2 - First heartbreak~

597 7 0
                                    

YANA's POV

Mabilis akong magpahatid sa mga body guards sa S Building. I immediately knocked on Kuya Mau's unit dahil nasisigurado kong nandun si Mara ngayon. I'm just so excited fo tell her about Timothy!

"Sis? Anong nangyari sayo?" Mara asked habang inaabot sa akin ang isang baso ng juice. Nasa sala na kami ngayon ng unit nila ni Kuya Mau. Nangyari eh, hindi pa rin kami binibigyan ng sarili naming unit.

"I just met my future husband." Nakangiti kong sabi. Hindi nakatakas sa akin ang panlalaki ng mga mata niya kaya natawa nalang ako.

"Ano?!" Napangiwi ako nang biglang tumaas ang boses ni Mara. And because of that biglang bumukas ang kwarto ni kuya Mau tsaka nanlalaking matang napatingin sa aming dalawa ni Mara.

"Bakit naka-sigaw ka?" He asked kaya mabilis kaming umiling ni Mara.

"N-Nothing kuya." Kinakabahang sagot ni Mara tsaka ibinalik ang atensyon sa akin. Nang isinara na ni kuay Mau ang kwarto niya ay agad kong pinalo sa braso si Mara.

"wag kang mag-sigaw! So yun nga! I met him na!" I saw her closed her eyes then opened it again.

"Yan, ayan ka na naman sa mga-"

"I saw him at the comic store! May bumibili kasing bata tapos kulang yung pera nya kaya binayaran nya at binigay sa bata. He was so mabait!" Hindi ko mapigilang matuwa dahang sinasabi iyon. I just fell in love with a stranger!!

"That's the result of reading too much comics and pocket books, Yan. Nagde-daydream ka na. Umayos ka baka paulanan ng bala ng mga pinsan mo ang bahay nung future hubby mo!" napanguso ako dahil sa sinabi ni Mara. Napaka-panira niya, sobra. Alam ko namang gagawin yun ng mga pinsan ko kaya nga sa kanya ako nagsabi eh.

"Ikaw talaga! Napaka-nega mo, sis. Hays. Di mo pa ba nararanasang magka-crush?" I felt her stilled because of my question. It's a useless question, alam ko namang nagka-crush na ang babaitang ito eh. Hula ko nga in love na eh.

"Nope, hindi pa." Liar. Sige lang, Mara. One day, aamin rin kayong dalawa.

"Hays, if you just know the feeling sis, yung lalaking tinitignan mo? He is glowing in your sight that you just want to embrace and hide him from the world!" Napayakap ako sa throw pillow na nasa tabi ko. I wonder how it would feel to hug Timothy.

"I want to meet him, maybe he is like tito Alfie no?" I stated while thinking about tito Alfie. Kuya Mau's dad. Mabait kasi iyon at napaka masiyahin.

"But he is a bit snob at medyo di pala-kibo. He seemed like, tito Albert! oh no! Wag naman sana!" Nanlaki ang mata ko dahil sa naiisip! Oh my gosh! What if gaya siya ni tito Albert?! Napaka-hirap niyang makasama!!

"Alam mo, Yan. Stop looking for anyone who is like your tito's." Napatingin ako kay Mara dahil sa sinabi niya. It's not that easy. I grew up with them, for me, they are the best kind of men, sana lang may kagaya pa nila na natitira sa mundo. Sana kagaya nila si Timothy.

"You're right. Sige na nga, ice cream nalang tayo! Aja!" I sighed and pulled Mara up. Nag-paalam muna kami kay Kuya Mau tsaka nagpunta sa Ice Scream. Pumwesto kami sa malapit sa may bintana, usual stop talaga namin dito dahil makikita ang labas ng ice cream parlor. Focus na focus kami ni Mara sa pagkain ng ice cream nang biglang may kumatok sa salamin sa gilid namin na naging dahilan ng pag-flinch in Mara. Natawa nalang ako dahil sa naging reaction niya pero napalitan agad din iyon ng inis ng makita ko ang dalawa kong tukmol ma pinsan na ngayon ay papasok na ng parlor. What are they doing here?!

"Heey! Bakit kayo nandito?!" Tinaasan ko nang kilay ang dalawang bibwit. Magkasama na naman sila and whenever they're out in the public, that means trouble. Damn, mapapatakbo na naman ata ako ngayong araw. Hays.

Samaniego Side Story 2: Keeping YanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon