Chapter 42

61 1 2
                                    

CHAPTER FOURTY TWO


"Bukas na ang exam natin Katrine, nakapag-review kana ba?" Tanong sakin ni Jared habang nandito kaming dalawa sa Canteen. Tinusok ko ng stick ang aking siomai bago ito sinubo.

Habang ngumunguya, umiling-iling ako kay Jared. "Di pa."

Agad niyang pinitik ang noo ko, napangiwi ako at tinignan siya ng masama. Ang sama ng ugali ng taong 'to. Bigla biglang namimitik wala naman akong ginagawang masama sakaniya.

"Ba't mo ko pinitik, ha?" Naiinis na sambit ko at nilunok ang aking kinakain.

"Kase hindi ka pa nagrereview. Paano ka papasa niyan? Tsaka hindi ba gusto mo makapag-moving up?" Sermon niya sakin. Napatawa nalang ako.

"Kaya ko 'yon, Jared. Tiwala lang." Sabi ko at kumindat pa sakaniya. Nakita ko namang namula ang mukha niya sa biglang pagkindat ko kaya mas lalo akong natawa ng malakas.

"Alam mo Katrine? Nagtataka ako kung bakit niligawan pa kita, e. Abnormal ka naman." Sabi niya at umiwas ng tingin.

Inirapan ko siya, "Pasalamat ka nga pinayagan pa kitang manligaw sakin. Gusto mo basted ka na?"

Nanlaki ang mata niya, "Huy binibiro lang naman kita eh! Atsaka dalawang buwan na akong nanliligaw sayo 'no, di ako papayag na di mo ako sagutin."

"Wow ha? Disisyon ka?" Sabi ko at tumawa ng malakas. Napatawa nalang rin siya at kinurot ang ilong ko kaya mabilis kong tinaboy ang kamay niya sakin.

Tatlong buwan na ang lumipas simula nung umalis ng bansa si Kenrick. Nung una hindi ko alam kung paano magsisimula ulit. Halos isang buwan akong laging malungkot at iyak ng iyak sa aking kwarto tuwing gabi. Pero sa kabila ng kalungkutan at sakit na nararamdaman ko nun, nasa tabi ko si Jared. He ask me if it's okay if he'll court me. Nung una hindi ako pumayag dahil ayokong gumamit ng ibang tao para lang makapag-move on ako kay Kenrick. Pero disidido si Jared sa panliligaw sakin.

Kahit anong pangbabalewala ang ginawa ko sakaniya, hindi parin tumigil si Jared para lang mapapayag ako na ligawan niya ako. Catriona also gives me advice, she said that why wouldn't I try to open again my heart for someone. Sinabi kong si Jared ang gustong manligaw sakin, akala ko magagalit siya kasi may gusto rin siya kay Jared pero mali ako. Ngumiti lang si Catriona sakin at pinilit akong payagan na si Jared na manligaw sakin.

Nung una di ko alam kung papayagan ko ba si Jared o hindi, pero nakita ko naman na disidido si Jared na manligaw sakin kaya binigyan ko siya ng chance. At ngayon, dalawang buwan na siyang nanliligaw at hindi ko parin alam kung sasagutin ko na ba siya. Jared is a type of guy na sobrang kulit pero sweet. Lagi akong nakakatanggap sakaniya ng bulaklak. Weird pero nakakatanggap din ako ng love letters mula sakaniya. Bihira nalang magbigay ng ganun ang mga lalaki ngayon.

May times din na kapag hindi ako nakakapagreply sa text or chats niya, nagugulat nalang ako na tadtad na siya ng text at chats sakin. Lagi niya rin akong pinapatawa. Kapag wala ako sa mood, kung ano anong ginagawa niya para lang mapatawa ako. Like magbabato siya sakin ng joke kahit waley naman. Gagawin niyang pangit yung mukha niya tas magpapatawa sa harap ko. Lagi rin niya akong sinasamahan sa lahat ng gusto kong gawin.

Lahat na siguro nagawa ni Jared para mapasaya ako. Pero hindi ko pa din alam kung bakit hindi ko pa siya kayang sagutin. Siguro di pa talaga handa yung puso ko? Kailangan pa siguro ng panahon? I know I'm hurting Jared for what I'm doing but I can't reject him. He's so kind. He's always there when I needed someone to talk to. He gives all his time and effort for me.

Oo na, ako na ang masamang tao. Pero hindi ko talaga kayang i-reject si Jared ngayon. Ayokong masayang lahat ng paghihirap niya.

Matututunan ko din naman siguro siyang mahalin diba? Panahon lang ang kailangan at kapag tuluyan ko na ulit nabuo ang sarili ko, don ko na sasagutin si Jared ng walang pag-aalinlangan at puno na ulit ng pagmamahal.

Love Maze (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora