Chapter 27: Friendzone?

Magsimula sa umpisa
                                    

"baby boy, anong name mo?"

"ully.." nagulat ako nung sinabi niya yung name niya.

"wow ang cute! hello ully!!" kinurot niya yung pisngi ni ully. mahilig sya sa bata ha?

"apple?!" may dalawang babae yung nasa harap namin ngayon, mukhang friend ni mansanas.

"uy trixie! jean! musta?"

"hindi mo naman sinabi na may anak ka na pala, hello baby? at ang gwapo ng asawa mo ah, bagay kayo." nag katinginan kaming dalawa ni apple tska "HAHAHA" tumawa siya ng malakas, "hindi ko--" pinutol ko yung pag sasalita niya.

"thank you! nga pala anak namin, si ully.." tumingin sakin si apple, ang sama ng tingin naka taas pa yung kilay niya. haha!

"ah ganun ba, oh sige una na kami ah, nakaka storbo pa kami sa family bonding niyo.. ingat apple!"

"ha? ehhh? sige ingat kayo.." nung nakalayo na silang dalawa tumingin sakin si apple. "hoy lalake! ano yun ha?!"

"wala lang trip ko lang.." aba parang kinikilig siya.. "tska bakit ka nag blush dyan? haha! kaw ha!! siguro may gusto ka sakin?" biro ko sa kanya.

"hoy kapal mo nuh!!"

"ayieeeee" nagulat kami pareho nung nagsalita si ully ng ganun, tawa tuloy ako ng tawa haha! kung mag kaka anak ako gusto katulad niya cute tska malakas yunv sense of humor. Wag nga lang ganyan kakulit.

Almost 5pm na and napag desisyunan namin ni apple na dalhin si ully sa may police station. for sure hinahanap na siya ng parents niya. Pag dating namin dun nakita namin yunv mommy at daddyniya, iyak ng iyak, super thanful sila samin sa pag kuha namin lay ully. Sa sobrang tuwa nila binigyan nila kami ng Ticket for nine person sa Zambales, sakanila daw kasi yung resort dun kaya pwede kami mag stay. Nung una ayaw kunin ni apple pero napilit din siya ng mommy ni ully. After that hinatid ko na si apple sakanila.

"thank you kevin, bigay na lang natin to kala cristin kaso sobra pa din."

"kaw na bahala sayo naman yan eh."

"okey, sige pasok na ko."

"teka.. apple, may problema ka ba?" bigla siyang yumuko.

"ha? wala...."

"ano ka ba? di ba bestfriend na tayo.. dapat hindi ka na mag lilihim sakin. ano ba kasi yun? sa ex boyfriend mo ba?"

"haaa?! hindi nuh.. kasi.. yung taong gusto ko, may gusto namang iba.." lumungkot yung mukha niya.

"sus!! yun lang pala eh! eh di mag hanap ka ng iba! maganda ka kaya, madaming mag kakagusto sayo. Haha wag ka na mag mukmok dyan! akal ko ano na.. sige na pasok na."

"uhmm kevin, posible bang mag ka gusto ka sakin?"

"ano bang tanong yan? oo naman.. kaso ngayon si maureen yung gusto at mahal ko. Haha! baliw ka talaga madaming lalaki dyan nuh. Don't worry ihahanap kita!"

"ah sige pasok na ko.."

Si apple? sa totoo lang gusto ko siya. Masata kasi siya.kasama, lahat na kwento ko sa kanya, yung pag kasama mo siya lumabas yung talagang ikaw. Ganun siya ka komportableng kasama. Kung pwede nga lang siya na lang yung mahal ko, kaso si maureen pa rin talaga eh..

--

ENTRY NI APPLE:

"ano bang tanong yan? oo naman.. kaso ngayon si maureen yung gusto at mahal ko. Haha! baliw ka talaga madaming lalaki dyan nuh. Don't worry ihahanap kita!"

ayan yung mga sinabi ni kevin sakin na hindi ma alis alis sa isip ko. Posible pala na mag ka gusto siya sakin, ang sarap pakinggan pero si maureen yung gusto niya' mali pala.. MAHAL NIYA. >:(

Hindi ko alam paano ko nag kagusto kay kevin, the fact na alam ko naman na si maureen yung mahal niya, ang stupid ko nuh? kasi naman bukod sa napaka Good looking ni kevin. Mabait siya sweet at masayang kasama, kaya nga siguro naging mag best friends kami.

Habang nag walk out ako kanina at hinahabol nila, na realiza ko yung isang bagay. Kung mag eemote ako sa harap niya, aaminin na mahal ko siya, tulad ng mga napapanuod ko sa mga teleserye.. Hindi pa rin niya ko magagawang mahalin 'di tulad sa tv ang ending nag kakatuluyan sila after umamin ng babae. Well sa case namin. Sobrang layo.. kaya I've decided to hide my true feelings for him and remain as a best friend na lang. Mas okey yun di ba? atleast walang break up. Hope so... :-(

-end of chapter 27-

--

Hello! ^^ whatcha think of this chapter?

Ano sa tingin niyo, mas bagay ba sila maureen at kevin? o sila apple at kevin? Team KevReen ba o Team KevPle? haha =)

and sa next chapter.. DOTA TOURNAMENT NA! ano.kayang mangyayari? abangan =))))

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon