Chapter 9.3

68 0 0
                                    

CHAPTER NINE POINT THREE


Nakatulala kaming dalawa ni Xiela sa kisame habang nakahiga sa aming kama. Hindi parin namin makalimutan ang nangyari kanina sa second floor. Another kabobohan nanaman kasi ang nangyari. Hindi pala sa second floor ang kwarto na sinasabi ni Jared. Dito lang pala sa hallway malapit sa sala. Kabanas mga sezwang. Feeling ko tuloy na-trauma ako sa nangyari kanina. Huhu.

"Alam ko talaga tao 'yung naapakan ko, Katrine." Sabi ni Xiela habang nakatulala pa rin sa kisame rito sa kwarto.

"Hay nako, Xiela. Nakita na nga natin kanina na aso lang 'yung naapakan mo. Kitang kita pa nga ng mga kaklase natin." Sabi ko sabay buntong hininga. Hindi ko makalimutan 'yung lahat ng kaklase namin ay sabay sabay na umakyat sa second floor at lahat sila may hawak na flashlight gamit ang kanilang cellphone. Buti nga narinig nila kami ni Xiela dun sa bwisit na second floor na 'yon kundi baka nahimatay na kami sa nerbyos at takot.

Iyak ng iyak kanina si Xiela at sinasabi niyang tao daw ang naapakan niya pero nung sabay sabay na ilawan ng mga kaklase ko ang sahig, patay na aso naman ang nakita namin. Hanggang sa mapunta kami rito sa kwarto namin, pinaglalaban niya parin talaga na tao ang naapakan niya.

"Hindi," Pagpupumilit ni Xiela. "Sigurado akong tao 'yon. Di ako puwedeng magkamali, Katrine."

"Oo na, Xiela. 'Wag nalang natin pag-usapan 'yon, okay? Magpahinga nalang muna tayo. May laro pa daw tayo mamaya sabi ni Pres. Hanwie." Sabi ko pagkatapos ay hindi na inantay pa ang isasagot niya at pumikit na at tuluyang nakatulog.

•••

"Katrine, gising!" May naramdaman akong nagyuyugyog ng balikat ko. Dahil inaantok pa 'ko hindi ko minulat ang mata ko. Ayoko sa lahat 'yung iniistorbo ako sa pagtulog.

Sinubukan ko ulit matulog pero yinugyog nanaman ang balikat ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasipa na ang taong yumuyugyog sakin.

Nakarinig ako ng kalabog at pagkahulog sa kama. "Aray ko naman!"

Minulat ko ang mata ko at naiinis na bumangon. "Kainis ka, nuh? Istorbo ka eh. Inaantok pa ko!"

"Grabe ka makasipa ah! Bumangon ka na diyan! Tawag na tayo ni Hanwie!" Bulyaw sakin ni Xiela habang nahihirapang tumayo. Ngumuso pa siya bago naiinis na lumabas ng kwarto. Napakamot nalang ako sa ulo at tumayo na. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Wala sila sa sala kaya paniguradong nasa labas sila ng bahay na ito.

"Oh gising na si Katrine, tara dito!" Sabi ni Hanwie habang kumakaway pa sakin. Lumapit ako sakanila at pinaupo nila ako sa putol na puno katabi ni Alice. Pansin kong ang inuupuan namin ngayon ay putol na puno at ang naaapakan namin ngayon ay puro damo. Ganto ba talaga kapag hindi na naaalagaan ng maayos ang lugar? Sayang. Maganda ang lugar rito lalo na ang bahay kaso nakakatakot.

Napatingin ako sa madilim na kalangitan. Wow, punong puno ng stars. Ang ganda sobra. Para akong nahi-hypnotize.

"Okay guys, so it's already 8 o'clock in the evening. Tingin ko naman kaya ng ikuwento ni Jared ang tungkol sa bahay na 'to? Curious na ako." Sabi ni Hanwie habang nakatingin kay Jared.

Huminga muna ng malalim si Jared bago nagsalita, "Okay. Ayokong matakot kayo pero gusto niyo namang magkuwento ako kaya bahala kayo sa buhay niyo."

Nagtawanan ang mga boys sa sinabi ni Jared at pinagpatuloy na nito ang pagsasalita.

"Ang totoo, hindi talaga namin bahay 'to. Bahay 'to ng kaibigan ng Papa ko. Dinala ako ni Dad dito nung 7 years old palang ako. Syempre bata pa ko nun kaya medyo hindi ko pinapansin kung saang lugar ako dinadala ng Dad ko pero nung dinala niya ko dito, nakaramdam agad ako ng kakaiba. Ewan ko. Ang wierd pero nagtayuan mga balahibo ko. Pati nga yung tutut ko tumayo eh." Nagtawanan ang mga boys sa sinabi ni Jared. Napangiwi naman kaming mga girls sa narinig.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now