CHAPTER 29

39 3 0
                                    

LLANDER'S POV

Pagkatapos namin kumain ay hinayaan ko munang mag ayos sina Nanay ng gamit nila sa kwarto at hinayaan ko na rin sila na magpahinga muna.

"Zandy?" -Tawag ko sakanya ngunit hindi sya sumagot. "Asan na ba yun?"

Hinahanap ko sya kasi umakyat lang ako sa kwarto sandali nawala na sya sa sala pagbalik ko. Lumabas ako ng bahay at doon ko sya naabutan sa may bakuran.

"Nandito ka lang pala." -Bulong ko.

Lumapit ako sakanya at niyakap ko sya mula sa likod na alam ko kinabigla nya nanaman.

"Hinahanap kita nandito ka lang pala." -Llander.

"Hmm. Nagpahangin kasi ako. Kamusta sina nanay?" -Zandy.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya at tumabi na lamang sakanya.

"Ayon nag aayos na ng gamit nila at sabi ko magpahinga nalang muna." -Llander.

Tinignan nya naman ako saka ngumiti at umiwas din kaagad ng tingin.

"May bago ka ng pamilya, buo ka na ulit." -Zandy.

Natahimik ako saglit dahil sa sinabi nya pagkatapos napabuntong hininga ako. May isang parte pa rin kasi sa pagkatao ko na hinahanap ko pa ang kasagutan saaking nakaraan na aking nakalimutan. Hindi ko alam kung bat big deal pa rin iyong batang babae saakin gayong meron na akong minamahal. Siguro gusto ko lang talaga sya maalala at kung may nagawa syang mabuti saakin gusto ko  magpasalamat sakanya. Sya nalang ang tanging kulang kung bat hindi ako maging masaya ng lubusan.

"Masaya naman ako na nandito sila. Sa loob ng sampung taon hindi ko na narasan magkaroon ng pamilya. Si Mr. Lee, yung mga drivers, Maids at sina Enzo at Carlo, sila lang ang naging pamilya ko. Pero ngayon may nanay na ako na tumatawag saakin na anak." Tumigil ako saglit at napabuntong hininga.

"Pero parang hindi pa ako buo. Alam kong dapat kinakalimutan ko na ang nakaraan pero hindi ko magawa. Para bang meron humahatak saakin na balikan iyong alaala na nakalimutan ko. Maganda man yun o malungkot na alaala, gusto ko pa rin maalala yung batang babaeng yun dahil parte sya ng nakaraan ko. Pagtataksil ba ito saiyo kung sasabihin kong-----Sinasabi ng puso ko na wag syang kalimutan at dapat ko syang alalahanin." -Llander.

Natahimik siya at hindi sumagot. Nag alala ako baka nagselos sya. Dapat ba na sinabi ko yun? Pero gusto ko maging tapat sakanya sa mga nararamdaman ko.

"Hindi mo ba talaga sya matandaan kahit ni isang alaala manlang.?" Tanong nya habang hindi nakatingin sa kawalan.

"Hindi. Wala akong maalala." -Llander.

Humarap sya saakin na seryuso ang itsura kaya napakunot noo ako.

"Sigurado ako gustong gusto nya rin na maalala mo sya." -Zandy.

Bigla nya hinawakan ang kamay ko kaya nagulat ako. Hindi naman kasi sya nanghahawak ng kamay.

"Halika sumama ka saakin." -Zandy.

Mas lalong nangunot ang noo ko sa pag aya nya.

"Ha? Saan?" -Llander.

"Ipapaalala ko sayo ang nakaraan." - zandy

Hindi manlang ako nakasagot dahil nya na ako palabas ng bahay. Wala naman ako nagawa kundi ang magpatangay sakanya. Ngunit Bigla din  ako nakaramdam ng panlalamig sa sinabi nya na hindi ko din alam kung bakit.

Hila hila nya  lang ako at nagpatangay lang ako sakanya. Dumaan kami sa may likod bahay at makakahoy na daanan hanggang sa nakarating kami sa may bulubundukin sa may gilid ng bangin. Malakas yung hampas ng simoy ng hangin na tumatama sa balat ko.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Where stories live. Discover now