CHAPTER 35

27 2 0
                                    

ERICKSON'S POV

Iniwan ako ni Mica at naglakad paalis at wala naman ako nagawa kundi sundan sya ng tingin.

Galit kaya sya? Pakiramdam ko kasi galit sya. Pero wala naman ako'ng ginagawang masama.

"Tara kumain tayo." Biglang sabat ni Ivon na ngayon nakakapit pa rin sa braso ko.

"Ah--Ano! Kasi hindi ako pwedi eh. May pasok pa ako sa Canteen. Baka hinahanap na ako." - Pagsisinungaling ko sakanya. Sabay tanggal ko ng kamay nya sa braso ko.

Si Ivon ay anak ng mayor, nakilala ko sya dahil madalas mag order ang Mama nya sa canteen at pinapadeliver sa bahay nila. Dahil nga sa dalas na pagpunta punta ko doon naging close kami. Minsan rumaraket din ako kapag kailangan nya ng body guard. Nirerequest nya ako kay Mayor kapag gusto nya maglibot dito sa San Nicolas at sinasamahan ko naman sya. Parang tourist guide ba.

Mabait naman sya yun nga lang spoiled brat. Sympre mayaman eh lalo na spoiled kay Mayor sa tatay nya. Lahat ng gustuhin nasusunod, Solong anak kasi.

Magkasing tanda kami at Sa maynila ito nag aaral at tuwing sembreak lang sya nauwi dito. Hindi ko alam kung bakit sya umuwi ngayon eh hindi pa sem break.

"Babayaran ko nalang ang oras mo. Samahan mo na ako kasi kailangan ko ng body guard ngayon. Dodoblehin ko pa ang bayad sayo." -Ivon.

"Ah kasi----"Napakamot ako sa ulo ko. Paano ko ba sya matatanggihan. ? Naman eh! Hindi ko na tuloy nahatid si Mica nakakahiya sakanya.

"Sige pero saglit lang. Saan ka ba pupunta?" -Tanong ko sakanya na ikinaliwanag ng mukha nya.

"Sa mall.! Tara magshopping tayo!" -Sabay hila nya sa kamay ko ni hindi manlang inantay ang isasagot ko. Wala na nga ako nagawa kundi ang sumunod sakanya.

Sumakay kami sa Van nila at tumungo nga ng mall.

"Bagay ba saakin ito?" Tanong nya saakin habang pinapakita ang mga damit na hawak nya.

"Oo bagay naman sayo kahit ano." Sagot ko nalang.

Kanina pa kami paikot ikot sa mall at ang dami nya ng pinamili. Nahirapan na nga yung body guard nyang isa magbitbit. Ganito siguro ang mga babaeng mayayaman nagtatapon ng pera. Si Mica kaya ganito din mamili? Siguro ganito din kasi pansin ko hindi sya nag uulit ng damit. Fashionista yung dating nya. Napangiti tuloy ako ng maalala ko sya.

"Uy!!" Untag saakin ni Ivon kaya nagising ako sa pagdiday dream.

"Ha?! Bakit??" -Erickson.

"Hindi mo naman ako pinapakinggan eh. Tignan mo yung suot ko? Maganda ba?" -Sabay ikot nya sa harapan ko suot nya yung isang pink dress na hanggang tuhod. Siguro ang cute non kapag si Mica ang nagsuot. Para siguro sya'ng prinsesa.

"Oo. Maganda." -Erickson.

"Talaga?!"-Ivon.

Tumango ako sakanya bilang sagot saka ngumiti.

"Sige bibilhin ko na rin to."- Ivon.

Bumalik na sya sa CR para makapagbihis ulit. Napabuga ako ng hangin, kelan kaya sya matatapos? Gusto ko na kasing umuwi.

Pagkatapos nya bayaran ang mga damit ay lumabas na kami ng botique. Akala ko uuwi na kami pero pumasok pa kami sa isang resto. Tumayo lang ako sa may gilid at napatingin naman sya saakin.

"Anong ginagawa mo?"-Ivon.

"Edi binabantayan ka. Body guard mo ako diba? " -Erickson.

"Aist! Maupo ka nga dito. Hindi ako sanay kumain mag isa kaya sabayan mo ako." -Ivon.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt