Grabe umpisa pa lang ng klase ang dami na naming gagawin…
Well ganito talaga sa BHA, more on academics unlike St. Therese na more on ka sosyalan (kaya nga dun nag-aaral ung kapatid kong magaling).
Nagliligpit na ko ng gamit after ng last subject naming ng lapitan ako ni Bianca
“Rein, uuwi ka na ba?”
“hmmmn bakit Biancs?”(may nickname na ako sa kanya)
“Sama ka muna samen, magmemeryenda lang tau dun sa bagong bukas na coffee shop” Singit ni Lorraine
Hay naku, kaya minsan ayokong makipag close ehh…kasi nga hindi naman ako mahilig pumunta kung saan-saan. Kuntento na ko sa routine ko na bahay-eskwelahan-bookstore- grocery at sa secret place ko (tska nyo na malalaman kung san un..secret nga di ba?). Tsaka baka makasama naming mag dinner si mama sayang naman. Pagbibigyan ko na lang sila next time.
“Pass muna ako dyan girls, meron kasi kaming aayusin sa bahay ehh..next time na lang huh” sabi ko sa kanila
“Hmmpp..as if naman Rein kilala ka naming noh, bihirang bihira kang lumabas. High school naman na tau ehh..cge na” nag pleading eyes pa si Bianca.
“Bianca next time na lang, hayaan muna naten si Rein baka importante ung aayusin nila sa bahay. Basta next time papayag ka na di ba Rein?” she asked, ung tinging naiiintindihan nia..
“Oo, sure yun sasama na ko next time.” Hay buti na lang kahit parehas silang nagbago si Lorraine hindi ganon kakulit kay Bianca.
Nauna na akong lumabas sa kanila…nagtext pala saken ang magaling kong kapatid..
“Psst..Ateng..uwi ka ng maaga huh…ditto mag didinner si mama bili ka ng crema de fruita..”
Eto talagang si Hannah makapag utos…aba baliktad ako kaya ang ate at hindi sya….at ang tawag saken ATENG! Ano ako matanda? Hmmp kung hindi lang para kay mama hindi ako bibili..
Nagmamadali akong lumakad kaya hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako.
Ano ba naman yan..kung kelan ako nagmamadali…kumalat pa ung mga dala kong libro..
Pinulot ko un isa-isa..
“Rein eto pa ung books mo ohh”
Tiningnan ko ung naka bunggo saken…
…naku si Dave lang pala..
“Naku Dave kaw pala yan..sorry nabunggo kita nagmamadali kasi ako..” Paliwanag ko
“That’s ok…pupunta ka ba sa Push?”
“Huh? Anong Push?” taka naman ako kung san un
“Sa bagong bukas na coffee shop, I heard pupunta dun sila Bianca..hindi ka ba kasama?”
“Ai…un ba…hindi ehh..may gagawin pa ksi ako..sige Dave..sorry ulit..una na ko”
Nagmamadali na ulit akong naglakad….
Naku naman puno pa lahat ng jeep na dumadaan..dadaan pa ko sa bakeshop…
“Rein!”
Nilingon ko kung sino ung tumawag saken…
Si Lance lang pala…
“Oh Lance..bakit?”
“Uuwi ka na ba? Gusto mo hatid na lang kita hindi na ko makakasama kila Kenneth sa Push ehh”
![](https://img.wattpad.com/cover/2041424-288-k550764.jpg)
YOU ARE READING
She's my Kaleidoscope (COMPLETED)
Teen FictionUmiikot ang mundo ko sa CHOCOLATES un lang. Kaya nga nung may dumating na magmamahal saken, ewan ko ba pilit kong tinakbuhan at dineny. Ang nasa isip ko kasi BATA PA KO. Pero sabi nga sa love age doesn't matter. Kaya ko kayang ibalik ang pagmamahal...