CHAPTER 74 - Back To Reality

Começar do início
                                    

“E, kaso hindi tayo boyfriend/girlfriend thingy. Mga magulang tayo ni Mica at Rafael.” pagkaklaro niya pero parang mas kinilabutan naman ako.

“Anong plano mo sa kanila? Hindi naman natin sila puwedeng itago ng habang panahon. Do you have a plan of adopting them legally?” Tanong kong puno ng kuryusidad.

“Wala.” Kaswal niyang sabi. “Hindi ko sila aampunin, April, pero mananatili silang anak natin ‘gat hindi bumabalik ang mga magulang nila.”

“Sa tingin mo, babalik pa ang mga ‘yon? Kasi alam mo, kung mahal nila ang mga anak nila, gaano man kahirap ang buhay, hindi nila papabayaan ang mga ito. So, bakit hindi mo nalang sila i-adopt legally?”

Dinig ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga bago ako sinagot, “Madali lang gawin para sa akin ‘yan kahit mahaba pa ang proseso pero ayaw kong gawin dahil ayaw kong palitan ang mga pangalan nila.”

I frowned, “Bakit parang ang babaw naman ng reason mo? Iyon lang ba talaga?” I asked.

He smiled at me sadly. April, It's simply because,” He sighed. “ayaw kong pagdating ng araw ay maguluhan din sila sa paghalungkat sa kung sino sila dahil sure akong kapag inampon ko sila, ipagdadamot ko na sila sa tunay nilang mga magulang.” seryosong aniya.

“H-How,” I gulped. “How about you? Hindi mo ba gustong makilala ang tunay mong mga magulang?” I queried.

Pagak siyang natawa at sumulyap sa ‘kin ng nakangisi. “Para saan pa? April, katulad ng sinabi mo kanina, Kung mahal ka ng parents mo, your welfare will be their first priority. Salamat nalang sa kanila kasi ng dahil sa pag-abandona nila sa ‘kin, napunta naman ako kay Mommy Vera at Daddy Conrad.” Mahaba niyang litanya.

“What if one day, you cross paths with them?”

“Then I'll be glad to meet them.”

See? Ang gulo niyang kausap. Kanina lang parang ayaw niyang makita ang biological parents niya tapos ngayon sasabihin niyang ikatutuwa niyang ma-meet sila?

“We’re here.” anunsyo niya.

Napasulyap ako sa labas. Ni hindi ko man lang napansing nasa harap na kami ng bahay namin.

“Thank you.” Nakangiting baling ko sa kaniya bago binuksan ang pinto sa tabi ko at bumaba.

“Gigisingin ko ba sila?” Tanong niya.

Umiling ako. “Hindi na.” Tugon ko saka binuksan ang pinto sa likod. Niyuko ko ang dalawang bata at hinaplos ng marahan sa kanilang mga pisngi. “I love you both.” I whispered and planted a gentle kiss on their forehead and smiled.

Iniwan ko uli ang mga batang tulog na tulog at muling isinara ang pinto. Sumilip ako kay Kenshi na wala na ‘ata talagang balak bumaba ng kotse.

“Thank you.” sabi ko saka kinuha ang bag ko na hindi nalang mga school things ang laman kundi mga damit ko na dala ng Yaya ng magkapatid nu’ng ihatid niya ang dalawa sa Tagaytay. “Papasok na ako — ”

“Wait,” pigil niya sa ‘kin. May kinuha siya sa kaniyang bulsa. My phone!! “Phone mo.”

“I thought ..?” I gave him a questioning look.

Napakamot siya sa kaniyang ulo at saka napapahiyang ngumiti. “Hindi totoo ‘yung sinabi kong tinapon ko sa dagat. Tinago ko lang.”

Inikutan ko siya ng mata bago kinuha ang phone ko sa palad niya. “Baliw ka talaga. Sige na, papasok na ako sa loob. Mag-ingat ka sa pagmamaneho, okay? Remember, may kasama kang bata.” Paalala ko sa kaniya bago umayos ng tayo.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora