Chapter 5

97 1 0
                                    

CHAPTER FIVE


"Sabay na tayo uwi, Katrine." Naririndi na 'ko kay Evan. Kanina niya pa 'yan sinasabi sakin. Nakakainis na.

"May kasabay ako, Evan." Sabi ko habang sinusuksok sa loob ng bag ang mga gamit ko. Mabilis kong binuhat ang bag ko at nilampasan siya. Nakasunod naman siya sa likod ko na parang aso.

"Sinong kasabay mo? Hindi ba tutulong ako sayo sa assignment ko? Pupunta tayo sa bahay mo diba?" Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Pupunta sa bahay? Seriously?

"Hindi puwede sa bahay." Sabi ko at naglakad na ulit. Nang makarating ako sa pinto ng classroom, nadatnan ko si Kenrick na inaabangan ako.

"Tara," Maiksing sabi ko at naunang maglakad sakaniya. Si Kenrick ang lagi kong kasabay pauwi. Hindi ko alam pero simula nung maging boy bestfriend ko siya, lagi na kaming sabay umuwi kaya minsan dumadaan siya sa bahay para lang makikain. Malapit lang rin naman ang bahay niya sa bahay ko.

"Katrine!" Tawag sakin ni Evan at hinawakan ang braso ko. Nagkasalubong ang kilay ko at tinignan siya.

"Ang kulit mo, Evan. Hindi nga puwede sa bahay. Bukas nalang natin gawin sa room. Maaga ako papasok." Tamad kong sabi.

"Anong gagawin niyo?" Tanong ni Kenrick. Kasama ko nga pala ang lalaking 'to. Muntik ko ng makalimutan.

Ngumisi si Evan at hindi pinansin si Kenrick. "Okay sige. Maaga rin ako papasok tapos gawin natin sa room habang wala pa ang iba nating kaklase."

Kumunot ang noo ko. Ano bang nasa isip ng lalaking 'to? May pag-ngisi pa siyang nalalaman kala niya naman natutuwa ako sa itsura niya.

"Okay." Sabi ko nalang at naglakad na ulit. Nakasunod naman sa likod ko si Kenrick na walang imik. Tinignan ko siya habang naglalakad. Kumunot ang noo ko. Ano nanaman kayang kaartehan ng isang 'to? Bakit biglang nanahimik?

"Fishball tayo?" Tanong ko. Inangat niya ang tingin sakin at hindi ako sinagot.

"Edi wag." Sabi ko at nilagay na ulit ang tingin sa dinadaanan. Ilang minuto kaming tahimik hanggang sa maramdaman ko ang braso niya sa balikat ko. Nakaakbay na siya sakin ngayon habang patuloy kaming naglalakad.

Inangat ko ang tingin ko sakaniya, "May regla ka ba today?"

Nagsalubong ang kilay niya, "What?"

Umirap ako. "Pa what-what ka pang nalalaman diyan. Dami mong alam."

"Tss." Singhal niya.

"Ano bang problema mong tukmol ka?"

Hindi siya sumagot. Nakatitig lamang siya sa daan na nilalakad namin. Anak ka ng teteng! Napakaarte talaga ng lalaking 'to! Mas babae pa sakin!

Mabilis kong inalis ang pagkakaakbay niya sakin. Napakunot naman ang noo niya. Bahala siya sa buhay niya. Ayokong makipag-usap sa maaarte ngayon.

"Katrine!" Pagtawag niya dahil mas binibilisan ko ang lakad ko. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtakbo niya sakin at binalik ang pagkakaakbay sa balikat ko. Sa bawat araw na magkasabay kami ni Kenrick, ito talaga ang paborito niyang gawin kapag magkasabay kami. Lagi siyang nakaakbay sakin. Simula naging magkaibigan kami at hanggang ngayon, ito parin ang ginagawa niya kapag magkasabay kami ng uwian.

"Kung aartehan mo lang ako, mas mabuti pang 'wag nalang kasi baka di kita matancha." Seryosong sabi ko habang nakakunot noong nakatingin sa mga sasakyang nadadaanan namin.

"Sorry na," Sabi nito. Napalingon ako sakaniya at nakita ko ang pag-nguso niya. "Iniisip ko lang kasi 'yung gagawin niyo ng gagong si Evan. Bakit naging malapit ka sa lalaking 'yun? Alam mo naman na hindi mabilang sa daliri ang nilalandi nun."

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now