Chapter 10

132 5 5
                                    

_Dedicated to her. My new watty friend! Garly this one's for you ^_^

(Rein POV)

Ako ay nagbabalik haha! Syempre alanganamang si Hannah na naman ehh ako ang BIDA dito ^_^

Kasalukuyan kaming nagkekwentuhan ni Mama, kagabi pa nga pala sya dumating. Ang dami ngang pasalubong samen ehh kala mo nag abroad. Kinwento ko sa kanya nong pinasok ako ni Hannah sa kwarto at ung tungkol dun kay Joshua. Pero syempre hindi ko sinabi na binato ko sya ng unan at ininis.

Napatigil kami sa pag-uusap ng dumating si Hannah at mukha syang masaya

“Mommy! Pwede po bang mag paalam?” niyakap niya si mama

Sus! Bobolahin niya lang si mama, tsk tsk. Para paraan nga naman oo.

“Oh ano un anak?”

“Ahhmm, kasi po may show po si DJ sa St. Mark. Pwede po ba akong manood? Kasama kop o ung bestfriend ko si Reena” nag papaawa effect na sabi niya

“Naku ma, wag mong payagan yan. Baka mamaya makiki pag date lang yan dun” ng-aasar na sabi ko

Napaisip si mama and si Hannah naman binigyan ako ng death glare (ノಠ益ಠ)ノ

Dinilaan ko lang sya, haha! Mamaya mapipikon nay an at mag wawalk out

“Ma, sige nap o plheeassee” nag mamakaawang sabi niya

“Okay Hannah, papayagan kita na pumunta. On one condition.” Nangingiting sabi ni Mama

Nagliwanag ung mukha niya and niyakap niya ulit si mama “Talaga mommy?! Yes! Ano pong condition un?”

“Pupunta ka lang kung maisasama mo ang ate Rein mo” 

HUWAATTTT?! Anak ng beng beng naman oh! Anong gagawin ko dun ehh hindi naman ako mahilig sa lalakeng malaki ang eyebags. Haha!

“Ma naman! Ayokong panoorin si Mr. Eyebags” nag mamaktol na sabi ko, kasi naman mas gugustuhin ko pang pumunta sa secret place ko kesa makipag siksikan dun

“Mom, ehh si ate naman for sure hindi ako sasamahan. May kasama naman po ako” sagot ni Hannah

Niyakap kami ni mama parehas then tumayo na sya

“Basta that’s the condition Hannah. It’s up to the both of you to work it”

Hahahahaha! Patay ka ngayon kapatid. Kelangan mo sakeng magmakaawa ^_^

Naiinis na nagsalita si Hannah “Ateng…este Ate Rein, nood na tayo sige naman na”

Nakaklokong ngumiti ako “Ano yun? May sinasabi ka ba?”

“Ate naman, please! Alam mo naman na gusto ko ng Makita si DJ personally sige naman na” Nagmamakaawa na sya ngayon

“Ahhh, sige nood ka na sa show ni Mr. Eyebags. Sasama lang ako sayo pag kasama naten si Joshua ^_^” haha, ewan ko biglang pumasok sa isip ko un at magandang timing un para asarin si Hannah

“AHHH! ATE NAMAN! I DON’T WANT TO SEE THAT GUY! Nakakaasar sya” nagrereklamo sa sabi niya

“Okay, madali naman akong kausap. You’re just gonna choose between watching Eyebags with Josh or you’ll miss the chance to see him upclose. Kaw din sayang un” oo, bully ako ngayon, kasi naman tong si Hannah hindi marunong mag convinced! Isa lang naman ang hinihintay kong sabihin niya, all she needs to do is say the magic words – CHOCOLATE and LIBRE at mabilis pa sa alas kwatro na sasamahan ko siya. Kaso slow tong kapatid ko.

She's my Kaleidoscope (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon