Chapter 11: Unexpected Meetings

3.3K 106 0
                                    

Chapter 11

Unexpected Meetings

o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0000000o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o

(Someone's Point of View)


Pumunta ako sa Academy na pinapasukan nila Prince Kyle at Princess Shane dahil may kailangan ako sa principal ng school nila.

Pumasok ako sa Principal office at nakita ang matalik na kaibigan nakangiting nakatingin sa akin. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Kamusta ka na?" Sabe nito sabay yakap sa akin. Natutuwang niyakap ko siya pabalik.

"Ayos lang ako. Ikaw kamusta ka na, Ocean?" natutuwang tanong ko sa kanya. Humila naman siya palayo at sinagot ang tanong ko.

"Ayos na ako." Sabe niya ng tuluyan na siyang nakalayo sa akin at pumunta sa isang kuwarto.

Umupo muna ako sa sofa na malapit sa mga maraming picture frame. Natuwa ako ng makita ang anak niya na nasa litrato.

"Alam mo babalik na siya sa susunod na buwan galing States." Napatingin ako kay Ocean ng magsalita ito. Halata sa kanyang boses na excited siya. Napasin kong nagdala pala siya ng juice para sa amin.

"Mabuti naman kung ganon." Nakangiting pangsang-ayon ko sa kanya.

Inilapag niya yung juice sa coffee table na malapit sa amin. Nagsalin naman ako para sa aming dalawa.

"Ano olit ang buong pangalan ni Mizu?" Tanong ko habang tinitignan ang loob ng kanyang opisina.

Napansin kong lalong lumaki ang opisina niya at lalo itong nagmukang luma pero maganda parin at mukang epic.

" Princess Baydalyn Merlion Ofelyn Waters."Kumpeto na sabe ni Ocean habang hawak-hawak ang isang picture frame.

[a/n: Ang pagbigkas ng name ni Mizu ay Beydalin Merliyon Ofelin Waters.]

Napatingin siya sa akin naipinagtataka ko naman. 

"Ano nga pala ang patid mo saken?" Tanong niya habang lumalapit sakin.

Doon ko lang napagtanto na may kailangan nga pala ako sa kanya. Tumayo ako at pumunta sa desk niya.

Hinanap ko yung event na mangyayari sa magiging prom nila. Nang nahanap ko iyon ibinigay ko sa kanya at sinabing...

"Gusto ko ang prom place niyo ay sa garden ng palasyo ko." Sabe ko habang nakatingin sa kanya kung oo ba siya o hindi.

Napakunot-noong tumingin siya sa planner niya kaya naman nalungkot ako dahil siguradong hindi siya papayag.

Nabuhayan ako ng bigla siyang nagsalita."Sige masusunod." Sabe sabay ngiti sa akin. Napangiti narin ako dahil gusto kong makita ang anak ko.

Nagkuwentuhan lang kame hangang kailangan ko ng umalis at magpaalam sa kanya.

Tumayo na ako at hinarap siya. 

"Sige alis na ako kaylangan ko pang ipaayos ang prom place." Sabe ko habang papunta na sa pintuan.

"Sige magkita nalang tayo bukas..." Sabe naman ni Ocean habang sinusundan ako papuntang pintuan.


Pagkalabas ko ng pintuan ay may nakabanga akong istudyante. Hindi ko lubos makita ang muka niya dahil napaupo siya sa sahig kaya tinulungan ko siya.

"Pasensya na po." Paghingi niya ng tawad pero ngayon nakayuko siya.

Hinawakan ko ang muka niya at tinaas para makita ang muka niya.

Element MaidenWhere stories live. Discover now