CHAPTER 49

24 1 0
                                    

ENZO'S POV

Matahimik ang kabuuan ng library at lahat bz sa pag aaral at pagrereview kagaya nitong magandang babae na nasa harapan ko.

Halos isang oras na kami nandito at wala akong ibang ginawa kundi ang titigan sya habang may ginagawa. Mamaya pa naman ang pasok ko kaya sinamahan ko sya dito. Kahit puyat ako kagabi dahil sa inuman ay balewala saakin iyon. Ang makita ko sya ay nagpapatanggal na saakin ng hang'over.

Habang nagsusulat sya ay pinagmamasdan ko lamang sya. Nakatali ngayon ang buhok nya at nakasalamin. Kitang kita ko din ang mapupulang labi nya. Nakakaadik talaga ang lips nya parang nag aanyaya saakin lagi na halikan ko sya. Aist! Ano ba yan, ang pervert ko naman masyado.

Nilabas ko ang cellphone ko at kinunan ko sya ng stolen pic habang nagsusulat. Napansin nya naman siguro ang ginagawa ko kaya umangat ang tingin nya saakin pagkatapos ngumiti ako sakanya at binaba ko na ang fon ko.

"Alam mo ba na bawal ang kumuha ng litrato pag walang permiso ng taong kinukunan mo."- Krystal.

"Kung ganon. Ipakulong mo na ako!"- Mabilis ko na pinagdikit ang dalawang kamay ko na kunwa'y poposasan nya ako.

"Ikulong mo ako saiyong pagmamahal."- Dagdag ko pa na ikinangiti nya at ikinapula ng mukha nya.

"Ewan ko sayo. Pumirmi ka na nga lang jan." Natatawa nya'ng sabi.

Natawa na din ako at ibinaba ko na ang mga kamay ko.

Pinatong ko ang dalawang siko ko sa mesa at sinapo ng dalawang kamay ko ang baba ko at tinignan ko sya.

"Hays!" Natatawa nyang sabi saka napasandal sa upuan habang tinitignan nya ako na nagpapacute sakanya at nagduling dulingan ako.

"Ano bang ginagawa mo?"- Krystal.

"Bakit? Wala naman ako ginagawa ah."- Maang maangan ko at nagpout ako. Para na ako tanga sa ginagawa ko. Hayaan mo na basta makita ko lang sya nakangiti kahit magmukha pa ako tanga ay okay lang.

"Dini'distract mo kasi ako eh. "-  Krystal.

Ngumiti ako sakanya ng napakalapad.

"Nadidistract ka sa kagwapuhan ko.?"- Enzo.

"Hayst! Masyado kang conceited mahal na hari."- Krystal.

"Mahal na hari? Parang maganda yun tapos ikaw yung mahal na reyna."- Banat ko na ikinapula nya nanaman at nagpalinga linga sa paligid pagkatapos nilapit nya ang mukha nya saakin.

"Wag kang maingay." Halos pabulong nya'ng sabi na ikinakunot naman ng noo ko.

"Bakit? Anong problema sa sinabi ko.?"-Enzo.

"Nasa likod lang natin ang mga classmate ko baka marinig ka nila."- Krystal.

Lumingon ako sa likuran at kita ko nga yung ibang kaklase nya nakatingin saamin. Muli kong ibinalik ang tingin ko sakanya.

"Ano naman kung marinig nila? Itatago ba natin ang relasyon natin?"- Enzo.

"Ah- Hmm. Hindi naman, baka kasi kung ano ang isipin nila dahil ang bilis kong pumayag. Hi-ndi mo manlang ako niligawan."- Sabay lihis nya ng tingin.

Nais kong ngumiti dahil sa naging reaction nya. Para sya'ng nahihiya na ewan. Tinignan ko ang kamay nya na nasa mesa at hinawakan ko yun kaya napatingin sya muli saakin.

"Hey, wag mo na isipin ang sasabihin ng iba. Ang importante mahal kita at tungkol sa panliligaw, liligawan kita araw araw. Okay?"-Enzo.

Lumipat ako ng upuan at tumabi ako sakanya saka ko sya inakbayan. Tumingin ako sa kabilang table, nakatingin pa din saamin ang mga classmate nya na tila nagulat pa.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Where stories live. Discover now