Chapter 39

8.2K 317 12
                                    

"WHAT the hell are you looking all surprised for? Didn't you hear what I said? Take off all your clothes. Now!"

Hindi mo gagawin ito. Zeph, hindi mo gustong gawin ito sa akin. Kahit ano, puwera lang ito... Hindi nagawang kumilos ni Flor. Kahit napakaraming mga salitang pumailanlang sa kanyang isip ay wala ni ano mang katagang lumabas mula sa kanyang bibig.

Oo at napakaraming gabing hinanap niya ang mapagpalang mga bisig nito na nakapaikot sa kanya, subalit hindi niya kailanman inisip na sa ganitong paraan muling maglalapat ang kanilang mga balat. Ayaw niya sapagkat galit ito. Ayaw niya, sapagkat hindi tama sa kanyang pakiramdam ang mangyayari.

Biglang-bigla, pakiramdam niya ay wala siyang ipinagkaiba sa mga bayarang babae. Natatakot siyang pagkatapos ng ano mang planong gawin nito ay may mabuong galit sa kanyang dibdib para dito.

"Take off all your clothes," ulit nito. "Don't make me repeat myself again or you wouldn't like it."

"Hindi, Zeph."

"You're trying my patience." Nabahiran ng iritasyon ang mukha nito, saka tumayo. Nang lumapit ito sa kanya ay kusa siyang napaatras. Sunud-sunod ang naging paglunok niya hanggang sa hapitin nito ang kanyang baywang. Inilapit nito ang mga labi sa kanya, ang kamay nito ay hinagod ang kanyang tagiliran, ang kanyang braso, saglit na naglaro sa kanyang hita. Pagkatapos ay paanas na nagsalita ito sa tapat ng kanyang bibig. "Don't you find yourself wanting to be touched by me again, Flor?"

"Z-Zeph..." May nginig ang kanyang mga labi, tila nahawa sa kanyang tinig. May kung anong init na kakatwang gumuhit sa ilalim ng kanyang tiyan. Kahit wala pang isang minuto ang nakalilipas ay nagpasya siyang hindi papayag sa nais mangyari nito.

Mapalapit lamang pala rito, mahaplos lamang ng maiinit na palad nito, ay para na siyang tuyong dahong dinikitan ng apoy. May sidhing namuo sa kanyang gulugod, masyadong matindi na tila binabanat ang kanyang balat sa kaunting pagdaiti lamang dito.

Kasabay ng nakalulunod na pakiramdam na iyon ay may umahon na kung anong kadesperaduhan mula sa loob niya. Ibig na niyang mapaluha at sabihin ditong nahihirapan siyang ganoon na sila ngayon. Parang gusto niyang makiusap na sana ay kalimutan muna nila ang lahat ng nangyari...

"Kiss me." Sinapo nito ang kanyang mukha sa paraang hindi niya ganap na matukoy kung marahas o may kalakip na masidhing pagnanais na hagkan niya ito. "Kiss me!"

Saglit na nagtalo ang pagnanais niyang sundin ang dikta ng kanyang puso at katawan, at ang babala sa kanyang isipan, hanggang sa manaig ang una at marahang ilapat niya ang mga labi niya sa mga labi nito. Nang mangyari iyon ay nablangko na ang isip niya. Hinagkan siya nito nang mariin, maalab, marahas, mapaghanap, subalit nakakatupok pa rin, nakakapaso, lalong pinagniningas ang init na nakuha na nitong buhayin kani-kanina lamang.

Bumagsak sila sa sofa. Siya ang nasa ibabaw nito. Idiniin nito ang palad sa kanyang likod, ipinadama sa kanya ang reaksiyon ng katawan nito. Narinig na lamang niya ang sariling anas.

Tila kay gaan-gaan niyang nagawa nitong ipuwesto siya pahiga roon. Mabilis ang bawat pagkilos nito, tila nagmamadali. Hinaklit nito ang kanyang damit at bumukas kaagad iyon. Ang mainit na palad nito ay nagsimulang damhin ang kanyang dibdib, hanggang sa bumaba roon ang mga labi nito, habang ang isang palad nito ay nadama niyang nasa kanyang likod upang tanggalin ang kanyang panloob.

