Chapter 33

47 2 0
                                    

- Sorry for the late update guys. I've just recovered from a terrible throat infection. Btw Happy 1K guys! Thanks for supporting my story. It really means to me, a lot actually. Happy Reading beautiful people!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Masaya ka ata ngayon Rein?” tanong ni Ate Gina saken

“Yup ^_^” Bakit hindi ako matutuwa eh okay na kami ni Bianca. It’s good to know na wala ka ng taong nasasaktan. What a relieved! One more task to go and I can fully enjoy my vacation.

“Oh siya dahil good mood ka na magmeryenda ka na diyan. Nagdala pala si Joshua ng kakanin baka gusto mo” alok niya saken

“Hindi naman ako mahilig diyan ate ehh..” tama! Si Lola Belen! For sure magugustuhan niya yan. Bibisitahin ko nga siya ngayon tutal wala akong magawa dito sa bahay dahil umalis si Hannah at Joshua.

“Oo na. Sige at ipapamigay ko na lang yan dun sa kapitbahay” kukunin na ni ate Gina yung kakanin ng agawin ko sa kanya

“Ate wag mo ng ipamigay. Saken na lang to may pagbibigyan ako”

Nanlaki yung mata niya sabay sabing “Manliligaw ka ba Rein?”

Ay sus! Kahit kelan talaga tong si Ate! “Gusto mong sabihin ko kay Manong Berto na crush mo siya?” Noon pa man type na type na siya ng sekyu dito sa subdivision kaya lang ayaw ni ate

“Naku Rein ikaw naman hindi ka na mabiro. Oh ayan sige bigay mo na yan lahat” hahaha! Iba na talaga pag magaling mag black-mail ^_^

“Wahahahahahaha!” kulang na lang gumulong gulong ako dito sa sahig

Bago niyo isiping ako’y nawawala na sa katinuan at dapat ng dalhin sa mental (note: galing na ko dun haha!), nandito ako sa bahay ni Lola Belen. Ang cool cool kasi ni Lola, alam mo yung kaya niyang maki-ride sa mga jokes at trip nating mga kabataan. At ang malupit pumi pick-up lines pa si Lola kaya ako kulang na lang maihi dito.

“Naku buti na lang talaga dinalaw mo ako dito Rein. Madalas kasing nagkukulong lang sa kwarto yung apo ko o di kaya naman umaalis” kinakain namin ni Lola yung dala kong kakanin, siya lang pala inalok niya kasi ako ng brownies. Well alam na ^_^

“Wala po yun La, tska wala din po akong magawa sa bahay ngayon. Kamusta na nga po pala yung problema nung apo niyo?” tanong ko

“Ayun ganon pa din. Kung dati tahimik siya mas dumoble ngayon. Hindi niya man saken sabihin lahat alam kong nasasaktan siya ngayon. Sabi ko nga sa kanya bata pa siya. Pero alam mo ba kung anong sabi niya saken Rein”

I was silently listening to her, pakiramdam ko nakikinig ako ng fairy tale “..Ano po?”

“Iba daw yung babae nay un. She’s different and unique. Hindi niya man gustong mahalin pero he was drawn to her. Na kahit kaibigan lang daw ang tingin sa kanya okay lang dahil ganon niya to kamahal kahit na kitang kita ko naman na nasasaktan na si Chris..”

With that napa-isip ako. At oo naiitindihan ko si Chris. Kasi I’ve been on the same page. Staying as a friend to someone you love definitely hurts. Hay buhay! Ang complicated talaga magmahal. Kaya nga naiingit ako kay Lorraine and Bryan, they have a simple and happy lovelife.

“Alam niyo po La, ganon naman po talaga eh. Hindi mo naman pwedeng diktahan yung puso mo na iba na lang mahalin mo para di ka masaktan..” I absent-mindedly said. Heck! Totoo bag lumabas sa bibig ko yung cheesy at ma-dramang line na yun?

Si Lola naman ang nagulat sa sinabi ko “ Mukhang pinagdadaanan mo din yan ngayon ah iha..”

“Ah..eh..*nakakahiya naman kasi*..parang ganon na nga po, pero tapos na po”

She's my Kaleidoscope (COMPLETED)Where stories live. Discover now