CHAPTER 9

49 4 0
                                    

ZANDY'S POV

《 2 HOURS LATER 》

Muli kong binalikan si Llander sa kwarto ko para silipin kong gising na sya. Dahan dahan kong pinihit ang pinto at sinilip sya. Mahimbing pa rin naman sya na natutulog. Tuluyan kong binuksan ang pinto para pumasok ngunit napatigil ako ng may tumawag saakin.

"Zandy!"

Napalingon ako sa may hagdan at nakita ko si krystal na nandoon. Mukhang Masayang masaya sya ngayon dahil nakangiti syang nakatingin saakin at pansin ko din na may dala dala syang paper bag.

"Oh anong ginagawa mo dito?" - Zandy.

"Wala. Dinala ko lang ang pasalubong sayo ni papa kasi dumating na sya kanina. Ito oh! Chocolate!" Nakangiti nyang sabi sabay abot ng paper bag.

Nginitian ko naman sya at kinuha ko yung inabot nya. "Salamat ha! Pasabi na rin kay tito salamat."

"You're welcome!" - Krystal.

Ngiti nalang ang itinugon ko sakanya.

"Tara pasok muna tayo sa kwarto mo ipapakita ko sayo ang latest fon ko bili ni--- OMG! Sino yang---"

Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil bigla syang tumingin sa kwarto ko at nakita nyang nakahiga si Llander sa kama ko. Mabilis ko naman tinakpan ang bibig nya dahil sa ingay nya at baka magising ito. 

"Wag kang maingay baka magising sya!" Halos pabulong kong sabi.

Tinanggal nya naman ang kamay kong nakatakip sa bibig nya.

"Sino sya!? At bakit may lalaki ka sa kwarto at alam ba to nina tita to?!" Pabulong din nyang tanong.

"Baliw ka talaga sympre oo! Si Llander iyan. Natuklaw kasi sya ng ahas kanina doon sa may palayan. Dinala ko dito at ginamot ni kuya tapos ayan nakatulog." -Zandy

Napatakip naman ito sa bibig nya na tila gulat na gulat. Minsan kasi may pagka O.A tong bestfriend ko, hindi lang pala minsan kundi madalas.

"Talaga?! Sya yan?!"- Krystal.

Tumango tango naman ako sakanya.

"Patingin nga!"- Krystal.

Lumakad nga ito papunta sa natutulog na si Llander at hindi ko na sya napigilan. Sinundan ko nalang sya at sinara ng dahan dahan ang pinto.

"Ang gwapo nga nya Anding!" Sabay hawak nya sa braso ko at parang kinikilig pa sya.

"Wag ka nga maingay baka magising sya. Halika na lumabas na tayo nakita mo na eh."-Zandy

"Teka lang naman. Hawakan ko lang yung balat nya kasi ang kinis eh." - Krystal

Hinawakan nga nya ang balat ni Llander at pinisil.

"Hoy! Krystal ano ba! Tigilan mo nga yan.!" Saway ko sakanya.

"Ang lambot ng balat nya siguro gatas ang pinapanligo nyan. Saka Ang gwapooooo!"- halos hystrerical nyang sabi pero yung pinipigilan nyang wag sumigaw.

Pinisil pa nito ang mukha ni Llander dahilan para gumalaw ito.

"Hala! ayan nagising na! Bahala ka pag sininghalan ka nyan." Bulong ko sakanya.

"Hindi naman sya nagising tulog pa din naman." - Krystal.

Tinignan ko naman sya at tulog pa nga sya.

"Diba sabi mo masungit sya? Parang hindi naman. Tignan mo nga yung itsura nya pagtulog ang cute cute nya para syang anghel saka ang kissable ng lips nya." - Krystal.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon