9 - Me ~

266 4 0
                                    

YANA's POV

Hindi na ako nakatulog sa sobrang excitement. Lalo na rin sa katotohanang kinilig ako sa sinabi ni Timothy. He left after saying those words so I was not able to ask him what he meant with his words... but by the way he said it... nabuhayan ako ng pag-asa... Pwede.. Pwede pa...Just hold on, Yana... He'll be yours eventually.

Nag bihis ako ng kumportableng damit. I also brought extra shirt in case of emergency. Baka pagpawisan ako dun. Mabilis pa naman akong pawisan lalo na pag nape-pressure ako. Nakapag-paalam na ako sa parents ko na hindi ako makakasama sa Family day ngayon dahil may kailangan akong gawin related to school na naintindihan naman nilang lahat. Though, mom was really nosy because she kept asking me questions.

"Where you goin', Yan?" Napatingin ako kay Mara na siyang nagtanong. I smiled at her.

"Date." I said then winked at her making her smile and shrugged at me.. tapos ay dumiretso na siya sa kusina.

Kakalabas ko pa lang ng unit nang makasalubong ko si Kuya Zander na mabilis na naglalakad papunta sa unit ni Kuya Mau. Hindi ko nalang siya pinansin tsaka nagpatuloy sa pupuntahan ko. Ano na naman kaya ang kalokohan nun kay kuya Mau at in character talaga ang dating?

Nagpahatid ako sa taxi sa mall. Siguro naman ay naaalala ni Timothy na sa arcade sa mall kami magkikita ngayon. Pero, to be sure, I texted him that I'll meet him in the arcade. May iilang taong napapatingin sa akin habang naglalakad ako. Some took pictures pero wala namang lumalapit. Kung kasama ko pa sina Andrei at Athan ay baka kanina pa ako nagtatakbo dito. Their fans are too athletic, mahilig manghabol.

"Good morning, Miss Yana." Bati ng isang security guard nang mapadaan ako sa isang phone brand. Ngumiti naman ako sa kanya tsaka nagpatuloy na. Wala pang masyadong tao sa arcade nang makarating ako. May mga bata pero kadalasan ay nasa mga kainan lang. I sat in a vacant bench and started looking at my phone. Walang kahit na anong message doon kaya naman ay napabuntong hininga nalang ako. Sana naman ay nabasa ni Timothy ang text ko.

Nanatili akong naka-upo sa bench. I texted Tim again telling him that I'm already waiting but I received no response. Normal naman ako na tao kaya naman ay nakaramdam ako ng boredom but I didn't want to leave my spot because Tim might arrived anytime. Bumili nalang ako ng fries sa gilid ko dahil wala pa akong agahan. I'm starving but I want to wait for Timothy.

Unti-unti namg dumami ang tao sa mall. The arcade started to get full pero wala pa rin si Timothy. I texted him again and as usual... no response again.

Nasaan na kaya yun?

Nag mag alas-dos na ay pinili ko nalang maglibot sa mall dahil mukhang hindi na darating si Timothy. Gutom na gutom.na ako dahil nalipasan na ako ng gutom kakaintay sa kanya. With my heart feeling so heavy, I went to a restaurant to eat lunch. Umupo ako malapit sa bintana, yung hindi ako masyadong kita ng mga tao.. Nag-order na rin ako ng maraming pagkain. Nang mapag-isa na ako ay doon ako nagsimulang maiyak.. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Timothy stood me up. Hindi man lang niya ako tinext? Wala ba siyang load? I tried calling him but he always rejected my calls and it hurts more!! Nang dumating na ang mga pagkain ay agad ko itong nilantakan. Para lang akong tanga.. sobrang tanga. Umiiyak habang kumakain.. Gaga ka Yana. Sobrang gaga.

I continued crying and eating when I saw someone familiar walking inside the restaurant. Agad akong nagtago dahil si mommy iyon and... LESLIE CHUA!! Teka!! Anong ginagawa nila dito?! Diba Family day ngayon?! Bakit nandito si mommy sa mall?! Was she following me? Anong-Anong gimagawa niya dito?! Why does she look pissed?! Anong nangyayari sa kanya?!

My eyes widened in surprise when I saw why my mother looked furious while walking towards a table. She was heading to my brother  who was simply sitting on a table with a pretty girl at ganun nalang an gulat ko nang biglang nagalit si mommy kay kuya. Si Kuya!!! Mom was saying something and pointing on the girl who's with kuya and kuya was defending her--wait... is she his girlfriend?! Kaya ba ayaw niya kay Leslie?! Is she the reason why he left? Kaya ba inayawan niya ang marriage na ginusto ni mommy?! Anong nangyayari!? Kaya niya ba ako iniwan bigla dahil sa babae niya!?! Ganun ba yun?!

Samaniego Side Story 2: Keeping YanaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora