Chapter 16

61 0 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN


Ngayon ang araw ng practice namin para sa pageant. Sa totoo lang tinatamad ako pumunta pero si Mama lang talaga ang nagpumilit saking pumunta rito. Kaya ayon, wala na akong nagawa.

Tinignan ko ang ibang contestant na narito. Hindi ko sila close pero kilala ko sila dahil taga rito lang din sila sa baranggay namin. Bumuntong hininga nalang ako at umupo sa upuan malapit sa stage. Kinuha ko nalang ang aking cellphone at nagbukas ng fb. Ang tagal naman kasing mag-umpisa ng practice. May pinag-uusapan pa sila. Na-out of place na ko dito.

"Kasali ka rin pala dito?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Si Carolynne. Umupo siya sa tabi ko at nag-cellphone rin.

"Uhm, oo." Maikling sagot ko.

"Ah." Sagot niya lang at nagtipa-tipa sa kaniyang cellphone. "Ayoko kayang sumali rito kaso mapilit si Mama."

Napatitig ako sa mukha niya, "Bakit ayaw mong sumali? Maganda ka naman at bagay ka rito.."

Ngumisi siya at tinignan rin ako, "May duga kasi rito. Kung sino lang ang kilala nila, 'yon lang ang mananalo."

"W-Weh? Seryoso?"

"Oo. Kaya nga simula pa lang ayoko ng sumali." Sagot niya at umiwas ng tingin. "Pero kalaunan, naisip ko rin na magandang experience ito para satin. Kaya ayon, napilitan na ako."

Napatango nalang ako sa sinabi niya. Tama siya, experience nga ito para samin. Kapag tumanda na kami, maiisip namin na sumali kami sa ganitong patimpalak.

"Guys, practice na!" Sabi ng babaeng kulot ang buhok. Mukhang siya ang hahawak saming mga contestant kung paano ang tamang gagawin namin sa stage. Umakyat na kami sa stage at nagtipon tipon para kausapin ng babaeng kulot.

"Okay guys, I'm Sharry. Ako ang magtuturo sainyo kung paano ang gagawin niyo sa stage para di kayo mag mukhang tanga sa araw ng pageant." Sabi nung babaeng kulot na nagngangalang Sharry.

Binigyan niya na kami ng pwesto sa stage. Tinuro niya rin kung saan at paano ang pag-rampa namin. Marami pa siyang sinabi hanggang sa magsimula na kaming pag isa isahin sa stage. Kinabahan ako ng nakapila na kami.

"Bakit kasi dito tayo sa court nagpa-practice? Ang daming nanunuod satin." Sabi ni Carolynne sa harap ko. Napatingin naman ako sa mga taong nanunood samin dito sa court. Mas lalo akong kinabahan.

Rumampa na ang unang contestant. Namangha ako sa pag-rampa nito. Ang galing palang rumampa ni Divina.

Ang sunod na rumampa sa stage ay si Dany. Medyo boyish itong si Dany kaya siguro di siya ganon kagaling sa pagrampa pero masasabi kong may stage presence siya.

Ang sumunod naman na rumampa ay si Jaina. Simple lang siyang lumakad pero may dating.

Nagsimula na akong kabahan ng si Carolynne na ang lumakad sa stage. Ako na kasi ang sunod sakaniya.

Pinanood ko ang pagrampa ni Carolynne at namangha sa paglalakad niya sa stage. Grabe! Sa lakad palang nila talo na ko! Gusto ko ng mag back out.

Napapikit ako sa kaba ng ako na ang sunod na sasalang sa stage. Practice palang naman 'to pero sobrang kabado na ko. Hindi ko alam ang gagawin. Pero kahit ganon ang nasa isip ko, pinilit ko nalang na ngumisi at lumakad sa stage. Tinignan ko ang mga taong nanonood samin ng may halong ngiti. Medyo nawala ang ngiti ko ng makita si Kenrick at Eula na nanonood sakin. Binilisan ko ang pag-rampa sa stage at mabilis rin kong umalis dito.

Nginitian ako ni Sheena, ang sunod na rarampa sa stage.

"Ang galing mo." Sabi nito sakin bago lumakad paakyat ng stage. Nag init ang pisngi ko. M-Magaling ako? Seryoso ba si Sheena sa sinabi niya?

Love Maze (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon