CHAPTER 40

24 2 0
                                    

ERICKSON'S POV

"Kunan mo ako dito. "Sabay pose ni Ivon sa may malaking bato.

Sinunod ko naman ang utos nya at kinunan sya ng litrato gamit ang fon nya. Medyo naiilang ako kasi nakalantad pa din ang katawan nya.

"Okay na ba?"- Ivon.

"Ah-- Oo. Okay na." Saad ko at lumapit naman sya saakin at tinignan nya ang litrato.

"Maganda talaga ang view dito perfect for picture taking." Nakangiti nya saad pagkatapos tumingin sya saakin.

"Halika magpicture din tayo." Nagulat ako ng hinila nya ang braso ko kaya napabend ako ng konti para magkapantay kami. Pinulupot nya ang kamay nya sa braso ko at dinikit nya ang mukha nya sa mukha ko. Nakakailang tuloy.

"Smile." Nakangiti nya pang sabi habang nakatingin sa camera. Wala naman ako nagawa kundi ang ngumiti nalang.

"Ayan! May picture na tayong dalawa." - Saad niya saka tinignan ang litrato.

"Hmm. Tapos ka na ba magkuha ng litrato? Balik na tayo. "- Saad ko kasi kanina pa kami naglilibot. Sympre as a body guard trabaho ko na samahan sya kung saan man sya magpunta.

"Teka lang, mamaya na."- Nakanguso nya saad.

"Bakit may pupuntahan ka pa ba?"- Tanong ko naman sakanya.

Umiling naman ito. "Minsan na nga lang tayo makapagsolo ayaw mo pa ako makasama. Ba't ba atat na atat ka bumalik ? Dahil ba kay Mica?"

Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Ah- hindi." Napakamot ako sa ulo ko.

"Akala mo ba hindi ko nahahalata ang tingin mo sakanya. Kaya ba ayaw mo saakin dahil sakanya.?!"- Ivon.

Napatingin ako sakanya at halata sa mukha nya na nasasaktan sya.

"Hindi! Hindi sa ganon. Baka kasi pagod ka na kaya tinatanong ko kung babalik na tayo."-Erickson.

"Hindi yun tanong kanina. Statement yun.!"- Sabay irap nya saakin at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

Napabuntong hininga na lamang ako. Bakit ba ganito ang babaeng 'to. ? Sino ba kasi ang nagsabing gustuhin nya ako at bakit ako? Andami naman lalaki jan na mas bagay sakanya. Hay naku! Ang pogi ko na yata ngayon.

Lumapit ako sakanya at dahan dahan na hinawakan ang balikat nya. Nag aalangan pa akong hawakan iyon. Hindi ko alam, parang hindi ako komportable simula ng sabihin nya ang nararamdaman nya saakin.

"Pasensya ka na. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Hmm. Wag ka ng magalit."- Erickson.

Hindi ko alam kung ganito ba ang pag amo ng babaeng nagtatampo. Hindi pa kasi ako nakakaranas magkaroon ng girlfriend kaya hindi ko alam.

Humarap naman sya saakin ng nakasimangot.

"Kasi gusto lang naman kita makasama eh."- Ivon.

"Hmm. Hindi ba napag usapan na natin iyan? Sabi ko maging magkaibigan nalang tayo."- Erickson.

"Bakit ba kailangan mo pang ulit ulitin yun.?"- Naiinis nya sabi. "Talaga bang wala ako pag asa jan sa puso mo?!"

"Hindi lang talaga yun ang priority ko ngayon."- Erickson.

"Madami ka pang palusot. Sabihin mo na saakin na si Mica ang dahilan kung bakit ayaw mo saakin.!"- Ivon.

Muli ako napabuntong hininga at tinignan ko sya.

"Oo sya nga yung babaeng nagugustuhan ko."-  diretsahan kong sagot.

Hindi ito nakasagot at maya maya umiyak na ito at hindi lang yun ngumawa sya.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Where stories live. Discover now