Chapter 24: The Legendary Tale

2.9K 64 0
                                    

NOTE: Sorry po kung natagalan ang ud :3
Sana magustuhan niyo ^_^

o0o0o0o0o0o0o0o0o00o0o0o0o0o0o0o0o0o00oo0o00o00oo0o00o0o0o

Chapter 24

The Legendary Tale: The Element Princes Rivary/Battle

(Kaiko Yazame's Point of View)

Lumikha siya ng apoy sa kamay niya at mabilis na nilamon siya nito.

Aba bago yun ahhh!!

Naging malaking bolang apoy siya at mabilis na lumipad sa akin. As in sobrang bilis niya dahil hindi ko na siya nailagan.

"Ahh!"

Bat ganon kahit may element na ako ng fire nasasaktan parin ako pero may kakaiba sa apoy niya. Mukang may tinatagong sekreto nanaman ang lalaking toh.

(Ui Nagemi's Point of View)

Paulit ulit na tinataman ng bolang apoy na Fierre si Kaiko. Namumula ang katawan ni Kaiko dahil sa mga pasong natatamo. Bat ganon?! Bakit na tatamanan at napapaso si Kaiko ehh meron na siyang fire element?!

May naamoy ako at may kakaiba akong nakikita sa apoy ni Fierre. Hindi siya ordinaryong apoy! Isa siyang Phoenix Flame isang legendary flame na kahit kelan hindi kayang imaster ng kahit sinong element fire users. Kahit ang ama ni Fierre na hirapan mamaster yun kahit siya ang god of fire! Panong nagawang mamaster ni Fierre ang mahirap at napakapanganib na Flame na yun?

Kahit hindi ako kasing talino ni Kaiko, kasing lakas ni Shai mabilis naman mga 5 senses ko at kaya ko malaman kaagad ang mali. Kahit ako minsan ang gumagawa ng mali para mabad trip sila sa akin!! Haha! Wala eh sarap nila asarin parehas kase asar talo. Pero mas asar talo si Kaiko.

Mabilis malalaman ang Phoenix Flame kakaiba kase ang amoy nito, amoy nasusunog na plastic hindi katulad ng ordinaryong apoy na amoy nasusunog na kahoy. Tsyaka yung kulay niya hindi lang orange may nakahalong konting red kaya hindi masyadong halata. Pero may kakaiba pa sa apoy na yun kaso hindi ko na maalala...

Wait?! Wow ha! Bat ko alam yung mga yun!? Aba nagiimprove na ba memory ko?! Ang astig ko talaga at gwapo pa! Hoy walang aangal!! Kung totoo naman!

"Ang ganda naman ng upo mo dyan ah?"

"Edi ligawan mo~" pagpipilosopo ko sa nagsalita. Hindi ko din siya tinignan. Nakafocus parin ang tingin ko sa laban na nasa harapan ko.

"Hindi ka parin nagbabago kahit pangalawang buhay na natin toh?" Mahinahon na sabe niya kahit ang gulo ng paligid.

"Ayokong magbago, baka bumalik pa siya." Mahinang sagot ko pero alam kong narinig niya yun.

"Hangang ngayon umaasa ka parin na babalik siya?" Tanong niya na may konting pagaalala sa boses.

"Hindi naman masama maghintay... Tsyaka ikaw din naman naghihintay at hindi nagbabago ahh" tinignan ko na siya at ningitian kahit alam kong wala kami ngayon sa posisyon para magusap at magkamustahan.

Tinignan niya lang ako at binigyan ng mapait na ngiti. Tinanggap ko na din yun kahit ganon at least nagkakaintindihan kami kahit kaonti.

Binalik ko ang tingin ko sa laban. Ayokong may makaligtaan na kahit anong maaring mangyari at baka may maaasar ako kay Kaiko.

Wala ng nagsasalita sa amin habang pinapanood namin maglaban nila Kaiko. Which is bago para sakin dahil sa daldal ko pero siya lagi siyang tahimik.

Palihim ko siyang tinignan at muka namang walang nagbago sa kanya kahit ngayon nalang olit kami magkita simula nung kasunduan.

Sigurado akong katulad ng panglabas na anyo niya ay pati ang puso at pagiisip niya ay hindi nagbago kahit may pait sa muka at pagtingin niya.

Element MaidenKde žijí příběhy. Začni objevovat