Pamilyar na pamilyar pa rin siya sa tagpong iyon. Ang kaibahan nga lamang ngayon ay malayo iyon sa pagiging banayad, subalit ang intensidad ay hindi nabawasan, bagkus ay tila lalo pang nadagdagan.

Nang tuluyang tumambad dito ang kanyang dibdib ay naglakbay ang isang kamay nito pababa sa kanyang katawan. Alam na alam pa rin nito ang mga tagong bahagi ng kanyang katawang ibig niyang pagpalain nito.

"Zeph..."

"You're so ready for me..." Patuloy siyang dinama nito, hinagkan, hinagod.

"Ah! Zeph!" Maiikli na ang agwat ng kanyang paghinga, hinahapo kahit hindi naman pagod. "Zeph! Ah... Ooh... Oh!"

Noon naipon ang init, sumambulat, at muli ay natawag niya ang pangalan nito. Hinagkan siya nito sa mga labi at naupo sa sofa. Inabot nito ang kanyang mga kamay at ipinatong sa sinturon nito. Nakasulat sa mga mata nito ang pamilyar na init at hindi na nito kinailangang magsalita pa. Alam na niya ang nais nito at iyon din ang nais niya.

Mayamaya ay itinaas nito ang kanyang mukha, pinagmasdan siya hanggang sa puntong ibig na niyang mailang. Hinaplos nito ang kanyang pisngi, pinadaan ang hintuturo sa kanyang mga labi. Hinawakan nito ang kanyang braso, bahagya siyang hinigit pataas at binuhat siya sa baywang paibabaw rito.

Noon naghinang ang kanilang mga katawan. Hinayaan siya nito sa sarili niyang ritmo, habang hinahaplos ang kanyang balat. Ipinikit niya ang mga mata at pinagbigyan niya ang sarili sa nais niyang mangyari. Mayamaya ay dumako uli sa baywang niya ang mga kamay nito, inalalayan siya sa papabilis na sayaw nila.

"Zeph!"

"Oh, baby..."

Nayakap niya ito nang mahigpit at nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa unti-unti siyang sumulyap dito. Nakapikit lamang ito. Nag-uumapaw ang samut-saring damdamin niya at namasa ang kanyang mga mata. Noon ito nagmulat at muli ay pinagmasdan siya.

Sa huli ay sarkastikong ngumiti ito. "Are all whores like you? If so, then it's no wonder it's the world's oldest profession." Mag-iiwas sana siya ng tingin subalit hinawakan nito ang baba niya. "Such a sweet face for a whore, really."

Tinabig niya ang kamay nito. Tumayo na ito at isinara ang pantalon nito. Noon lamang niya naunawaang ni hindi nito ganap na nahubad iyon.

"Do you understand it now, Flor?" tanong nito.

Hindi siya nakaimik. Kung may bagay siyang naunawaan sa naganap, iyon ay hindi niya ito kayang tanggihan. Kaunting udyok lamang, bibigay na siya. At nakakapanghinang sa likod ng isip niya ay alam niyang wala siyang magagawa sa lahat ng iyon.

"The very thing you never planned to happen is happening to you yet again—and you can't do anything about it now." Patiyad na naupo ito sa tapat niya, nakakaloko ang pagngiti. Kipkip lamang niya ang isang throw pillow upang kahit paano ay matakpan ang kanyang katawan.

Itinaas nito ang kanyang mukha. Naubos na ang lakas niya upang tabigin pa ang kamay nito. "Ano ang pakiramdam na naulit na naman sa 'yo ang ganito? Gaya nga ng sinabi mo noon... ang magpaganyan..." Dalawang ulit na idiniin nito ang hintuturo sa kanyang hita, "nang wala na namang mapapala?"

Tumayo na ito at umalis. Hanggang sa marinig niyang sumara na uli ang gate ay nanatili siyang nakaupo roon, nakatingin sa sahig, nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha.


Like my page: www.facebook.com/vanessachubby or www.facebook.com/theromancetribe (writers collab page)

BUY THIS BOOK: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/4963/Ang-Lalaking-Nagmahal-sa-Akin-1---2

Ang Lalaking Nagmahal sa Akin (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें