Diba napakabobo ko?

Wala na akong nagawa kanina kundi tanguan siya. 'Yung itsura niya kasi kanina, nagmamakaawa sakin. Kahit ayoko, pumayag parin ako.

Pero hindi ko alam kung bakit ang sakit sakin na tulungan siyang mapasagot si Eula. Bawat maiisip ko 'yon, ang sakit sa dibdib. Kumikirot 'yung puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito pero sobrang sakit.

Naramdaman ko nalang bigla ang basang tumulo sa mata ko. Mabilis ko itong pinunasan pero may tumulo na naman ulit. Ito na naman ako. Umiiyak na naman ako ng hindi alam kung anong dahilan.

Bakit ganito? Feeling ko sobrang bigat sa pakiramdam ng araw na 'to. Feeling ko may kung anong bagay ang tumutusok sa puso ko. Parang namamanhid ito sa sakit.

"A-Ang iyakin ko talaga," Mahinang sabi ko habang humihikbi. Kinuha ko nalang ang aking unan sa ulo at niyakap. Nang mayakap ko ito, mas lalo akong naiyak. Ewan ko ba kung ba't naiiyak ako! Nasisiraan na yata ako ng utak! Nakakainis!

Ipipikit ko na sana ulit ang aking mata ng biglang tumunog ang aking cellphone. May tumatawag. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang caller. Unknown number na naman. Sinagot ko ito kahit hindi ko kilala kung sino.

"H-Hello?" Tugon ko. Ilang segundo hindi nakapagsalita ang nasa kabilang linya bago ito sumagot.

"Katrine.." Napakunot ang noo ko ng marinig ang pamilyar na boses.

Teka..

"Jared?"

"Ako nga."

"P-Paano mo nakuha ang number ko?" Tanong ko.

"Secret." Sabi niya at biglang tumawa ng malakas. Bigla kong nailayo sa aking tenga ang cellphone dahil sa nakakainis niyang tawa.

"Ang sakit sa tenga ng boses mo." Sabi ko sabay irap.

"Luh? Bakit sabi ng iba ang sarap daw sa pandinig?"

"Sila lang 'yon. Iba ako sakanila."

Tumawa ulit siya, "Joke lang. Bakit ang seryoso mo naman yata? Hindi ka ba masaya na katawagan mo na ko ngayon?"

"Oo. Hindi ako masaya." Diretsong sabi ko.

"Ouch. Ang sakit naman."

"Ewan ko sa'yo! Paano mo ba kasi nakuha ang number ko?"

"Secret nga. Kapag sinabi ko 'yon sayo, hindi na 'yon secret."

"Sira ulo ka. Ikaw ba 'yung tumawag at nag-text sakin kanina?"

"Ha? Ngayon lang ako tumawag. Atsaka di ako nag-text sayo."

Nagsalubong ang kilay ko, "Eh sino 'yon? Unknown number din."

"Ah.. alam ko na kung sino.."

"Sino?"

"Si Sean yata 'yung tumawag kanina tapos si Evan 'yung nag-text."

Nanlaki ang mata ko. "Lahat kayo merong number ko?"

"Oo."

"Tae kayo! Paano niyo nalaman 'yun?" Tanong ko.

Love Maze (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon