Chapter 5

8.4K 315 15
                                    

"ANG MGA tulad mo ang dapat na tinatapos na sa mundong ito, animal!"

Aktong hahatawin uli ni Flora sa ulo ang lalaki nang tumihaya ito. Saglit siyang nabigla nang makita niya ang hindi niya dapat makita. Sinamantala nito ang pagkakataon at inagaw sa kanya ang panghataw niya.

Dali-dali siyang nagtungo sa maliit na kusina. Nakakita kaagad siya ng kutsilyo roon. Bago pa nakalapit sa kanya ang lalaki ay naiamba na niya iyon dito.

"'Wag kang lalapit!" Iniiwasan niyang tumingin sa katawan nito. Talop na talop pa rin ito!

"Do you know who I am?" anito, mukhang galit pa.

"Kahit sino ka pang hayup ka, wala akong pakialam!"

"You are going to regret—"

"Tumahimik ka kundi, sasaksakin kita!" Inilapit niya rito ang kutsilyo kaya napaurong ito. Pinaurong niya ito nang pinaurong hanggang sa marating nila ang telepono. "Okay ka lang, Miss?" aniya sa babae.

"You stupid bitch!" anang babae.

Nabigla siya sa sinabi nito subalit nangangamba siyang maagawan na naman siya ng armas kaya inabot kaagad niya ng libreng kamay niya ang handset.

"I am the—"

"Tumahimik ka! Hindi ka ba nakakaintindi ng Tagalog? Quiet!"

"Miss, hindi mo alam—" singit ng babaeng nakaposas pa rin subalit sinenyasan na niya itong manahimik.

Minsang pagsulyap niya sa buton ng telepono ay nadiinan kaagad ng lalaki ang galang niya. Napahiyaw siya ng "aray," saka nabitiwan ang patalim. Hindi na siya nagdalawang-isip, tumalilis kaagad siya roon.

Ang elevator ay nasa ibabang palapag pa kaya naghagdan siya. Hingal-kabayo na siya nang makarating sa security office. Mukhang nagkakagulo rin doon. Noon lang siya nakapasok doon. Nakita niyang naroon pala ang monitor ng mga nakakabit na camera sa pasilyo ng bawat palapag.

"Diyos ko," sambit niyang tuyo na ang lalamunan. "May nangre-rape sa itaas."

May isa sa mga ito ang nagbaba ng telepono at binalingan siya. "Kakausapin ka ni Sir."

Tumango na lamang siya. Ang hinala niya ay ang boss ng mga ito ang kakausap sa kanya. Marahil, habang bumababa siya upang makarating sa mga ito, gamit naman ang elevator ay umakyat ang mga ito sapagkat nakita nang nagtatatakbo siya palabas ng silid na iyon.

Bumalik sila sa silid na pinagmulan niya. Nakabihis na ang dalawang hubad kanina. Naroon nga ang head ng security, si Sir Nathan. Nagtataka siya sapagkat walang ibang naroon kundi ito at isang lalaking noon lamang niya nakita, naka-polo-barong din ito.

"Sir, rapist 'yan. Kitang-kita ng dalawang mata ko—"

"How dare you!" wika sa kanya ng isang lalaking naka-polo-barong din.

Nabuwisit siya. "Anong how dare you? Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Hindi how dare me. How dare you!" Itinuro niya ang rapist.

Mukhang may sasabihin pa ang hindi niya kilalang lalaki, hanggang sa magsalita ang rapist. "Greg, take care of Liza. You can go now."

"Mister McNally, are you sure?"

"Yes. Nathan, you can go now, too. You," baling sa kanya nito. Sa puntong iyon, alam na niya kung sino ito. "You're fired."

Natulala siya.

Ang Lalaking Nagmahal sa Akin (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant