12 - Something's changed ~

342 9 0
                                    

YANA's POV

"Ang sakit ng likod ko. Nakakainis ang PE namin." Nag-inat-inat sa tabi ko si Athan. Kanina pa niya ginagawa yan kaya naman ay hindi na ako nagsalita.

"Ang OA mo talaga. Akala mo namn binalian kayo. Naglaro lang kayo ng basketball, Athan. Hindi kayo nag gymnastics doon!" natatawang sabi ni Kuya Zander kaya natawa na rin ako. Ang OA lang kasi. Akala mo naman eh binali na ang mga buto nila eh simpleng pagdi-dribble at takbo lang naman ang ginawa niya. He's rwally a hopeless case.

"Ang sakit kaya sa kamay." Nakangusong sabi pa ni Athan kaya nailing nalang ako tsaka nagpatuloy sa pagkain. Ewan ko ba kay Athan, shouldn't he be motivated dahil nasa school na rin namin ang kinababaliwan niyang babae? Kaya nga busy siya almost everyday diba? I shrugged the thoughts off. May sariling buhay ka, Yana. Di kalayuan ay natanaw ko si Calvin at Warren na busy sa pag-uusap. I saw them smiled at me kaya naman ay nginitian ko rin silang dalawa.

"Isa ba sa dalawang yan ang manliligaw mo?" usyuso naman ni Athan kaya sinapak ko siya gamit ang dispossable fork na hawak ko. Napaka-tsismoso niya talagang lalake.

"Bully!" Pang-aakusa niya kaya nailing nalang ako. Parang bata lang?

"Tsismoso." Bawi ko sa kanya. Natahimik ulit kaming dalawa. Nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa dumating na si Mara at sumabay nasa amin. Mara hasn't been herself lately, mula nang umalis si Andrei ay di na siya masyadong nagsasalita, I mean... ganyan naman siya noon kaso mas lumala lang talaga ngayon.

"How are you, Mara?" Tanong ni Athan sa kanya. She looks tired.

"Ayos ka lang ba? Bakit mukhang pagod ka?" Puna ko sa kanya. Bumalik na rin naman ako sa S Building at magkasama na rin kami ni Mara. I don't know if it's just me but something has really changed   between us. Maybe I should talk to her alone sometimes.

"I'm just tired. Tapos kasali pa si Ley sa exchangr program ng EU. Wala na akong kausap sa mga klase ko." My formed a thin line. So, that's why. I know that girl, Ley. Siya yung girlfriend ng nakakabatang kapatid ni Timothy na si Top.

"Masasanay ka rin niyan. Sabay na tayo?" I cheered her up na nakapagpangiti naman sa kanya. Nang matapos kaming mag-unch ay sabay na kaming nagpunta sa mga buildings namin. Good thing that we have the same way. Nang makarating na kami sa may bukana ng building ay nagpaalam na kami sa isa't isa. I took the elevator on my way to my next class dahil nasa 6th floor pa iyon at sa hindi inaasahang pangyayari, nakasabay ko sa paglalakad si Ryan Arnolds.

"Yana..." I awkwardly smiled when I head him say my name. Ryan Arnolds is my ex-suitor. He courted me for 10 months max? I'm not sure, I did not really entertain her because I didn't really like him. Mabalit lang si Ryan tsaka gwapo. Kasi hindi ko talaga siya magawang magustuhan.

"Ry. Hi. Kamusta ka na?" I tried to lighten the mood.

"I'm good. How are you? I haven't seen you much. You look pretty." Napangiti ako sa sinabi ni Ryan. He used to compliment me almost everyday back in high school. Lagi akong tinutukso ni ate Val at ate Sia dahil lagi siyang pa-flowers at chocolates.

"Ayos lang din. Ngayon lang din kita nakita ulit. I din't know you were studying here..." I honestly said. Ngayon ko lang talaga siya nakita ulit after a year. Hindi ko akalain na sa ganitong sirkumstansya pa talaga. Yung kami lang dalawa.

"Oh, yes. I just transferred last month. Business din ang course mo?" He asked. Hindi ko na binigyan ng malisya ang mga tanong niya dahil matagal naman na ang panahon na lumipas. I bet he's over me now.

"Oo nga eh. You too?" Balik tanong ko sa kanya. Agad naman siyang sumagot. I've known Ryan as a talkative person and he hasn't changed a bitm Ang dami niyang ikinuwento sa akin. Nalaman ko rin na nag-US pala siya at bumalik lang dito dahil sa hiling ng lolo niya. I've always known himto be a very family oriented person. Kaunti nalang ang mga taong nun ngayon.

Samaniego Side Story 2: Keeping YanaWhere stories live. Discover now