17 - a reason ~

311 6 0
                                    

YANA's POV

"WAAAHHHHHH!!! TITA GANDA!!" napangiwi nalang ako nang marinig ko amg sabay-sabay na sigawan nina Heirice at Ashan habang tumatakbo papunta sa akin.

"I miss you po, Tita!" Napangiti nalang ako nang pugpugin ng halik ni Ashan ang pisngi ko. Na-miss ko rin ang mga batang 'to. Napansin ko namang inaantok na naglakad si Ashian papunta sa gawi naming tatlo. He looks so lazy! Jusko ang batang 'to!

"Hi, Tita." Inaantok na bati niya pa sa akin kaya ginulo ko nalang ang buhok niya. Pambihirang bata talaga.

"It's good to finally have you back, Yana. Tara na? They're waiting at home." Mabilis akong tumango sa sinabi ni Kuya Ashton tsaka nauna nang maglakad pabalik sa sasakyan dala niya. Karga ko si Ashian habang sina Heirice at Ashan naman ay naka-hawak sa magkabilang gilid ko. Yes, I'm carrying Ashian because he asked me to do so.

"Drivethru!" sabay-sabay naming sabing tatlo nina Ashan at Heirice nang makakita kami ng Jollibee drivethru. Si Ashan naman ay tulog na tulog na sa likuran.

"Tss. Kids." I heard kuya Ash mumbled kaya natawa nalang ako. God, I missed them.

Dumiretso na kami sa bahay nina kuya Ash. Andito nga silang lahat para sa pagbabalik ko. Bitbit ang kiddy meal na binili namin kanina ay naghabulan pa sina Ashan at Heirice papasok ng bahay habang si Kuya Ash naman ay kinarga na si Ashi papasok. I am very excited to see my family. Sa loob ng tatlong buwan na nasa Korea kasi ako ay hindi ko sila tinawagan. It'll just make me miss them more. Baka bigla nalang akong mapalipad pabalik dito. Kaya naman ay heto ako ngayon, naiiyak na nakatayo sa harap ng pintuan ng bahay nina kuya Ashton at ate Sia.

Kinalma ko ang sarili ko. I know that it's not just about this. Alam kong nadadala lang ako ng emosyong nararamdaman ko ngayon. Nagkahalo-halo na.

"YANA!" I bit my lower lip when I heard my cousins shouting my name when I finally entered the house. Mabilis na tumakbo papunta sa akin sina Andrei at Athan tsaka ako niyakap ng napakahigpit.

"Hindi man lang tumawag." I heard Athan mumbled as they continued hugging me kaya naman ay nayakap ko nalang din siilang dalawa.

"Nagpa-miss lang." I tried to hide the overwhelming happiness I am feeling with a joke. Naiiling na lumayo nalang silang dalawa sa akin. Akala ko ay tapos na pero napa-atras nalang ako nang bigla akong sinunggaban ng yakap ng kung sino.

"I miss you, Yan." Napangiti nalang ako nang mapagtanto kong ang kapatid ko pala iyon. I hugged him back. I do too. Hindi na talaga ako aalis ulit.

"Ako rin kaya. Kayo? Yakapin niyo na rin kaya ako para isahan nalang?" Natatawang sabi ko sa mga pinsan ko na nakatingin lang sa akin ngayon. Naiiling na naglakad naman sila papalapit sa amin tsaka ako niyakap. Group hug?

"Ang prinsesa ay magbalik na!" I heard ate Val shouted kaya naman ay nagtawanan ang lahat na nasa kwartong iyon.

Yes, I indeed am back.

"Akala ko ay matatagalan ka pa dun, Yan. Hindi ka man lang tumawag o nagtext." Sabi ni ate Heidi habang nasa hapagkainan kaming lahat.

"I did that on purpose. Mami-miss ko lang kayo lalo pag tumawag pa ako." I honestly told them.

"Kamuntikan nang sumunod sina Andrei sayo. Mabuti nalang at napigilan niyan." Sabay nguso ni ate Val sa tahimik lang na kumakaing si kuya Aire. Kuya Aire looked at ate Val lazily as he swallowed his food.

"Kung maka-niyan, walang kwentang bagay?" He asked making us all pursed our lips to prevent ourselves from laughing. Hala na yan!

"Tsk. Ang talino? Pansin na pansin?" Ate Val rolled her eyes upwards before eating again.

Samaniego Side Story 2: Keeping YanaWhere stories live. Discover now