Chapter 46

11.7K 606 48
                                    

NATANAWAN ni Flor ang isang eroplano sa himpapawid. Naitanong niya sa sarili kung sino kayang artista o politiko ang laman niyon. Kung kasama lang niya roon si Dina, tiyak na ilang ulit na itong nagtitili sa mga nakita. Ang paborito nitong foreign singer ay nakita na niya sa isla noong isang pagkakataon.

Malayo sa isa't isa ang cottages doon, bagay para sa mga taong naghahanap ng katahimikan. At ang tariff rates ay talaga namang nakakalula. Kaya marahil kakaunting Pinoy lamang ang nakakapunta roon. Dolyares ang rates nila at ubod ng mahal.

Inayos na niya ang footrest ng kama, sinipat uli ang silid, nag-spray ng air freshener, at sinindihan ang kandila sa coffee table. Kapag may ookupa ng isang silid ay sinisindihan nila iyon. Doon sa silid na iyon tutuloy ang dumating na bisita. Baka mamaya o bukas pa niya makikita kung sino iyon. Nagbalik na siya sa istasyon nila at doon ay nakipagkuwentuhan sa mga kasamahan niya. Mababait ang mga iyon, karamihan ay taga-Maynila rin.

"Ilibre mo ako, ha?" aniya sa kasamahan niyang tuwang-tuwa. Naka-fifty dollars kasing tip ito. Siya man ay nakakuha na ng ganoong tip minsan. Sa gitna ng kanilang pagkakasiyahan ay tinawag siya ng isang kasamahan niya. Tumawag daw sa housekeeping department ang guest sa room na assigned sa kanya. "Mukhang may request agad ang guest ko. Baka may fifty dollars din ako mamaya," aniyang umalis na roon.

Nang mapatapat na sa pinto ay nag-doorbell siya. Hindi pa man nagbubukas ang pinto ay nakangiti na siya. SOP nila iyon. Natuklasan niyang kapag parati siyang nakangiti sa guest ay mas malaki ang nakukuha niyang tip.

Subalit ang ngiti niya ay nabura nang bumukas ang pinto. Sinakmal ng kung anong pangamba ang kanyang dibdib nang makita si Zeph.

Ang daming emosyong gumulo sa sistema niya, hanggang sa huli ay bumagsak na lamang ang kanyang mga balikat. Nakita na siya nito. Kung kahit si Narciso ay hindi siya nagawang itago, paano pa siya makakaiwas dito?

"Ano'ng balak mo? Ibalik ako sa bahay mo?" halos bulong niya nang matagpuan ang kanyang tinig.

"Yes."

"Kailan ba ito matatapos? Sabihin mo na sana sa akin."

"Never."

"Hindi na ako kasosyo nina Dina. Ano naman ngayon ang plano mo kung ayaw kong sumama sa 'yo?"

"I would give you back the ring you returned to me." Mula sa bulsa ay inilabas nito ang engagement ring na isinauli niya rito. "And I would kneel in front of you and ask you once again to marry me." Ganoon nga ang ginawa nito. Isang tuhod nito ang iniluhod nito at nakatingin lamang sa kanyang mukha ay hinintay na abutin niya ang singsing.

"A-ano ito, Zeph?" nabibiglang tanong niya.

"I didn't know you intended to let me go. I believed everything you said. At masama ang loob kong hinayaan mo lang akong pasamain ang loob mo nang ganoon katindi. Why did you let me do that to you? Alam mong mahal na mahal kita."

Nakagat niya ang ibabang labi at pumantay rito. Ibinaba niya ang kamay nito at ikinulong ang mukha nito sa kanyang mga palad. Hindi na nito kailangan pang magpaliwanag sapagkat naunawaan kaagad niya ang sinasabi nito. At kasabay ng nag-uumapaw na kaligayahan ay ang pagkawala ng lahat ng pagtatampo niya rito.

"Hindi ko kayang hayaan kang bumaba para lang sa akin, Zeph. Hindi ka magiging masaya kahit kailan sa akin. Hindi ako bagay sa 'yo. Kahit ano ang gawin ko, iba ka, iba ako. N-naiintindihan mo ba ako?" Hindi na niya nakuhang pigilan ang mga luha niya, lalo na't namamasa ang mga mata nito.

"Hindi. Hindi ko maintindihan kung paanong hindi mo nakita iyong mga panahong kasama kita na kahit nahihirapan ako, masayang-masaya ako. Hindi ko maintindihan kung paano mo naisip na sasaya ako kung wala ka kung alam mong gagawin ko'ng lahat para lang makasama kita. How did you totally miss the point? I am miserable without you," pagbibigay-diin nito sa bawat salita.

"Kaya mong bumalik sa dati, Zeph. Nasimulan mo nang gawin, 'di ba? Iyong babaeng nakita ko, si Sophie—"

"I can put up a show, too, and that's what I did because I didn't know what happened and I hated you. It's as simple as this..." Inabot nito ang mga kamay niya. "My heart is right here. Do you understand it now? Please tell me you do."

"Ang mga magulang mo..."

"Of course I love them but I want to be happy. And if they can't accept the fact that I love you, then what can I do? Maybe in time, they'll understand, but please don't take that against me. Please. What do I have to do to change your mind and want me back?"

Niyakap niya ito nang mahigpit. "Wala na. Hindi ko na gagawin uli. Hindi na... Mahal na mahal kita, Zeph."

Hinagkan siya nito sa mga labi at halos mapugto ang kanilang mga hininga. Ilang saglit na pinakatitigan lamang nila ang isa't isa, tila kapwa nangangambang hindi totoo ang lahat ng iyon. Hanggang sa haplusin niya ang pisngi nito.

"Ang corny mo na talaga ngayon. May paluhud-luhod ka pang nalalaman ngayon, samantalang dati, 'You're fired!'"

Alog nang alog ang mga balikat nito kahit namamasa pa rin ang mga mata. Pinangko siya nito papasok sa silid at inihiga siya sa kama. Tinabihan lamang siya nito at patuloy siyang pinagmasdan.

"Please don't ever push me away or run away from me, or stay away from me ever again. I need you in my life."

Bilang tugon ay hinagkan uli niya ito sa mga labi.

---

To support the writer, you may click the star button. You may also leave a comment. If you are in the mood to support the one giving you free reads, you can to facebook and like my page:

Facebook: vanessachubby and theromancetribe

Thanks.

Ang Lalaking Nagmahal sa Akin (COMPLETED)Where stories live. Discover now