Chapter 12

137 4 0
                                    

- COUZ!this one's dedicated for you, thank you for supporting my story. I'm touched T.T

(Dave POV)

Nakaalis na si Paulo pero ako eto nakatulala pa din. Hindi kasi ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Magka hawak kamay sila ni Rein habang hinihila niya. At ang mas nakakagulat dun ay ang hindi pagpalag ni Rein. Bumitiw lang sya nong nakasalubong nila ako.

Ano un? Akala ko baa yaw niya ng physical contacts? Eh anong ngyari kanina? May gusto ba sya kay Paulo? Pano un eh sa pagkakaalam ko si Bianca ang gusto ni Paulo? Haaisst! Ang gulo. Bakit ba kasi big deal saken un?Bahala na nga.

Pumunta na ako sa parking lot nagulat pa ako ng maabutan ko si Kenneth at Bianca dun. Anong akala niyo may ginagawa silang kalokohan? Well wala pa naman. Haha!. Tinawag nila ako and nagba bye. Tsk. Tsk. So si Kenneth na pala ang naghahatid kay Bianca pauwi. Malamang isang araw sabihin na lang nila samen na sila na. Kawawa naman si Paulo. May tumawag saken,

“Dave pare” si Lance naka upo sa motor niya

“Oh bakit pare?”

“Uuwi ka na ba?” tanong niya

“Oo sana, bakit?”

“Ganon ba? Ayain sana kita sa Push. Tambay muna tayo dun”

“Sige”

May dumaang dalawang chicks sa table naming and nginitian kami ni Lance, well it’s not our fault kung kapansin pansin ang kagwapuhan naming haha!.

“Lance, check out those two girls, tinitingnan tayo”

Lumingon si Lance and umiling

“Oh bakit? Hindi ka ba nagagandahan sakanila?” tanong ko

“They’re pretty, pero hanggang dun lang. I don’t see anything interesting in them besides their face” walang ganang sagot niya

Naman! That’s new. Most of the guys at our age would definitely go for ladies with a pretty face and well…fling is just a common thing for us guys. Kaya nakakapag taka na etong si Lance hindi ganon?. Is it because of the CHOCOLATE GIRL name Rein? Tama ngayon ko sya tatanungin tungkol dun.

“Kung hindi sila interesting sayo, then sino?” ng iintrigang tanong ko (takte para akong babaeng chismosa neto ehh)

He shrugged and said “Well, I find Rein interesting and charming…alam ko parang bakla lang pero I guess I like her” diretsong sagot niya.

Sabi na nga ba ehh..may something.

“Nak ng! crush mo si Rein?”

Natawa sya dun “Oh? Bakit Dave anong kagulat gulat dun? Masama bang magkagusto sa kanya?”

Ako naman ang parang nailing dun…oo nga naman ano naming masama dun?

“Wala pare…medyo nagulat lang. So anong plano mo?” oo sinasagad ko na ang pagiging tsismoso ko ngayon.

He takes a sip at his coffee for a long seconds

Naiinip na ko sa sagot niya “Ano pare? Anong plano mo?” tanong ko ulit

Nilapag niya na ung coffee then straightly says

“I’m gonna court Rein” with a smile

. - ako

Kahit na hindi na kataka-taka un..nagulat pa din ako. Ewan ko ba. Hindi ko din maintindihan sarili ko.

Tumango tango na lang ako, I took a sip on my coffee pero parang nakakawalag gana. Kanina naman sarap na sarap ako sa kape, ang gulo.

“Ano naming nagustuhan mo kay Rein?” I asked while looking outside the window

Lance quickly said “Well, I’m not sure pare. Maybe her bubbly personality, or her cute eyes. I don’t know. The first time I laid my eyes on her I felt something different. Okay, I sound like a girl now. Haha!” nailing na sabi niya

Bakit ganon? Parehas ata ang epekto samen ni Rein. Kasi ganon din ung naramdaman ko sa kanya, I find her different. I’m amused actually kaya nga tuwing naikita ko siya naiisip ko lagi ung rainbow. Mahirap to ahh. Hindi ko naman din gusto si Rein di ba? Maybe? Ahh! Ayoko na matulad kami kila Kenneth at Paulo. Lokong babae na un, nagpapagulo ng utak naming. Tsk.tsk.

