CHAPTER 68 - Fight Together

Start from the beginning
                                    

"You look bothered, Anak. May problema ka ba?"

Oo nga pala. Hindi ko dapat ipakita sa kanilang hindi ako okay dahil baka madagdagan ang alalahanin nila.

I flashed my best smile. "I'm fine, Mom. Nasa'n po pala sina Lolo at Lola?"

"Maaga silang bumisita sa bahay ninyo dati, Anak. Alam mo namang may sentimental value sa kanila ang bahay na iyon kaya kahit nandito na sila sa atin ay hindi pa rin nila gustong pabayaan." ani Mommy ng nakangiti.

Tumango ako. Hinanap ng mata ko sina Daddy at mga kapatid ko at tamang-tama namang pagpasok nila ng dining room. Pare-pareho namang nakangiti but I know what's behind those smile.

"Good morning, Beautiful ladies." Humalik din sa noo ko si Dad, at sa lips naman si Mommy.

"Good morning, Dad." I greeted him back. "Good morning, Mga asungot kong Kuya." I faked my smile again. Hays!

"Bakit ganiyan 'yang mukha mo?" Tanong ni Kuya Grov sa 'kin.

"Ha? Bakit?" Eksaheradang tanong ko. Kinabahan ba naman akong bigla, e.

"Ugly."

Nagtawanan ang kambal pero ako, nakabusangot na. Alam ko naman kasing pangit ako tapos sasabihin pa niya.

"Kahit kailan masama ka sa 'kin. Isusumbong kita kay Madi kala mo."

"Sinong Madi?" Tanong ni Mommy na nakataas na ang kilay.

"Girlfriend ni Grover, Mom." Si Kuya Hopper na ang sumagot.

Yes, Girlfriend na ng Kuya Grover ko ang best friend kong si Madison. Napa-oo niya si Madi nu'ng gabing nag-camping kami so lucky him dahil napasagot niya ang kaibigan kong kilos-lalake.

"Mahal, may kasintahan na pala lahat ang mga anak natin pero bakit parang si Saiyan lang ang nakikilala ko?" Tanong ni Mommy kay Daddy na parang pinaparinggan ang kambal. "Ikaw ba kilala mo na sila?"

"We got it na, Mom." Napapailing na sabi ni Kuya Hop. "Kilala niyo naman sila - "

"Yes. Bilang mga kaibigan ni Miracle." Mom cuts him off. "Hindi bilang mga girlfriend ninyo."

"Let's eat." Maawtoridad namang wika ni Daddy. "Marami pa akong kailangang i-discuss sa 'yo mamaya, Eleina." Makahulugang tumitig si Daddy kay Mommy dahilan para maging uneasy na naman ako.

"Mabuti pa nga. Kumain na kayong tatlo para makapasok na kayo sa school." Utos ni Mommy sa aming tatlo kaya nagsipag-sandok na rin kami ng mga pagkain namin.

Nawalan na ng imik ang lahat at tanging ang kalansing nalang ng mga kubyertos ang maririnig sa pagitan naming lahat.

Pasulyap-sulyap naman ako kay Daddy at kitang-kita ko ang mabigat na pasanin niya dahil sa expression ng mukha niya. Nagsimula na ba talaga si Sir Ben sa pagtupad ng banta niya? Gagawin ba niyang talaga 'yon kahit alam niyang pati si Saiyan ay mahihirapan?

Hays, Bathala!

◆◇◆

SAIYAN'S POV :

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now