CHAPTER 8

68 4 0
                                    

LLANDER'S POV

"Napakapakialamera ng babaeng yun. Sino sya para pagsabihan ako kung ano ang gusto. Aist!"

Bumubulong bulong na sabi ko habang kumakain ng cup noodles dito sa sala. Wala akong pagkain ngayon dahil sa lintik na matandang yun.

Binaba ko ang kinakain kong cup noodles at dinukot yung fon ko sa bulsa ko. Tatawagan ko ang matandang yun (Mr. Lee) para bigyan akong muli ng katulong.

"Ha!? Walang signal!? Anak ng!"

Tinaas taas ko yung cellphone ko pagkatapos tinaktak ko.

"Sira na ba to?! Aist! Bwesit! Ano bang klaseng lugar to at walang signal?!"

Inis na binato ko yung cellphone ko sa tabi ko. Saka kumain nalang muli ng noodles.

Patapos na ako kumain ng biglang nagblock out.

"Anak ng!" Mabilis kong kinapa ang cellphone ko pagkatapos pinailaw ito. Bigla naman may kumalampag sa may bandang kusina.

"Sino yan?!"- Sigaw ko pero walang sumagot. Nanindig yung balahibo ko kaya tinaas ko yung paa ko sa sofa at naghoodie.

Hindi na rin naman umulit yung ingay. Ginawa ko ngang ilaw ang flashlight ng cellphone ko at nanatiling nakaupo habang nakataas ang mga paa sa sofa.

《 After 30 Mins. 》

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa din bumabalik ang lintik na kuryente. Tinignan ko yung cellphone at malapit na syang malobat.

"Bwesit!"

Tumayo ako at naglakad patungo sa may pinto para lumabas.

"Holy shit!!"

Napaatras ako at napaupo dahil pagbukas ko ng pintuan may babaeng nakatayo sa may pintuan. Pinulot ko ang cellphone ko at inilawan yung babae.

"Ikaw?!" Sigaw ko sa babae ng makilala ko ito. Yung babaeng palaging nambwebwesit saakin.

"Pasensya na. Natakot ba kita?"- Zandy

Tumayo ako at galit na tinignan sya.

"Ano sa tingin mo?! Bakit ka ba kasi nakatayo Jan sa may pinto?! Nakaputi ka pa.!"-Llander.

Tumawa naman ito ng mahina. "Matatakutin ka pala. "

Sinamaan ko sya ng tingin dahil tumawa pa akala nya close kami.

"Aist! Ano bang ginagawa mo dito?! Sulpot ka ng sulpot para kang kabute."- Llander.

"Ano--, kasi nakita ko ang dilim ng bahay mo baka kasi wala kang magagamit na ilaw kaya dinalhan kita ng flashlight."  Sabay pailaw nya ng flashlight sa mukha nya na ikinabigla ko nanaman, mukha kasi syang mumu.

"Aist! Wag mo nga itapat yang flashlight sa mukha mo!. " Saway ko sakanya.

"Hindi ko kailangan nyan!"- Llander.

"Ganon? Sige iuwi ko nalang to. Pasensya na sa abala." Sabay talikod nya at maglalakad na sana paalis ngunit  hinawakan ko yung damit nya kaya napatigil sya.

"Saan ka pupunta?"-Llander

"Diba sabi mo hindi mo naman kailangan ng Flashlight? Kaya uuwi na ako."- Zandy.

Kahit ayoko syang makita, kailangan ko yung ilaw nya at makakasama.

"Hindi. Dito ka lang." - Llander.

ZANDY'S POV

"Hindi. Dito ka lang." - Llander.

Natigilan ako dahil sa sinabi nya at bigla nalang pumintig yung puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Where stories live. Discover now