35 - heart ~

356 5 0
                                    

YANA's POV

"You'll get there in thirty minutes. Good thing that Bianna hasn't discovered that Timothy is an agent or else this'll be hard." Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa earpiece na ibinigay sa akin kanina. Pakiramdam ko kasi kapag nagsalita ako ay tanging pagpalahaw lang ang lalabas sa bibig ko. My tears are continuous. Hindi ko alam kung kailan ako huling hindi umiyak matapos nang mga nangyari.

"Just do as planned and everything's gonna be fine. Pagdating niyo doon ay huwag kayong gagawa nang ikakabahala ng suspect." I looked outside the window and let my tears flow from my eyes. Tahimik lang ding nakikinig sa sinasabi ni Kuya Tres si Timothy na siyang nagmamaneho sa kotseng lulan kami ngayon.

"Can't you make it any faster, Cap?! I'm melting over here!" Rinig kong sabi ng isang panlalakeng boses. I don't know who it is but I know it's one of Tim's colleagues because he called him Cap.

It's been 3 days since I found out that my son was kidnapped and was hurt by that bvtch at sa bawat araw na lumilipas ay mas lalong madadagdagan ang takot sa puso ko. I can't afford to lose my son.

"You're now entering the perimeter. Everest, make sure to be extra careful, we can't afford to make a mess here." Kuya Tres sounded serious and I know he is serious. Kaya naman ay ginawa ko ang laht para napakalma ang sarili ko. I can't be weak right now, kailangan ako nang anak ko at hindi ako pwedeng maging pabigat sa planong 'to.

"When did I fvcking messed up?" Nahimigan ko ang iritasyon sa boses nang lalakeng nasa trunk nang kotse na sinasakyan namin ngayon, tinawag siyang Everest ni Kuya Tres kaya siguro ay Everest ang pangalan niya. Cool name.

"You don't want me to go there, Everest." Natahimik ang paligid. Walang sumagot sa sinabi ni Kuya Tres at nagpatuloy lang sa pagmamaneho si Timothy. We haven't talked. Mula nang malaman ko ang nangyari sa anak ko ay wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak habang si Timothy naman ay nakipagtulungan sa mga kaibigan niya para sa plano naming pagliligtas sa anak namin.

"I only need you and Yana. The child in return of the two of you." Yun ang nabasa ko sa text message na isinend ni Bianna kay Tim. Tim was furious that day but we were not given choices. Our only choice was to do what she asked to keep our baby safe. Kasi kung hindi, hindi ko kakayaning may mangyaring masama sa anak ko.

"You don't have to come, Yan." Saad ni Timothy nang mai-park na niya ng kotse sa loob nang lumang building na siyang address na ibinigay sa amin ni Bianna. She wants us to meet here para maisagawa ng kagustuhan niya.

"Anak ko si Ion, Tim. Obligasyon kong iligtas siya kahit sa gaano pang kahirap na sitwasyon." Seryoso kong sabi habang hinahanda ang aking sarili. Tim was against the idea of me, coming along with him. Ayaw niya raw na sumama ako dahil baka ano ang mangyari sa akin which I strongly disagreed.

"Anak natin, Yan. Anak natin at bilang ama niya, ako ang may obligasyon para iligtas siya. Hindi dapat ako pumayag na sumama ka, e. You should've stayed at home and wait for us." Naipikit ko ang mga mata ko para pigilin ang iritasyon ko. We've been over this for days! Napag-usapan na namin ito at hindi ako makapaniwalang pag-uusapan na naman namin. I just want everything to be over. Ang kaligtasan ng anak ko--namin ang mas mahalaga sa akin.

"Well, it's already too late, Timothy. Andito na ako at nandito na tayo." Matigas kong sabi tsaka naunang lumabas pero bago pa man ako makalabas ay nahila na ako pabalik ni Timothy.

"Ano ba?!" Inis kong angil sa kanya dahil sa ginawa niya.

"If you have death wish, spare my heart. Hindi ko makakayanang mawala ka sa akin kaya parang-awa mo na, h'wag kang padalos-dalos sa mga desisyon mo." My forehead creased because of what he said. Ano na naman bang pinagsasabi niya?!

Samaniego Side Story 2: Keeping YanaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