CHAPTER 28

52K 799 16
                                    



Nandito kami ngayon ni Jorge sa may bleachers sa soccer field. Wala lang. Wala kasi kami professor kaya tambay kami. Bangag parin ako ngayon. Paano wala akong masyadong tulog. Nagigising-gising ako kaninang madaling araw kung nakauwi ba si Hans.






Pero hindi talaga siya umuwi. Nagtext nga di ba? Pero there is something in my mind wishing na sana magbago ang isip niya at maalala niya na mag-isa lang ako sa bahay. Pero wala eh. Di ko pa siya nakikita. Last na kita ko sakanya eh yung sabay kami pumasok. Nakakainis!



"Oh. Ba't parang ang lungkot mo ata?"



"Ha? Hindi ah. Wala lang akong tulog."



"Bakit?"



"Si Hans kasi eh. Di umuwi kagabi eh naka--"



Shit! Nasabi ko ba yun kay Jorge. Tengene! Ang daldal mo Vhea!! Langya, papatayin ako ni Hans nito eh!



"Ano? Are you saying na magkasama kayo sa isang bubong?"



Magpalusot kaya ako? Baka magawan ko pa ng paraan. Ba't kasi ang daldal ko?! Minsan talaga kailangan istapler tong bunganga ko!



"Wag ka na magpalusot Vhea. Nadulas ka na."

Sabi ko nga eh. Wala na kong lusot. Haay. Siguro naman di niya sasabihin. Ang bait kaya ni Jorge. Tsaka alam ko naman din ang secret niya.



Ayun. Kaya wala na kong takas, kinwento ko na kay Jorge. Simula sa umpisang umpisa kung bakit kami kinasal ni Hans..



"Woah. Swerte mo girl. Nakakakilig naman ang love story nyo!"



"Nakakakilig ba yun? Tsss."



"Oo kaya. Kung alam lang to ng buong campus siguro hindi ka na nila i-bubully. Ay mali. Papatayin ka lang naman nila."



"Jorgette! Promise me. You'll keep it a secret. Please!"



"Of course. Bestfriend na nga turing ko sayo noh. And I can't betray you."



"Thanks talaga. I owe you."



Nagpakwento pa sakin si Jorge kaya ako naman ay dakilang story teller hanggat sa magring na yung bell. Pumasok na kami sa next class namin. Baking class kami pero puro introduction palang. Natapos na ang lesson kaya next class naman kami. Naglalakad kami ni Jorge nang napansin namin na may nagkukumpulan sa may canteen.



Syempre. Kami naman ang mga chismosa. Nakisali na kami. Ang daming tao kaya hindi namin makita yung pinagkakaguluhan nila. Tumingkayad ako mejo matangkad naman ako. 5'5'' kaya ko. Haha. Pero wa epek parin. Ang tanging nakita ko lang ay si Ian at Jayden na nakatayo tapos may dalawang tao yung nakaupo. Buhok nalang yung nakita ko eh.

Napagod na ko kakatingkayad kaya naman sumuko na ko. Ganun din si Jorge. Umalis na kami doon at pumunta nalang kami ni Jorge sa coffee shop malapit sa university.



JAYDEN'S POV

I'm with Ian,Dave and Hans. Hindi umuwi si Hans at dito na rin natulog ang ungas. Nagpatulong kasi si Hans mag-isip ng pwedeng iregalo sa asawa niya. Ewan ko ba sa lokong to. Mukhang naiinlababo na kay Vhea.

I can't blame him. Maganda,sexy at mabait naman si Vhea. Pero, uy! Hindi ako in love sakanya ha! Asa pa kayo! I will never fall in love.

So ayun nga. Gusto niya daw isorpresa ang asawa niya sa 18th birthday niya. So gay di ba? Pero iba talaga kinikilos niya ngayon. Di naman siya ganyan dati. Kahit kay Ezza.



Arranged For You [Fin]Where stories live. Discover now