“Oo nga pala Dave, what’s with you and Rein? Bakit lagi syang nagpapabili sayo ng chocolate? Samantalang ako ini offer ko na nga syang ilibre pero lagi niyang tinatanggihan”

Well, samen na lang un noh! Haha. Sorry ka ako kasi ang paborito nyang ibully at hindi ikaw. Arrangement naming un, samen lang.

Lintek! Kung ano anong naiisip ko

“Malay ko dun” un na lang sinabi ko

Nakahiga ako sa kama ko pero hindi maalis sa isip ko ung pinag usapan naming ni Lance kanina. Sa totoo lang hindi lang naman sya ang magulo ehh, mas magulo ako may kung ano-anong pumapasok sa isip ko buti na lang hindi ko nasasabi. Hindi ko din maintindihan sarili ko. Bwicit! Ngayon lang ako nag isip ng dahil sa babae. Hindi ko naman kasi problema ung naging gf ko nun. Nag break kami pero okay lang saken, nakalimutan ko agad. Kasi nga bata pa naman ako, pero ewan ko ba, iba kasi ung nararamdaman ko ngayon kay Rein. Hindi ko to na feel nung kami pa nung ex ko.

Ano nga ba kasi ung nararamdaman k okay Rein?

Is it just a simple amusement? Or talagang natutuwa lang ako pag nandyan siya dahil hindi ka mabobored?

Kayo ano sa tingin niyo? Kayo naman mag-isip, tapos sabihin niyo na lang saken huh? ^_^

 Mag seset ako ng alarm sa cellphone ko ng maisipan kong maghalungkat ng mga pictures. Ang dami na din pala naming pictures ng barkada, malaki kasi ung pixel ng cellphone ko kaya eto lagi ung ginagamit namin. Natatawa ako sa picture ni Bryan na titig na titig kay Lorraine habang nakaupo to sa hagdan. Anon a kayang status netong dalawa na to? Baka isang araw sabihin na nilang sila na, wala naming kagulat gulat dun simple lang kasi si Bryan lang nagkakausto kay Lorraine. Hindi katulad ni Bianca na mukhang pinag-aagawan ni Kenneth at Paulo.

Speaking of, hindi ko pa nakalimutan ung nakita ko kanina noh. Siguro kung hindi ko lang alam na gusto ni Paulo si Bianca makakapag isip talaga ako na may something dun sa dalawa. Madalas ko silang Makita na nagkukulitan, para ngang lambingan na lang nila ung pang bubully sa isa’t-isa. Pero hindi ehh, malayong mangyari dahil si Paulo iba ang gusto at si Rein?

Well isa lang naman ang gusto non…

Syempre lam na. ehh di CHOCOLATES. Haha

Nilipat ko na ung picture then napahinto ako ng Makita ko na may solong picture pala si Rein sa cp ko. Akalain mong ako ang may-ari neto pero hindi ko alam. Si Bianca at Kenneth and mahilig magkuha ng picture at manghiram ng cellphone niya.

Tinitigan niya si Rein, hmmn ang ganda ng kuha niya dito ahh. Ang ganda ng smile niya tapos nagpapacute sya sa picture. Nakalagay ung dlawa niyang kamay sa mukha niya. Ang sarap pisilin ng pisngi. Haha! Ilang minuto na ang nakaklipas pero ako eto…nakatingin pa din sa picture niya.

Potek! Tama na nga! Ang hirap naman! Ngayon ko lang nalaman na nakaka adik pala ung babae na un. Last na, tiningnan ko ulit ung picture niya then naramdaman ko ung kaba na hindi ko maipaliwanag. Ayan na naman ehh. Makatulog na nga. Patulugin mo ako babaeng chocosalvy. Mamaya mapanaginipan na naman kita. Takte talaga! Hindi na maganda to ahh. Tuwing naiisip ko sya para akong tanga na kinakausap ung sarili.

 - AN: I don't know how many days or week/s since my last ud. Finals kasi non and kinuha niya lahat ng attention and energy ko. Di bale mag sesembreak naman na, i'll try to finished this before the second semester start. (I hope, sana hindi ako atakihin ng katamaran..hehe). Goodnight mga ka-watty. Namiss ko kayo^_^

She's my Kaleidoscope (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon