CHAPTER 19

45 2 0
                                    

ZANDY'S POV

"Salamat yohan sa pagsama ha."- Pasasalamat ko sakanya ng maihatid nya na ako sa bahay.

Galing kaming doctor at sinamahan nya ako magpacheck up. Si mama kasi masyadong mapilit na magpacheck up ako kahit lagnat at ubo lang naman ang nararamdaman ko.

Pagkahatid kasi saakin ni Yohan kahapon ay nabanggit nya kay mama na may sakit ako kaya ayon aligaga nanaman si mama. Para hindi nalang sya mag alala ay sinunod ko na lamang ang gusto nya at nagvolunteer naman si Yohan na sya nalang ang sasama saakin magpachek up.

"Wala yun."nakangiti nyang sagot. "Basta magpagaling ka na."

"Magaling naman na talaga ako O.A lang si mama." -Natatawa kong saad.

"Hayaan mo na, nag aalala lang yun saiyo at mabuti na rin ang nakakasiguro." -Yohan.

"Oo na! Sisermunan mo nanaman ako eh." -Zandy.

Ngumiti naman ito saakin at ngumiti na rin ako sakanya pabalik.

"Oh paano mauna na ako." -Yohan.

"Sige. Ingat ka at salamat ulit." -Zandy.

"Sige." Nakangiti nyang sagot saka pinaandar nya na ang motorsiklo nya at umalis. Tinanaw ko na lamang sya habang papalayo hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.

Tumalima na ako para pumasok sa bahay ngunit natanaw ko si Llander na nakatingin saakin mula sa may bintana nya. Napakaseryuso nanaman ng itsura nya pagkatapos inirapan nya ako at umalis na sa may bintana.

"Ano bang problema nya? Ang weird nya na lately." -Zandy.

Wala naman kasi ako ginagawa sakanya tapos kung makatingin saakin parang may ginawa ako mali sakanya.

Napailing na lamang ako at tuluyan ng pumasok sa bahay. Yung mga kaibigan nya nakita kong muli kanina, siguro dinalaw sya. Yung isa nyang kaibigan masyadong presko at mabulaklak magsalita at mukhang bolero. Sya yung Carlo, natatandaan ko kasi yung pangalan nya. Kung sabagay mukhang pareho naman sila nong isa nya pang kaibigan.

"Oh anak kamusta na yung check up mo?"- Tanong saakin ni mama ng makapasok ako ng bahay.

"Okay naman po ma sabi ni Doc ubo lang daw yun saka lagnat. Binigyan nya na ako ng gamot para doon." -Zandy.

"Ay mabuti naman kung ganon. Oh sya sige akyat ka na sa kwarto mo at magpahinga ka nalang." -Mama.

Tumango nalang ako sakanya at tumungo na nga ako ng kwarto.

《 MONDAY MORNING 》

Kanina pa nag start ang klase ngunit walang Llander na dumating in short absent sya ngayong araw. Saan naman kaya sya nagpunta? Kahit pasaway yun hindi naman yun uma'absent.

Napatingin ako kay Erickson na ngayon nagsusulat. Kinalabit ko sya para tanungin kong nasaan si Llander. Lumingon naman sya saakin pagkatapos ko syang kalabitin.

"Bakit?" Nakangiti nyang tanong.

"Ah, itatanong ko lang kung nasaan si Llander at bakit hindi sya pumasok. Alam mo ba kung bakit?" -Zandy.

"Naku! Hindi eh. Wala naman sya nabanggit saakin baka tinamad lang yun. Bakit namiss mo na ba?" Mapanukso nitong tanong.

"Hindi ah, ikaw talaga puro ka kalokohan. Hindi pa nya kasi tapos ang pinapagawa ko sakanya kaya ko sya hinahanap." -Zandy.

"Ahhh" tumango tango naman ito.

Pumasok na ang next teacher namin kaya natahimik na kami at nagfocus nalang sa lesson.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon