CHAPTER 65

22 2 0
                                    

ZANDY'S POV

Walang tigil ang luha ko sa pagpatak habang yakap yakap ko ang lalaking mahal ko. Umiiyak ako dahil sa sobrang saya. Kung panaginip man ang lahat ng to sana wag muna ako gisingin. Hayaan nya sana ako makasama kahit saglit ang lalaking pinakamamahal ko.

"Baby." Mahinang sambit nito sa may bandang tenga ko na napakasarap pakinggan.

Unti unti sya humihiwalay sa pagkakayakap saakin ngunit hindi ko sya hinayaan makabitaw.

"Please. Sabihin mo saakin na hindi panaginip ito at hindi ka likha lamang ng aking imahinasyon." Bulong ko sakanya na may halong pagmamakaawa.

Tuluyan sya nakawala sa pagkakayakap saakin at hinawakan nya ang mukha ko saka nya ako tinitigan.

"Hindi ka nanaginip. Totoo ito. Nandito na ako muli sa tabi mo. "- Nangungusap ang mga mata saad nya.

Napaiyak na lamang ako sa sobrang galak at nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang mukha nya upang punasan ang luhang naglalandas sa mukha nya.

"Akala ko hindi na tayo muling magkikita at magkakasama. Natakot ako." - Zandy.

"Sssh. ! Tahan na." Pagpapatahan nya saakin sabay punas nya ng luha sa mata ko.

"Magkakasama pa tayo ng matagal. Patawarin mo ako kung nawala ako sa tabi mo ng mga panahon na kailangan mo ako. I'll promise babawi ako. "-Saad nito saka nya ako hinalikan sa noo pagkatapos pinagdikit nya ang mga noo namin.

"I'm sorry. "Mahinang bulong nito.

Napapikit na lamang ako at napahawak sa mga kamay nya nakahawak sa mukha ko.

"Naiintindihan ko. Hindi mo kailangan magsorry. Dapat ako yung humingi ng taqad sayo. "Tiningala ko sya at tinitigan.

"Dapat sinabi ko sayo kaagad ang kondisyon ko. Hindi ka sana--"

"Sssh! No need to explain. It's fine. Okay na ako. Naiintindihan ko na ang lahat. "Pigil nya sa sasabihin ko.

"We need to find a way. Kung kinakailangan halughugin ko ang buong mundo para makahanap ng doctor na magpapagaling sayo gagawin ko. Maghahanap ako ng ng heart donor para say--"

"Llander. Llander. "Pagpapakalma ko sakanya at hinawakan ko ang mukha nya para tumigil sya.

"Hindi ko kailangan ng doctor, hindi ko kailangan bagong puso."- Zandy.

"Pero zandy kailangan--"

"Hey. " Pinigilan ko kung ano pa man ang sasabihin nya. Pagkatapos dinikit ko ang noo ko sakanya saka sya tinitigan.

"Hindi ko sila kailangan. Ikaw ang kailangan ko. " Namamaos na saad ko na ikinatigil naman nito saka napailing at napayuko.

"Hey." Sabay angat ko ng baba nya upang tignan nya ako muli.

"Kung gusto mo mabuhay pa ako ng kahit konti pa............. Manatili ka sa tabi ko. "Malungkot kong pahayag saka muling pumatak ang luha sa mata ko na agad naman nitong pinunasan.

"Baby , hindi mo kailangan sabihin yan. Mananatili ako sa tabi mo kahit hindi mo sabihin. Ha?"- Llander.

"Natatakot lang ako na baka muli ka mawala sa tabi ko."- Zandy.

"Ssssh !" Sabay halik nya sa noo ko at niyakap nya ako.

"Hindi na mangyayari yun okay? Hindi. Hindi kita iiwan. Wag ka ng matakot. Tama na, wag ka ng umiyak."- Llander.

Niyakap ko rin sya pabalik habang umiiyak sa dibdib nya. Sobrang masaya lang ako dahil bumalik sya sa buhay ko. Napapikit na lamang ako at mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sakanya.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon